Showing posts with label MGA LEKSiYON AT ARAL. Show all posts
Showing posts with label MGA LEKSiYON AT ARAL. Show all posts

Monday, April 29, 2013

Na-Janine Tugonon Ka Ba? Bumawi Ka, I-Undertaker Mo!

“One lesson in life that women can teach men is being sensitive. We all know that men are logical when it comes to decisions. They are usually more rational and straightforward. Unlike women, we use our heart and we tend to get emotional in some our decisions. Sensitivy is something we, women can teach to men.” - Ariella Arida

Napakamalaman ng kasagutan na ito ni Ariella Arida sa Q & A portion nitong kararaan lang na Bb. Pilipinas.. Bawat kataga, totoo. Kaya nga, gusto ko itong iukit sa bato tapos ay ingudngod sa muntik-lang-gumanda na pagmumukha ni Janine Tugunon.

Atin itong himay-himayin.

One lesson in life that women can teach to men is being sensitive..

Tama, hindi nga ba’t ang kababaihan ay mas hirap sa pagdedesisyon dahil ang higit nilang pinananaig sa anumang bagay ay ang kanilang puso? Subalit, wala ata sa bokabularyo mo Ms. Tugunon ang salitang “sensitive”. Damang dama ko ang pagkadurog ng puso ng iyong ex-boyfriend. Saksak-puso-tulo-ang­-dugo, ganun na ganun noong pagmukhain mo siyang tanga de bobo sa milyon-milyong manonood ng Kris TV.
Kailanma’y di ako naging mapanghusga. Pero sa ginawa mong iyon, napamura ako nang abot hanggang langit. Kahusga-husga nga naman di ba? Kaya wag na wag mo kaming sisihin kong magtayo kami ng kulto para isumpa’t kulamin ka. Nakikisimpatya lang kami sa kahihiyang pinaranas mo sa iyong ex-boyfriend. Di ka naman namin tinatanggalan ng karapatang kiligin. K. mo yun! Pero wow ha! On national TV na kasama ang iyong boyfriend? Umarte kang parang tigang na sinisilaban ang pukelya dahil sa bagong inspirasyong bokalista ng “The Script”. Taas na kamay ko sa’yo. Ikaw na. Pwede ka ng mamuno sa isang samahan. Samahan ng Malalanding Nilalang. Ikaw ang presidente. Gawin mong vice si Maja Salvador at sekretarya si Cristine Reyes para kompleto ang casting.

We all know that men are logical when it comes to decision. They are usually more rational and straightforward.

Oo, talagang ikaw na talaga. Ikaw na ang pinaka-logical ng henerasyon. Ikaw na ang pinaka-rational. Pati pinaka-straightforwa­rd ikaw na rin. Di ka na nagtira. Pinakyaw mo na ang lahat ng titulo.
Nanood lang ng concert ng bandang “The Script”, Jinanine Tugonon na agad ang jowa. Ngayon ay di na matitikman ni ex ang tinola? Bakit dahil ba sa tingin mo’y mas mahusay mag-Mang Kanor ang foreigner? Anak ng tinola nga naman oh, sarap mong i-Undertaker.

Unlike women, we use our hearts and we tend to get emotional in some of our decisions. Sensitivity is something that women can teach to men.

Kabaliktaran ito sa iyong inasal. Asan dun ang puso mo? Di mo man lang inalintana na may emosyon kang madudurog. Asan na yung sinabi mong di mo siya ipagpapalit sa kahit na sino? Kahit na sino? The Script pa lang nga, laglag-panty na agad. Ngayon ko lang naisip na para sa’yo pala talaga ang kanta ng salbakuta— “basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay.”
Maiintindihan ka naman sana namin kung hindi mo ginawa sa ganong paraan. Tanggap namin na may mga relasyon talagang di nagtatagal. Sabi nga ng iyong tagasuporta, personal life mo yun. Di na dapat namin pakialaman. Pero ginawa mo siya sa harap ng publiko. At ang anumang bagay na ginawa sa harap ng publiko ay wala ka ng karapatan na personalin ito..

Minahal ka namin Janine. Minsan ka naming pinalakpakan. Kasama mo kaming nakipaglaban. Kasama mo kaming nagdasal.  Pero iyong huling ginawa mo, maling mali..

Sunday, April 28, 2013

Sampung Payo Sa Mga Bigo

Inilabas na ang resulta ng LET (Licensure Examination for Teacher) na ginanap noong Marso, taong kasalukuyan. Sa 75, 610 na kumuha ng nasabing pagsusulit, 25, 533 ang pumasa.

May mga nagbunyi sa natamong napakalaking tagumpay. May mga takot na napalitan ng galak. May mga dasal na dininig. May mga napaiyak sa lubos na katuwaan. Marami na namang pangarap ang natupad.

Sa kabilang banda, mas maraming luha ng kabiguan ang dumanak. Mas maraming pananabik ang humantong sa pagkalugmok. Mas maraming bilang ang napatanong-- "bakit hindi pinakinggan ang gabi-gabi kong panalangin?"

Natural lamang ang pakiramdam na masaktan sa natamong kabiguan. Subalit huwag hayaan na tuluyan kang ilugmok ng sakit na iyan. Natural lamang ang matakot sa pwedeng maging resulta ng paglagpak sa board exam. Ang hindi natural ay ang tuluyan kang lamunin ng takot na ito.

Hindi ko pa naranasan ang sumabak sa pagsusulit na iyan ngunit bilang isang ordinaryong nilalang ng Diyos, alam ko ang pakiramdam na mabigo.

At narito po ang personal kong maipapayo sa 75, 610 na nabigo sa LET exam. Bagamat wala sa larangan, nakasisiguro ako na makakatulong ito sa pagpapanumbalik ng inyong nawalang tiwala sa sarili.

1. Hindi ka itatakwil ng iyong mga magulang.

Magulang din ako at hindi ko kailanman itatakwil ang aking anak anumang pagsubok ang hindi niya pasahan. Huwag isiping itatakwil ka nila dahil ikaw ay bumagsak. Laging tandaan na ang pamilya ang unang-una nandyan at nakasuporta sa tagumpay man o kabiguan.


2. Huwag mahiya sa sasabihin ng ibang tao.

Anumang negatibong bagay ang marinig mo mula sa ibang tao, ipagkibit-balikat na tlamang ito. Unang-una, ala silang ideya sa kung anong madugong review ng pinagdaanan mo. Mas mahalaga pa rin ang karakter kesa reputasyon.


