Showing posts with label ANG AKiNG AMA. Show all posts
Showing posts with label ANG AKiNG AMA. Show all posts

Saturday, July 20, 2013

Alas Tres ng Hapon

Alas tres ng hapon..
Ang dating kinagigiliwang sikat ng araw na ngayo’y kinaiinisan ng madla’y naging saksi sa libong pumpon kong kagalakan.
Himalang di nainda ang nakalulusaw na bagsik ng panahon.
Ni hindi naalalang punasin ang nag-uunahang tagaktak ng pawis sa mukha.
Alas tres ng hapon..
Nag-alab ang damdamin sa di maipaliwanag na nadarama.
Masidhing dumagundong ang dibdib, kakaibang kaba!
Di kayang usalin ang sayang nasa karurukan ng pinakarurok.
Alas tres ng hapon.. 
Pusong naging hawla’y kaya ng humarap sa mapagsamantalang tuso.
Katawang naging busog na sa inip at panimdim ay makakaramdam na rin ng paglaya.
Makatatalon na nang walang nakikialam.
Makasisigaw na nang walang mambabato.
Makasasagot na nang walang pag-aalinlangan.
Alas tres ng hapon..
Ang oras kung kailan ko muling nabanaag ang pinakamahalagang adan sa buhay ko, si tatay.
Anim na taong paghihintay.
Sa wakas masisindak na rin ang mga buwitreng laging nakatimbreng manloko.
Andito na si tatay, ang aking tagapanggol kay hudas.

Friday, July 19, 2013

Ang Minsang Ipinagkait Bukas Makakamit..

"Uuwi na ang tatay mo." Maiksing textmessage na natanggap ko mula kay nanay. Ito na ata ang pinakamagandang balitang natanggap ko ngayong taon. Panigurado, nakapagdala din ito ng napakalaking kagalakan kay nanay. Naiisip ko ngang nakalabas na ang ngalangala niya sa pagtawa dahil sa positibong emosyong nararamdaman niya sa mga panahong ito.
Bakit nga ba naman hindi? Halos labing-anim na taon ding hindi sila nagkita. Kung susuriin, mas mahaba pa ang panahong nagkalayo sila kesa sa panahong pinagsamahan nila. Labing-anim na taong "Long Distance Relationship" ang tema ng kanilang lovestory.
Malungkot mang isipin, kailanma’y di nabuo ang pamilya namin. Grade one pa lang ako nang mangibang bansa si nanay. Ang kapatid ko, sa ibang pamilya naiwan. Ako naman, nasa pangangalaga ng kapatid ni tatay. Tapos si tatay, kung saan saan nagliwaliw. Ewan ko, basta ang sabi ng mga kamag-anak namin, nagbuhay binata daw uli siya. Nagbisyo— droga, sugal, alak.. Lahat na. Ang bukod tanging di ko narinig ay ang nambabae siya. Hindi kami nabigyan ng pagkakataong maging close ni tatay. Paano ba naman? E minsan lang siyang magpakita. Nasanay na akong walang tatay. Mas nasanay akong walang nanay. Alam mo yung pakiramdam na wala akong masasayang alaala na kasamang kompleto ang pamilya ko.
Nung papauwi na ng Pinas si nanay, si tatay naman, kaaalis lang papuntang abroad. Nakakatawang nakakainis. Pakiramdam ko, pinaglalaruan at pinagkakaitan sila ng tadhana. Pakiramdam ko, tinatanggalan kami ng karapatang mabuo. Kapiling nga namin si nanay. Magkakasama nga kaming tatlo— ako, ang kapatid ko at si nanay.. Si tatay na naman ang kulang.
Di ko maiwasang isipin na parang andaya-daya naman. Ang mga kaklase ko, buo ang pamilya tuwing parents day. Wala din akong makitang family picture namin sa sala. Napaka-unfair di ba?
Pero bukas.. Matapos ang labing-anim na taon, makakamit ko na ang isang bagay na ipinagkait sa akin. Mabubuo ulit kami.
Sa wakas, makikita ko na ulit si tatay.. Bukas.

Wednesday, November 23, 2011

Isang Sulat Para Kay Ama


Dear Fadir,

Kumusta na po? Pogi pa rin ba? Ilang yirs na ba ang nagdaan nong huli tayong magkita? Humigit-kumulang anim na taon na rin siguro. Kelan ba matutuloy yung planong bakasyon mo dito sa Pinas? Sana malapit na. Kase mis na mis ka na namin. Lalo na si Madir. E pano, mas mahaba pa yung panahon na di kayo nagkasama kesa sa pagsasama niyo mismo. Talagang kinarir lang ninyo ang 'LONG-LONG DISTANCE LOVE AFFAIR' niyo. Nakakalungkot! (Hikbi..)

Ayos lang kami dito. Kahit papaano, nakakaraos naman. Ang bunso niyong anak, naku dalaginding na ang bruha. Itong unang apo niyo, ang kulit.. May ngipin na. At ilang beses na akong kinagat sa tenga, pinaglihi ata to sa aswang.. Si Madir naman, di pa rin nagbabago. Talakitok pa rin, lalo na pag stressful day ang byuti. Pero choks na. Sanayan lang yun!