3. Hindi ka pagtatawanan ng mga "tunay" mong kaibigan.

Kung sakaling may isa sa mga kaibigan mo ang nam-bully. Marapat lamang na simulan mo na itong iwasan. Isa lang kase ang ibig sabihin nun, hindi siya isang tunay na kaibigan. Nakasisiguro akong dadamayan ka ng mga tunay mong kaibigan.


4. Hindi porke't hindi ka pumasa ay bobo ka na.

Karamihan sa pinakamatagumpay na nilalang sa buong mundo ay minsan ding dumanas ng matinding kabiguan. Si Michael Jordan halimbawa. Ang itinuturing na pinakamagaling sa kasaysayan ng basketball ay minsang tinanggal sa kanilang varsity team noong siya'y highschool. Si Albert Einstein, sinasabi ng kanyang mga guro noon na wala siyang mararating. Ano siya ngayon? Di ba nga'y napakalaki ng naiambag niya sa larangan ng siyensya. Hindi ko na ilalahad ang minsan na ding dinanas ni Bill Gates. Tandaan, walang taong bobo!


5. Maraming ibang dahilan kung bakit hindi ka pumasa.

Huwag isiping nagkulang ka sa pag-re-review dahil naniniwala akong walang sundalo ang sasabak sa giyera ang hindi nagsanay at naghanda. Maaaring may teknikal na rason-- may mali sa pag-shade mo, nabasa ang papel mo at hindi tinanggap ng machine, set A ang nasagutan mo pero naisama sa set B ang papel mo. Maaari ding kinabahan ka lamang at na-mental blocked.


6. Huwag mawalan ng pag-asa.

Ang karera ay may dalawang hangganan, ang "start" at ang "finish line". Ang higit na mahalaga ay ang "finish line". Kapag ikaw ay huminto sa pagtakbo, iyon ang oras na ikaw ay ganap ng talo. Kung gusto mong manalo sa laban, wag kang hihinto at magpatuloy sa karera. Magsisilbi iyang pundasyon ng iyong tagumpay. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag mong hayaan na-- ang isa, dalawa, tatlo o higit pang paglagpak sa board exam --na diktahan ang iyong buhay. The golden rule here is "take lang ng take."


7. Mas maraming bumabagsak kesa pumapasa.

Hindi ka nag-iisa. Lalong hindi katapusan ng mundo kapag ikaw ay hindi pumasa. Normal lang yan. Ang mahalaga ay kung paano mo malalagpasan ang bawat hamon.


8. Weder weder lang yan!

Naniniwala akong swertehan lang ang pagpasa sa board. May inaasahang papasa pero bumagsak. May pumasa na hindi naman inaasahan. Para sa akin, 60% luck, 30% prayer at 10% brain ang kailangan mo para pumasa. May mga kilala akong grumadwet na summa cum laude, pero pagdating ng unang sabak sa board exam, bumagsak. Kung hindi mo pa panahon, ipagpilitan mo man, hindi mo maipipilit.


9. Huwag maging bitter!

Failure is such a humbling experience. Kung hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo, walang dahilan para ikaw ay manalo. Iwasang isipin o sabihin na mas magaling ka sa mga kasabayan mong pumasa sa board. Sa inyo din ang balik ng ganung pag-aasta. Wag maging bitter. Move on!


10. Patuloy lang sa pagdarasal.

Ito ang pinakaimportante sa lahat. Sa panginoon, walang imposible. Huwag Siyang kwestiyunin sa iyong pagbagsak. Ang lahat ay may dahilan. Maaaring hindi mo maintindihan sa ngayon pero darating ang araw na lilinaw din ang lahat.

May panahon ng tagumpay. Sa kabilang banda, may panahon din ng kabiguan, gustuhin man natin o hindi. Magkagayunman, kailangan harapin ang bukas na may tapang at buo ang kalooban.

Para sa mga bigo, huwag sayangin ang panahon sa pagluha sa natamong kabiguan. Sa mga pumasa naman, huwag sanang magpalunod sa tagumpay at katuwaan.

Magandang araw sa mga bigo at tagumpay!

Tuesday, April 23, 2013

Guhit


May kanya-kanyang pangarap ang bawat isa sa atin. Tulad ko ay karapatan mo rin ang mangarap. Libre ito. Subalit may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pangarap. Nakalulungkot mang isipin, minsan may mga pangarap na kailangang maging pangarap na lang. Hindi patas ang mundo. Gustuhin mo man ang isang bagay kung hindi ka ilalayag ng panahon sa iyong minimithi, balewala.
Lahat ay may minimithi, subalit hindi lahat ay abot-tanaw. Sabi ko nga, libre ang mangarap. Pero hindi dahil libre ay makakamit mo na ito ng ganon kadali. Sa dami ng mga reyalidad sa mundong ibabaw na kailangan angkupan, may mga pangarap na naisasantabi. Tulad ko na nangarap maging mang-aawit, sintunado naman. Nangarap magka-kotse, pulubi naman. Nangarap pumangit, imposible naman.
Tandang-tanda ko pa, bata pa lang ako’y nakahiligan ko na ang humawak ng papel at lapis para gumuhit. Naaalala kong stick pa lang ang mga tao ko non. Hirap na hirap pa akong iguhit ang iba’t ibang klase ng hayop. Pati halaman at puno di pa maintindihan. Ang paglalagay ko ng kulay, lagpas-lagpas. Ang mga tao, kulay brown. Ang araw, dilaw. Kulay bughaw naman ang dagat at kalangitan.
Hanggang sa natuto na ako ng iba’t-ibang teknik sa pagguhit pati pagkulay. Ang paglalagay ng pattern na pari-parisukat. Ang tamang paghawak ng lapis. Ang tamang kurba. Napansin ni tatay ang kakayahan ko sa pagguhit. Bakit daw hindi ako mag-Fine Arts? Pag-iisipan ko, ang sagot ko.
Nung ako’y magkolehiyo, gusto ko sanang mag-Fine Arts. Kaso naisip ko na baka isang araw, matagpuan ko na lang ang aking sarili kasama ang mahal na pamilya na pinupulot sa kangkungan.
Alam kong, hindi biro ang kursong iyon. Nakakapamulubi. Hindi magiging sapat ang tatlong kalabaw at ilang hektaryang palayan ni tatay kaya ibang kurso ang napili ko. Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayang nakakalimutan ko na pala ang pangarap kong pagguhit.
Hanggang sa kahapon, sa aking summer class sa subject na Humanity ay inilapit akong muli ng panahon sa mundo ng pagguhit. Muli ay nasubok ang kakaiba kong galing sa larangang ito. Nagkaroon kase kami ng seatwork. Iguguhit namin ang mukha ng aming katabi.
Bilang isang nilalang na may malawak na kakayahan sa pagguhit, alam kong ang mukha ang pinakamahirap iguhit. Pero parang sisiw lang sa akin ito. Magaling nga ako diba? Ito oh:
image
Okey fine, lahat ng pinagsasasabi ko sa itaas ay pawang kasinungalingan. Ang inilahad ko patungkol sa kagalingan ko sa pagguhit ay kayabangan lamang at malayo sa katotohanan. Frustration ko lang talaga itey. Iyon ang katotohanan. HAHA!
Nang matapos kong i-drowing ang pagmumukha ng aking seatmate, laking gulat ko na lang dahil walang sabi-sabi, sinaksak niya ako ng hawak niyang lapis. Nong tingnan kong muli ang naiguhit ko, deserve ko naman pala ang masaksak. Nakaka-offend nga naman yung drowing ko na mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo.
Sabi ng professor ko, hindi naman daw mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo ang itsura ng drowing ko. Ang judgement niya, mukhang missing link daw ito sa evolution. Fuck you ka Sir!
Siyanga pala, ito ang model ko:
image
Di ba, medyo kahawig naman? Sige na nga, mukhang missing link na sa evolution ang drawing ko.. Pati model ko.
Marami akong natutunan matapos ang seatwork namin na to. Na masaya kapag yung kakayahan ay magamit natin sa mga bagay na gusto natin. At mas masaya pala kapag itinigil ko na itong ambisyon ko sa pagguhit. Wala akong magiging future dito.