Di ko na rin nga pala itinuloy ang plano kong pag-aartista. Kase nga mag-aaral ako ulit ngayong semester ng pagkaguro. Baka maapektuhan yung istadis ko. Isa pa, ayaw din ni Misis. Ayaw kase nun sa showbis e. May rhyming??? Parang tula--- Huminto ako sa pagsosyobis dahil ayaw ni Misis at baka maapektuhan ang istadis.. Haha! Kaya nagbak-awt ako sa pers movie project ko sana. (Chinggg!!!)

Baydawey, patawad kong nabalitaan niyong nagworld-war kami ni Misis kamakailan. Il-kyu lang. Pero may peace-talk ng naganap sa pagitan naming mag-asawa. Labing-labing na ulet.

Alam niyo po, (aym syur hindi pa!) kahapon ginagaya ko ang writing niyo. Ipinakita ko nga kay madir. Ang sabi, "pwede na.." Sinubukan ko rin gayahin ang boses niyo. (Gaya-gaya puto maya lang yung drama.) Yun ang di ko magaya kahit anong eport ko. Di ko makuha yung timbre.


At namaos lang ako sa kakanta ng 'Carrie' by Europe na lagi mong kinakanta .Naisip ko, baka required lang na lumaklak ang inyong unico hijo ng mga limang case lang naman ng Redhorse. Baka sakaling maachieve ko yung boses niyo.May ganun talaga?

Sayang no? Di tayo nakapag wan-on-wan sa inuman. Naisip ko, sino kaya ang unang masuka? E kase, gatas pa yung inoorder ko nung isinasama niyo ako nung araw sa mga videokehan. Di bale, pag andito ka na, magbabanding galore, inuman marathon at pataasan tayo ng iskor sa videoke. Balik father and son tandem lang yung drama.. Kantahin niyo po yung walang kamatayang 'Carrie' ng Europe hah. At ako, ibibirit ko naman na parang walang bukas yung 'Ikaw Sana' ng muntik lang tumangkad na si Ogie Alcasid. Iksayted na ako!

Pano ba to, hanggang dito na lang at baka maiyak pa ako. Drama.. Wag masyadong magpapagod. At wag kalimutang uminom ng vitamins para feeling mayaman lang.

PS :
Ang laptop ko, pag-ipunan mo na. Hehehe. Aymisyu!  (iBOLD at IITALIC FOR EMPHASIZE!!!)

Ang Inyong Kyut na Anak,

Ram

PAKiKLiK ANG LiNK NA iTO: "Miss Ko Na Si Erpat.."

Friday, November 18, 2011

AT ANG iSA PANG KWENTO NG iSANG OFW..


Nakakasiguro akong wala na ngang sulok ng mundo na pinatawad pang sugurin ng mga Noypi. Mga kababayan na nagtitiis tu da maks para sa iisang layunin--- una, ang magkaroon ng pera. Pangalawa, ang magkaroon ng maraming pera. At pangatlo, ang magkaroon ng maraming maraming pera.

Minsan na ring naging OFW si madir. Mahigit labindalawang taon na nagtiis sa lakas ng putok ng mga arabo.

Sa kasalukuyan si fadir naman..

At ako? Nakahanda na rin ang pasaporte at meybi wan ob dis dey ay tuluyan ng magiging kasapi sa mga pederasyong nag-alsa balutan na ika nga'y mga "bagong bayani agbayani".

Mag-aabroad ako sa Afghanistan, or sa Syria, or sa Libya, or sa Lebanon.. (Pakamatay???!)

O di kaya sa Azerbaijan, para mahirap ipronawns.. so achieve na achieve ang pagiging sosyal pag may nagtanong..

"San ka nagwowork ngayon tol?"

"Ah.. Sa Azerbaijan lang naman.."


May isa akong kaibigan na biniyayaan ng kalangitan ng ibayong kakulitan.Ifeature ko daw sa isa sa mga blogs ko. Ilusyunada! Pero dahil isa nga siya dun sa lilima ko lang na tagasubaybay e pagbibigyan ko na. May choice pa ba ako? Baka yung limang mambabasa ko, maging apat na lang pag nagkataon.

May kaiksian lang to. (nagmamadali! May lakad ako.. Hahaha.)

Itago natin siya sa pangalang Yannie. Isa pa sa mga milyong milyong ambisyosang Pinay na nangangarap bumigtaym. At naging ganap na ngang OFW. Na sa gitna ng mga split ends at patay na kuko at namumulok na ngipin ay hayon.. nagbanat ng buto para sa pamilya. At para sa sarili na rin por syur!

Isang modernong kalahi ni Eba na minsang nainlababu sa isang tomboy (maisingit lang para humaba.)

Balik tayo sa pagiging OFW niya. Matanong ko lang, gaano nga ba kalakas ang putok ng mga arabo? At totoo bang sing laki ng dos por dos ang kargada ng mga kalalakihan nila? Gipted..