Thursday, April 18, 2013

"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi."


Hay salamat! Sa wakas natapos din ang Final Exam. Maipapahingang muli ang sumasakit kong utak na pang-genius. Nairaos na naman ang isa pang semester.
Inpeyrnes hah, kahit candidate ako for Summa Cum Laude (chos!) naging madugo para akin yung exam sa Philosophy. Ang totoo, napakadali lang niya— iyon ay kung nagbasa o nakinig ako nung mga sandaling tinatalakay ito ni Maam. E sa hindi ako nakinig dahil nung tinalakay ito, nasa sulok ako ng klase at nagtitikol. Hindi rin ako nag-review. You know naman kaming mga may talinong di mo inaasahan, hindi na kailangang mag-review dahil stocked knowledge ang aming tanging panlaban. Magtitirik na lang ako ng kandila, na sa pangalan ng bagong Santo Papa Francis, nawa’y tama ang mga pinagsasabi ko dun sa explaination. Na sana hindi ma-offend si Maam sa mga naisagot ko. Na mabigyan man lang ng kahit konteng puntos ang mga pinagsusususulat ko para kahit paano’y mabigyan ng hustisya ang Pilot ballpen na kabibili lamang. Ang haba kaya ng mga isinagot ko. Kako, baka sa aking milyong pinagsusulat, may isa man lang na tsumamba. Ayun, at pagkatapos kung sumagot, nagpatawag ako ng Red Cross dahil kinailangan ko ng blood transfusion dahil sa sobrang pag-iininglis. Tangena.
Sa kabillang banda, habang itinatype ko ito, gustong dumanak ng luha sa earth. Sumi-senti kase ako. Alam mo yung ngayon pa lang, namimiss mo yung mga hampaslupa mong kaklase. Hindi rin kase ako sigurado kong maipagpapatuloy ko pa pag-aaral ko sa susunod na semester. Dahil mag-aartista na ako. Joke lang. Ang totoo nito, yung inaasahan kong magpapaaral sa akin, si tatay, uuwi na ng Pilipinas. Pero positibibo pa rin naman ako. Ang dami pang pwedeng mangyari. Malay mo, may mag-sponsor ng pag-aaral ko.. Si Willie Revillame. O makakuha pa ng ibang trabaho dito si tatay. Fingers in pussy Crossed!
Cut muna sa kasentihan. Kani-kanina nga pala ay nag-Cholo-Cholohan ako. Feeling ko talaga, sinaniban ako ng kaluluwa ni Cholo ng koreanobelangStairway To Heaven. Why not? Hindi naman nagkakalayo itsura namin. Medyo maputi lang siya at matangkad. Bukod dun, wala na siyang nailamang, pag nakatalikod ang TV. Sa paglalakbay ko sa buong paaralan gamit ang bike, naisip ko na ang swerte ko pa rin. Binigyan ng pagkakataong makapag-aral. Na milyong-milyong tao sa buong mundo ang niloloko at niyuyurakan ang pagkatao dahil sa walang pinag-aralan. Heto ako, nasa kolehiyo. Wala mang kasiguraduhang maipagpapatuloy ko sa susunod na semester ang pag-aaral ko, alam kong maswerte pa rin ako. Napatingin ako sa langit at nagwikang“Salamat!” tapos ay napaluha..

..bumangga kase ang minamaneho kong bike sa isang malaking puno.

Tuesday, April 16, 2013

Muli


Natapos muli ang delubyong dala ng pakikipagbuno sa bawat eksamen.
Natapos muli ang buwanang pakikipagtuos sa gurong animoy matanglawin.
Makakapagpahingang muli ang mga estudyanteng pilit dumideskarte.
Naitawid kaya ng ilan ang sikretong pilit ikinubli sa mga matang tumitimbre?
Mapipinid muli ang larong kawangis ng pamomolitika..
Mahuhusgaang muli ang mga lumaban ng patas at ang medyo tumagilid na.


Hay sa wakas, maipapahinga na rin ang mga matang nagrereklamo.
Ang sumasabog na utak na gustong mag-alburoto.
Wala na namang puyatan.
Pwede uling magpapetiks-petiks sa haharaping larangan.
Hinto na muna sa pagbuklat ng pahinang may kahabaan..
Pahinga muna sa pilit na pagmememorya ng mga teoryang minsa’y nakakamangmang.
Kakalimutan muna ang matataas na gradong batayan ng mundong ginagalawan.
At saglit na makikipagbiruan na tila ba malayo sa katotohanan.
Makakapag-ipong muli ng lakas ang buong katawan..
Upang makapaghanda sa susunod na buwan..

Thursday, September 6, 2012

Brief


Isa sa mga naisulat ko sa aking pagkahaba-habang wishlist ay ang “sana magkaroon ako ng Calvin Klein na brief.” Oo, tama! You can check your head sa iyong nabasa. Siguro nga, sobrang ang babaw lang ng pangarap na iyan para sa mga nakakabasa (kung meron man. Assumero?) Pero para sa akin, hindi to mababaw, simbolo ito ng karangyaan sa buhay. Na kapag naka-Calvin Klein, walang karapatan ang kahit na sinong apihin ka.. (Saan ko kaya nahuhugot ang mga ganitong litanya.)

May obsession ako sa mga mamahaling brief. Kung bakit? Narito ang kwento. (Insert Maalaala Mo Kaya song here.)

Dear Ate Charo,
Lumaki ako sa dukha, maralita, pobre at hampas-lupang pamumuhay. Nakikishare lang kami sa mga dagang araw-araw ay ginagawang diskuhang-bayan ang aming bahay na di naman mukhang bahay. Nasubukan na rin naming kumain ng lupa na nilagyan lang ng konteng asin at vitsen para magkalasa naman at nang may ma-i-lamang-tiyan. Ganon kami ka-kawawa Ate Charo. Purita Mirasol to the power of infinity.

At dahil sa ganung kalupit na pamumuhay ay tinanggalan ako ng karapatan na bumili ng mga bagay na makakahinga naman ako ng normal at walang pag-iimbot kahit wala ang mga bagay na ito— isa na dito ang brief.

Hanggang sa ako’y tumuntong sa ikaanim na baitang sa elementarya at magsimulang sumibol ang mga bulbol ko sa betlog, wala pa rin akong brief. Isang araw, katatapos ko lang mag-CR nun. Hindi ko na matandaan kong umihi ba ako, tumae o nagtikol lang, basta ang natatandaan ko lang e galing ako ng CR nun. Takang-taka ako dahil lahat ng mga mata ng aking mga kaklase ay nakatuon sa akin. Matang may kababanaagan ng pangungutya. Lahat sila nakatingin sa gitnang bahagi ng aking kabuuan. Nakakabingi ang katahimikan ng mga panahong iyon. Katahimikang nagtagal ng sampung segundo. Naputol lang ito nang sumigaw ang pinaka-bully sa lahat ng kaklase ko— “uy ang otin ni Ram nakalabas!” (otin talaga?) Kasabay na nun ang napakalakas na halakhakan. Yung iba nag-standing ovation pa. May iilan na maluha-luha pa habang pumapalakpak. Pati mga decoration ni Maam sa classroom, nakipalakpak na rin.Yung iba, nagbubulungan. Habang yung iba garapalang sumisigaw na “Ram supot! Ram supot! Walang brief!” Paulit ulit. Walang tigil. Nanalangin ako ng taimtim. Lahat ng santo at santa tinawag ko, maging si Jodi Sta. Maria, natawag ko na rin ata. Sabi kong sabihin nila sa panginoon na biakin Niya ang lupa at ipakain ako dito. Pero walang nangyari. Nakapako pa rin ako sa kasalukuyang kinatatayuan ko. Slow-motion ko na lang na ipinasok si Junior sa aking brief. (May kasama itong kurot dahil sa kanyang punyetang pag-he-hello Philippines sa klase.) Kasabay nang pagsara ko sa zipper ng aking short ay ang mga nag-uunahang mapapait na luha na may panunumbat kung bakit ganun kami kahirap? Dahan-dahan ko itong pinunas Ate Charo at sinabing—

“Balang araw itong taong ito (turo sa self) na pinagtatawanan ninyo ay yayaman at makakabili rin ng brief. Brief na mas mahal pa sa mga buhay niyo ( isa-isa ko silang pinagdududuro sa mukha.) Tandaan niyo yan. Bibili ako ng isang track na Calvin Klein at ipagsasaksak ko sa mga baga ninyo. Mga putang ina ninyo. Tandaan ninyo yan. Isinusumpa ko na magiging model ako ng Calvin Klein at kayong mga babae (turo sa mga girls) maglalaway kayo sa akin habang nakikita niyo ako sa tv na rumarampa nang naka-brief lang. Isinusumpa ko! ISINUSUMPA KO!!!’
Tapos ay kumulog at kumidlat. Sabay napaluhod ako at napatingin sa kalangitan habang sumisigaw pa rin ng “isinusumpa ko!”

Hanggang sa kasalukuyan nga Ate Charo ay wala pa rin akong Calvin Klein na brief pero medyo nakakaluwang-luwang naman ang aming pamumuhay kaya kahit paano e nakakapag-Natasha brief naman ako. At pag medyo mas nakakaluwang-luwang pa, puta, bibili talaga ako ng Calvin Klein. Hindi pa sa ngayon dahil varsity jacket muna ang bibilhin ko. Palaos na kase e wala pa rin ako nun. Wawa much.

Nagmamahal Ram.

PS: Hindi na ako supot. Nung isang taon lang e nagpatuli ako para naman pag nagkataon e may hustisya ang pagsusuot ko ng Calvin Klein na brief. Ang pangit naman diba? Naka-brief ka nga ng tatak-CK , ang laman naman e SUPOT na patotoy..

Tuesday, May 15, 2012

Battered Wife


Hindi ako naaaliw sa pinapanood kong palabas, kahit ganu pa ito ka-comedy. Hindi ko maintindihan yung istorya. Unang-una ingles iyon at walang subtitle, nosebleed me. Pangalawa ang konsentrasyon ko ay hindi nakatuon doon. Sa kung saan— sa madugong world war 3 namin ni Misis kaninang umaga. Sinubukan kong ilipat sa ibang channel, wala, at sa iba pa, wala rin.. At sa iba pa ulit. Wala pa rin akong matipuhan. Nang magsawa ay pinindot ang OFF-button ng remote. “Tsk!!!” (Oo, may tsk with 3 exclamation point talaga.)
Dali-dali ay hinablot ang mamahaling iPod mula sa magarbo kong bag. (Ako na ang nagmamayaman!) Inilagay ang headphone sa tenga.. Nagpatugtog—
“Pagkabigo’t alinlangan, gumugulo sa isipan. Mga pagsubok lamang yan, wag mong itigil ang laban. Ahhh.. Ohhh..”
Ampota! Emong-emo na nga, lakas pang makapang-stress nung natyempuhang kanta! Bigti mode on na ba talaga itey? Nanadya lang? Muntik ko nang maihampas ang mamahalin kong iPod. Mabuti na lang na at the very last minute na magdesisyon akong ihampas iyon ay naisip kong mamahalin nga pala, sayang kung nagkataon. Echos!
Hindi tama ang desisyon kong magsoundtrip, baka pag pinagpatuloy ko iyon ay matagpuan na lang ako sa loob ng kwarto na nakabigti, tirik ang mata at wala ng malay. Afredy Aguilar! Kaya walang ano-ano ay tinanggal ko ang headset na nakabara sa aking tenga.
Hinanap ang mamahaling cellphone (required talaga yung mamahalin for clarity.) Iyon ang pinagbalingan ko. Tinext ang pinakalango sa alak sa mga kaibigan ko.
“Pare, inuman tayo! Treat ko! May problema lang. Nag-away at nagkasakitan kami ni Misis. Pumutok ang nguso ko, baka kayang gamutin ng Emperador.”
Sending text message—
Nang..
Message Sending Failed. Check Operator Service!
Anak ng tinapa lang di ba? Bat ngayon pa? Nanlambot ang itlog ko at nalagas ang pubic hair ko sa sobrang pagkaaasar.
Depressed na depressed ako ng mga sandaling iyon Ate Charo. Yung pakiramdam na ako na ang Most Depressed Man alive sa Guiness Book World Record 2012. Ganun ang level ng pagkadepressed ko Ate Charo.
Iyon na nga marahil ang pinakagrabe naming away ni Misis. Yung kulang na lang e magsaksakan kami ng cotton buds sa ngalangala.
Kung may nakikita lang akong katol sa mga sandaling iyon ay papatulan ko nang hithitin. Magkaroon lang ng lakas tama. Makalimot lang. Makaalis lang sa reyalidad! Gusto kong magwala. Gusto kong kumawala sa mundo. (Arte much!)
Naisip ko na ring takpan ang sariling mukha ko ng unan at nang malagutan na ako ng hininga. Pero baka pag nagpakamatay ako ay hindi ako tanggapin sa impyerno. Baka daw kase sapawan ko pa si satanas sa pagka-HOT. Weh?
Napayuko na lang ako sa sama ng loob. At—
“Bat ganun? Ang sama ko ba talagang asawa? Bat hindi niya ako maintindihan. Respeto lang naman ang hinahangad ko. Kailangan ko rin minsan ng ispasyo. Hu hu hu.” (di me sure kung may huhuhu ba talaga akong nailitanya nun, ilalagay ko na lang for cinematic purpose kunwari.)
Bigla akong natigilan sa pagmamaarte ko nung may dalawang pulang langgam akong nakita, 5 centimeter away from my pangmayaman na paa. (Pangmayaman uli!)
Naririnig ko sila, nag-aaway. Base sa kanilang pinagtatalunan, away-mag-asawa iyon, nakakasiguro ako. Kaya kunwari hindi ko sila tinitingnan pero ang totoo e Tutok Tulfo talaga ang drama ko nun. At nakinig—
Blagadag! Blaaagggh! Blagaaags! Nagbabasagan ng plato ang mag-asawang langgam. Kitang-kita ko ang pagkalat ng mga bubog ng maliliit nilang duralex na plato. Mabuti na lang at 70-70 ang vission ko, kaya kitang kita ko.
Sisitahin ko sana sila. Ampota kase wala silang pinipiling oras ng paggigeyerahan. Hinayupak na mag-asawang langgam na ito, langgamin sana sila. Grrr. Tanghaling tapat? Mananghalian kaya muna sila, bago ang sagupaan. At nang may energy naman sila. (Pero kami nga ni Misis, bangayan ang inalmusal e. Kaya hinayaan ko na lang sila.)
Nagpatuloy ako sa pagmamasid.
“Putang-ina mong langgam ka! Kaya pala wala ka ng oras sa akin dahil may ibinabahay ka na pala!”panghihimutok ng babaeng langgam na halos bumulwak ang petuitary gland sa lakas ng sigaw.
“Tumigil ka na sa kakaputak mo! Kung ayaw mong sampalin kita!” Pagbabanta ni lalaking langgam.
“Sige subukan mo!” Hamon naman ni babaeng langgam.
PAK!!! At sapol nga ang pisngi.
Biglang umatikabo yung aksyon. Nagbalibagan na ang kanilang katawan.
Pinlano kong umawat pero mas pinili kong manahimik na lang. Hindi dapat pinakikiaalaman ang away-mag-asawa. Bawal daw, sabi nung kumare ng nanay ko na katsismisan niya sa batis habang naglalaba sila.
Talo ang babae malamang. Marahil ay kusa nang sumurender ang kaawa-awa niyang katawan sa mga tinanggap nitong sampal, sabunot, suntok na may kasama pang tadyak. Kaya iniyak na lang ang lahat ng sama ng loob.
“Di ka titigil sa kakaiyak? Di ka talaga titigil? Ha? Ha? Ayaw mo talaga? Gusto mo pang makatikim?”Nakamaang ang mabagsik na kamao ng lalaking langgam.
“Huhuhu! Sawang-sawa na ako hayup ka sa pambubogbog mo! Aalis na ako. At isasama ko ang mga anak natin. Hindi mo na sila makikita. Hayup! Hayup! Este insekto! Insekto!”
At kambal na sampal uli ang tinanggap ng babaeng langgam.
“Anong pinagsasabi mong aalis ka. At anong pinagsasabi mong isasama mo ang mga anak natin? Pota ka! Hindi mo sila maisasama—-
dahil unang-una wala naman tayong mga anak. Hindi mo ako mabigyan ng anak dahil nga baog ka di ba? Anak anak ka diyan! Kailan ka pa nag-adik ha?!” At nagpakawala pa uli ng isa pang sampal.
Natigilan ang babaeng langgam. Tama nga pala, wala silang anak.
Kanina ay awang-awa ako kay babaeng langgam, ngayon ay natawa na lamang ako sa kanya. Adik pala ang gagang langgam!
Dinampot ko uli ang mamahaling iPod at sa pangalawang pagkakataon ng mga sandaling iyon ay nagpatugtog—
“Di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa ko ikaw ay aking panaginip. Oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman, ng isip ko oohhh.. Ohhh…”
Napangiti ako. Theme song namin to ni Misis nung magkasintahan pa lang kami. Rumehistrong muli ang mga larawan nung panahong nagliligawan pa lang kami. Napakasaya namin na parang wala ng bukas. At may naiwang tanong sa magulo kong isip—



NASAAN NA KAYA SI TOOTSIE GUEVARRA?

Sa Aking Pagtanda (A poem that every child should read)


HAPPY MOTHERS DAY!!! Oo ako na ang late Rizal Bagong Salsal!

Wala akong maisip na ipost for mudras day kaya let me repost this one. Inglis ng konte. Arte lang!

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag
ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity
ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko
maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo
naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit
nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay
ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako
man ay nagiging makulit at paulit ulit na
parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo
nalang ako.
Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag
gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo
nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo
sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako’y masungit, dala na marahil ito ng
katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong
hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang
pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y
magkakasakit at maratay sa banig ng
karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan.
Pagpasensyahan mo na
sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa
mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan .
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na
ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ina…
—if you were touched by this beautiful piece of literature then do SHARE it. Ingles uli. Ang arte ko. Makarepost lang

Wednesday, April 25, 2012

Palusot Queen


Ikaw na hindi tumatanggap ng pagkakamali, pagkabigo, pagkukulang o pagkatalo. Bat ka nga ba ganyan? Hindi mo ba alam ang salitang SELF-RESPONSIBILITY? Pwet este pwes iGOOGLE mo. Ang hina naman ng loob mo. Nasaan na yung tiwala mo sa iyong sarili? Parang si Elisa lang? Biglang nawala? Buti pa nga si Elisa nahanap na. Ikaw, oo ikaw, try mo kayang harapin ang katotohanan. Lagi ka na lang may idinadahilan para mapagtakpan ang iyong isang libu't isang pagkukulang. 

Nung sumali ka ng Ms. Undas 2010 at natalo ka, ang sabi mo--

"E kase lutong-makaw iyon." 

Laughtrip ka teh! Sagutin mo ba naman yung tanong sa Q&A portion churva na-- 

"Why did you join in this pageant?" 

ng-- 

"Me? Join this Pageant? Why should I? Tenkyu!" (Ampota, nosebleeding ang mga judges.) 

Nung bumagsak ka sa tatlong subject, idinahilan mong-- 

"E kase naglamay kami sa patay, hindi tuloy ako nakapag-review." 

Yung totoo? May lamay man o wala, di ka naman talaga nagrereview. 

Nung bigla kang nag-asawa ng maaga, ikinatwiran mong-- 

"E kase napakahigpit ng parents ko." 

Lokohin mo ang flower vase sa sala niyo. Ang sabihin mo, kerengkeng ka lang at parang may naipit lang na sili dyan sa singit mo nung makita mo yang asawa mo. Manisi ba? 

E nung sinubukan mong magnegosyo na ang ending ay nalugi? 

"E kase, winaldas ng mister ko ang kita namin." 

Atleast tama ka sa litanya mong iyon. Pero di ba nga nagma-mahjong ka rin? 

Hay naku! Araw-araw ka na lang bang tatalilis sa katotohanan? Hanggang kailan ka tatakas? Hanggang kailan ka magpapalusot? Hanggang kailan ka maninisi? Pag end of the world?

Friday, March 9, 2012

BUNDLE OF BARBECUE STiCKS

At ngayo'y nasa pinagbigkis-bigkis na barbecue stick nakatuon ang paningin ko. Pero wala doon ang aking konsentrasyon. Sa kung saang dako? Malayo.. Malalim..

Halos isang linggo na akong problemado. Aaa, hindi lang pala ako. Ang buong angkan, ang buong miyembro ng family tree. Sina nanay at tatay kase, nagdeklara ng world war tri sa pagitan nilang dalawa. At siyempre "damay-damay na to!" ang drama. Ayaw man namin, kasali at apektado pa rin kami ng nakababata kong kapatid.

Mahigit isang linggo na silang nagbabangayan. Bangayan Marathon ito! Sumbatan, murahan at siyempre sigawan. (Malamang, wala naman sigurong nagbabangayan na nagbubulungan.)

Bawat isa, may kanya-kanyang pinaglalaban. Si tatay ang kanyang prinsipyo. Si nanay, ang respeto. Ako, ang kalayaan. At ang bunso kong kapatid, ewan ko. Hindi ko na inalam.

Umagang-umaga pa lang noon.. Habang nasa kainitan ng bangayan, (kakaiba no? Bangayan talaga ang inaalmusal namin.) kitang-kita ko sa may di-kalayuan si Aling Bonita, (di niya tunay na pangalan) ang reyna ng mga tsismosa sa aming baranggay na kausap si Marian, (di niya rin tunay na pangalan) ang kanyang first-runner-up. Tanaw ko ang bawat pag-ngiwi ng bibig ng dalawang hitad na ito. Di ko sila naririnig. Ang sigurado ko, kami na naman ang pinagkakaabalahang pag-usapan ng mga ito--- TANGINA NILA!!! Natitiyak ko, gustong-gusto nilang magpa-fiesta sa sobrang kagalakan. Dahil kung gaano sila nagdadalamhati sa bawat tinatamong tagumpay naming pamilya ay ganun din sila kasaya pag alam nilang may promblema kami. (Ang sweet lang nila!) Lalo pa't ganito na nakikita nilang nag-aaway-away kami.

"Bibili ba kayo, kuya?" Ang tanong ng tindera. Napansin atang kanina pa ako titig na titig sa pinagbigkis-bigkis na barbecue sticks.

"Ah.. Oo. Magkano ba 'to?" At agad akong nakabawi palayo sa lumilipad kong isip.

"Pitong piso kada isang bigkis, kuya." Sagot niya.

"Bigyan mo ako ng dalawang bigkis." Tapos ay iniabot ko ang dalawangpung pisong papel.


"Nagbibenta po ba kayo ng barbeque, kuya?" Pangingialam niya.

"Oo. Suma-sideline.." Kaswal kong sagot.

"Ah.. Di kase halata, kuya. Ang gwapo mo kase." Sabi niya.


"KEEP THE CHANGE!!!" Awtomatiko kong litanya dahil nagustuhan ko yung mga huling kataga niya.


"Salamat!" Nakangiti na siya na nabola ako.

"Teka, matibay ba 'to?" Tanong ko sabay sinubukan kong baliin ang isang bigkis ng barbecue sticks. Matibay nga dahil hindi ito natinag. Ni hindi nga naunat o nakurba man lang. Tinanggal ko ito sa pagkakabigkis at agad na kumuha ng isang pirasong barbecue stick. Inunat ko lang nang bahagya at nabali na agad. Napatingin ako sa tindera.

"Miss, di naman pala matibay e.."


"Ganyan talaga, kuya. Yang barbecue sticks na yan, parang pamilya---"

Napakunot-noo ako.

"Magiging matibay lang ang pamilya kung magkakasama-sama sila at nagdadamamayan---"

Unti-unting lumiliwanag sa akin ang gusto niyang ipahiwatig.


"Pero sa oras na mag-aaway-away sila at maghihiwalay, masisira sila."

Napangiti ako. Tama ang kanyang paliwanag. Ibabalik ko sana ang barbeque stick na hawak-hawak ko pero nagbago na ang isip ko.

Napatingin na lang ako sa hawak-hawak ko. Ang bigkis ng barbecue sticks pala na ito ay parang kami.

Tapos agad akong napaisip. Maraming mga tao ang isip-talangka. Na ang saya kapag nakakakita sila ng taong lugmok. Sa halip na makisimpatya at tumulong ay gagawa pa ng paraan para mas lalo pa itong ilugmok. Tulad nga nina Aling Bonita at Marian.

At malamang malulugmok nga kami kung kami mismong magkakapamilya ang nag-aaway-away.

Monday, February 20, 2012

MASIKIP KA MAN SA UMPISA, LULUWANG KA RIN PAG INARAW-ARAW KITA!


“Miss, wala na ba talagang size eight nito?” Tanong ko sa saleslady na may limang pulgadang na ng kolorete sa mukha. Ang totoo, iyon na ang pangatlong ulit ko sa tanong na iyon. Halos mag-init na sa kamay ko ang kanina ko pang hawak na sapatos. Size seven ito. Nasa size seven and a half ang sukat ng paa ko. Dahil nga minsan ay wala naman talagang half-size sa ilang brand ng sapatos, malamang size eight ang bibilhin ko.
Nabakas ko sa mukha ni saleslady ang pagkayamot. Sigurado, nakukulitan na ito sa akin. Parang gusto na nga akong sagutin ng— “Paulit-ulit? Unlimited? Wala nga di ba?” Pero dahil nga sa saleslady lang siya ay wala siyang karapatang magtaray, lalo na kapag pogi ang customer na kaharap nito. Sa halip, isinihuwestiyon ang iba pang mga sapatos.
“Sir, marami pa naman kaming ibang disenyong sapatos na may size eight na available. O kung gusto niyo, bumalik na lang kayo next week at dadating ang stocks namin ng ganyang klaseng sapatos.”
“Pero ito ang gusto ko Miss. At mababaliw ako pag hindi ko to nabili now na! As in now na!!!” Eksaherado kong sagot.
Maraming magagandang sapatos na nakadisplay sa shoe section ng mall na iyon. Pero bukod tangi itong hawak-hawak ko. Ang simple lang ng disenyo pero pangmayaman. Bagay sa akin. Simple pero mayaman (chos!) Paborito ko pang kulay, puti. Ang natitiyak ko, mas popogi ako pag suot-suot ko na ito. Malalaos si Vhong Navarro at kakabahan si Coco Martin.
“Isukat mo kaya muna? Baka magksya rin Sir.” Si saleslady.
At isinukat ko nga. Niluwagan ang tali ng sapatos. Ibinuka. Iniangat ng bahagya ang kanang paa. Saka isinuot sa sapatos ang kanang paa. (Tinangggal ko pala muna yung dating suot-suot na sapatos. Hihi!) Tapos PAK!!! Naisuot ko na nga. Inilakad-lakad.
“Kasya naman pala Sir eh!” si saleslady ulit.
“Di naman pala ganun kasikip. Pero wala ng allowance sa paa. Yung tipong kamuntik ng sumikip. Yung di mo na masusuutan ng medyas dahil talagang sisikip na. May konteng kirot sa paa. Pero di bale na.. Baka sa umpisa lang ito. Luluwang din to pag inaraw-araw ko.” Sa isip-isip ko pa.
MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW.. (may ganun?)
Dumating ang unang araw na ginamit ko ang sapatos. Kaiinggitan na naman ako sa school nito.
Sa unang isang oras na suot-suot ko ang sapatos, okey pa!
Sa pangalawang oras, medyo hindi na. Pero natitiis ko pa, para sa porma. TIIS-PORMA ito.
Sa pangatlong oras, ibayong tiis-porma na. pero sabi ko, “magkamatayan at magkaputulan na ng paa pero titiisin ko ito.” Mangiyak-ngiyak na ako nun. Bawat hakbang, napapangiwi ako sa kirot na dala nito sa aking kawawang paa.
Kaya sa pang-apat na oras, napagdesisyunan kong umuwi at magpalit ng suot na sapatos. Hindi ko n kinaya. Masikip. Masakit. Makirot.
Tinanggal ko yung sapatos. Taena! Nabalatan ang bandang likod ng aking paa.Aray! Tapos naisip ko..
Ang sapatos pala ay para ding pag-ibig. Na kahit anumang pagmamahal ang ipakita mo sa taong minmahal mo kung di ka talaga niya gusto, wala rin. O kung gusto ka man niya pero di talaga kayo ang para sa isa’t-isa, hindi talaga! Pilitin mo man. Pilitin niyo man. Ikaw din, kayo din ang magdurusa’t masasaktan. Dahil ang pag-ibig ay dapat ialay sa tamang tao. Gaya nang nangyari sa paa ko. Kung tamang sapatos sana ang binili ko, hindi sana ito masasaktan.
Sabihin na nating mahal niyo nga isa’t-isa pero hindi kayo makapaghintay. O may isa lang sa inyo ang hindi makapaghintay ng tamang panahon. Wala pa ring mangyayari. Dahil ang pag-ibig, dapat may right timing. Nasa tamang panahon. Hindi sana masasaktan yung paa ko kung nakapaghintay lang ako ng parating na stock, di ba?
Pero paano kung malakas talaga yung fighting spirit mo? Lalaban ka pa ba? Kaya mo pa bang magmahal? Kaya mo pa bang magbakasakali na may tamang panahon nga? Na baka sa huli ay matututunan ka rin niyang mahalin? Na baka nga kayo talaga ang para sa isa’t-isa?
E ako, kakayanin ko pa bang suutin tong masikip kong sapatos? Tama bang magbakasali pa akong luluwang din ito pag inaraw-araw ko na ang paggamit nito?

Tuesday, January 24, 2012

Mister Pormado


Umaga ng Miyerkules, isang pangkaraniwang araw..

Mainit na nang umagang iyon. Paakyat na ang araw. Kasabay nito'y paglawak ng kamulatan sa mundo habang unti-unting nagliliwanag ang buong paligid.

Kahit di pa man ganap na gising ang aking diwa mula sa malalim na pagkakatulog ay naramdaman ko na ang bagsik ni haring araw. Dinampian nito ang mala-Coco Martin kong fez, na aking ikinainis. Ang dating minamahal sa kanyang gintong silahis, ngayo'y sinusumpa, pag sa balat dumampi.

(Charmus! Ginamos! Malunod na ang malunod. Makata yung drama. Pang-Carlos Palanca Memorial Award lang ang blog ko ngayon. Magpatuloy tayo)---

Isa lang ang ibig sabihin nito, may nagbukas ng durungawan sa bandang silangan ng aming kwarto. (Malamang, di naman papasok yung sunlight kung walang nagbukas.) Kumapa ako sa bandang kaliwa. Wala si Misis. Ah, si Misis ang nagbukas. Labag pa sa kalooban ko ang bumangon, subalit tinatawag ako ng kalikasan. Unti-unti'y idinilat ang mapupungay na mga mata at nagpaunat-unat akong tumungo sa banyo.

Sa banyo--
Sssh.. Sssh.. (may sssh.. sssh.. talaga? Required. Sounds effect yun ng ihi.)

Hindi maganda ang gising ko at nakapinta iyon sa aking kagwapuhan. Una, dahil sa sikat ng araw. Pangalawa, dahil sa tawag ng kalikasan. At pangatlo, dahil kagabi pa ako naghahanap ng maisusuot para sa araw na ito, pero wala akong nahanap. Nagamit ko ng lahat. Marami akong mga damit. Sa katunayan ay balak ko ng bumili ng isa pang aparador, dahil puno na iyong lumang aparador ko. Hindi sa pagmamayabang, (dahil never naman ako naging mayabang. Ching!) medyo may kamahalan ang mga damit ko. (Saktong kamahalan lang naman. Kumbaga pa e, muntik lang na magmahal.) Sinisigurado ko ring sikat ang tatak nito at hindi pang-pucho pucho lang.

Pag Miyerkules, hangga't maaari e ayaw na ayaw kong umulit ng damit pang-iskul. Gusto ko, bawat Miyerkules iba. Ganung araw lang naman kase kami may karapatang magfree-style. Wednesday washday iyon. Kaya dafat bungga yung porma! At porma kung porma.

MISIS : (Kumakanta habang nagtitimpla ng kape.) Goodmorning sa inyo. Sweet and mild ang kasama ko. Tamis ng--- (natigilan sa balak na pagpo-prodaksyon namber nang makita ako) Oh, umagang-umaga, ampalaya yang mukha mo. At Miyerkules ngayon, bat pangbiyernes-santo yang awra mo?

AKO: Eh pano, wala akong maisuot. Asar! Sabi ko naman kase sa'yo kahapon diba? Na ipagshopping mo ako. Tuloy, naha-highblood ako. Wala akong maisuot.

MISIS: Eksaherado.. Walang maisuot agad? Ano yang nasa aparador mo? Imahinasyon? Andami mo kayang damit jan. E di ba nga, kabibili pa lang natin noong nakaraang dalawang Linggo?

AKO: E nagamit ko na nga iyon..

MISIS: Tse!!! Ewan ko sa'yo. Magsuot ka ng sako! Oh inom ka na nga muna ng kape, at nang lumevel-up yang pagkahighblood mo. (Inabot ang kape.)

At wala akong nagawa. Nagsuot nga ako ng sako. Juk!

Labag man sa kalooban, umulit ako ng maisusuot. Isinuot ko ang kulay asul kong damit na tatak-Bench. Matagal ko na itong damit subalit sa natatandaan ko, ito pa lamang ang ika-pito kong gamit kaya bagong-bago pa.

Kabababa ko lang ng traysikel. At bakas pa rin sa mukha ko ang pagkayamot. Hindi ako komportable sa suot ko. Sa katunayan nagdalawang isip pa nga ako, kung papasok ako o hindi. Ilang hakbang na lang at makakapasok na ako sa gate ng eskwelahan. Nang may umagaw ng aking atensyon-- isang babae na kaedad lang nanay ko, mga nasa late 30's o early 40's siguro. Hindi ko na binalak na alamin. At isang batang lalaki na kung iistemahin ko ay nasa ika-pitong taong gulang. Sigurado akong di sila magkasintahan na nagdidate kaya inisip ko, mag-ina sila. Nagtatawanan ang dalawa. Dama ko ang kanilang kagalakan. Ang talagang nagpapukaw ng aking atensyon ay ang kanilang suot na parehong lumang-luma. Bukod sa luma na ay tagpi-tagpi rin ito. Kumakain yung bata ng ice cream. Nahulog ito sa kanyang luma at tagpi-tagping damit. Hinablot nung nanay ang panyo mula sa dala nitong maliit na bag. Agad iyong ipinampunas sa mantsa ng ice cream sa damit ng bata.

Sa eksenang iyon, parang may kumurot sa aking puso. At nang mga sandali ding iyong parang ipinako ako sa aking kinatatayuan. Animo'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Napatingin ako sa aking damit at nakaramdam ng pagkapahiya sa aking sarili. Napatingin ulit ako sa damit ng mag-ina. Ikinumpara ko ang damit ko, sa damit nila. Malayong-malayo. Ako na nakasuot ng mamahalin. Ako na nakasuot ng may sikat na tatak. Ako na nakasuot ng bagong-bago. At ako na maraming damit-- ni hindi man lang marunong makontento. At sila na nakasuot ng lumang-luma at tagpi-tagpi-- napakasaya..


Labis akong naantig ng mga sandaling iyon. Di ko namamalayang kumakawala na pala ang mga luha sa magkabila kong mata nang--

"Hoy Ram! Anong drama mo?! Lampas na ala-una oh. Time na. Pasok na tayo. Late na o! Natatanaw ko na si Maam Secreto sa classroom. May long-quiz pa naman siya ngayon." ang wika ng pakialamero kung kaklase na panira ng moment..