Pagbalik niya ng Pinas. Nakikini-kinita ko na ang mga eksena niyan. Por syur, isa yan sa "babalik ka rin" krawd na magmimistulang may sakit sa atay at naninilaw dahil sa dami ng gold sa katawan.. Buhok na nakalugay na kulay pula dahil sa henna (patyal). Nakaleather jacket, damit na katerno ang palda, pamatay sa tulis at habang takong ng sandal, rayban na minsang ipapatong lang s ulo.. At kiyembot!

Mabuhay ka Yannie!

Mabuhay ang lahat ng OFW na nagtitiis sa lakas ng putok ng mga arabo!

Mabuhay!

Monday, October 25, 2010

Dream Come True

Noong bata pa ako, dumating sa phase ng buhay ko na marami akong iniidolong characters na pawang kathang-isip lang naman. At dahil nga bata pa ang inyong lingkod noon, paniwalang-paniwala ako na totoo nga sila, na nag-eexist nga ang mga ito.

Power Rangers, mga bida ng Mystic Knights, Si Young Hercules, Mask Rider, Blue Blink,Voltes V, si Batman, Superman, Wonderwoman,suman, palaman at lahat na nga ng may man. Yan ay iilan lang sa tandang-tanda ko na once in my life, nauto nila ako. Akala ko kase totoo sila. Di naglaon, nagising na lang ako na--- "ay di pala sila totoo!"

Bukod diyan, may isa pa akong iniidolo. At magpahanggang ngayon, iniidolo ko pa rin siya. Si 'JOLLIBEE'. Oo, si Jollibee nga. Pero di tulad ng mga unang nabanggit ko. Si Jollibee hanggang ngayon naniniwala pa rin akong totoo nga siya. Marahil hindi ganun kaliteral pero totoo talaga siya.

Tandang-tanda ko pa, nong kindergarten pa lang ako. Lagi kong sinusulat sa diary ko--- "cant wait to see you my idol, Jollibee'. Ganun ako kahaytek. Kinder pa lang, nagdadiary-diarihan na at nag-uuminglis pa hah. Kasinungalingan!!! (na nagdadiary na ako kinder pa lang???) Hindi!!! Kasinungalingan dahil hindi naman talaga ako nagkinder. Diretso grade one po ako. Patawa!

Grade 1, 2, or 3 ata ako nun (whatever!) nong una akong makapasok sa Jollibee.Hindi para makijingle lang, o para makiinom lang, o para makiaircon lang. Kunde para para lumamon talaga. May pera kami!

"Daddy where's Jollibee?" tanong ko sa wikang inglis. Take note inglis yun..

"Tumigil ka sa kaiinglis mo hah, gripuhan kitang bata ka eh.. Wala si Jollibee, namamahinga yun. Hang-over,masakit ang ulo nun. Gumimik kagabi.. Kumain ka na lang.."

"No! No! No! I don't wanna eat. I just want to see Jollibee. Now na!!!" hysterical na ako sa mga eksenang yun..



"Wag ka ngang makulit.. Jollibee Jollibee ka jan. E kung isiksik ko sa ilong mo tong spaghetti. Lokong bata eto.." galit na si erpat.

"I hate you! I hate you dad! Ilabas niyo si Jollibee. Ilabas niyo. Utang na loob ilabas niyo!" at namigti ang buong ugat ko sa leeg sa kasisigaw.

Ayun, di ko rin nakatagpo si Jollibee kahit gusto ng magcollapse ng store sa lakas ng sigaw ko.

Nakakatuwa kase, sa tinanda-tanda ko ba namang ito eh netong 2010 ko lang unang nakaharap ng personal si Jollibee. Last month lang. September to be exact. Buti na lang nagtrabaho ako sa Jollibee mismo. Salamat!

Sunday non.. I was so surprised nung biglang nag-appear si Jollibee sa store, sa harapan ko. Starstruck ako siyempre. Nagsasayaw sila ni Hetty non. May duty ako. Gustuhin ko mang lumapit, hindi pwede. May duty nga ako di ba? Makikipagkilala man lang sana na ako yung # 1 fan niya. O kahit magpa-autograph man lang sana sa noo ko. O magpakodak man lang while nakapeace sign ang pose namin o di kaya bubuhatin ko siya ng kaliwang kamay ko lang ang gamit ko. Yun ang mga pose na gusto ko sana pag nagpakodak kami..

Mangiyak-ngiyak ako nun while watching him. No joke. Literal. May tears of joy talaga. Ang sarap pala ng feeling kase parang bumalik ka ulit sa pagkabata. Ang sarap pala ng feeling na makita mo yung mga bata na ang sasaya at amaze na amaze dahil nasa harap nila si Jollibee.

Tapos ipinangako ko sa sarili ko na--- "Jollibee,magpapakodak tayo one of this day. magpapakodak tayo. Magpapakodak tayo" habang mangilid-ngilid ang luha ko. "Magpapakodak tayo dahil gusto ko sa passport id picture ko,kasama kita." Pwede ba yun???

Ayun nga, October 24,2010..nagpakodak ako kasama siya. Wala nga lang yung dalawa lang kami dahil ang daming umepal. At eto nga yun..



I love you Jollibee. Idol kita. Noon at magpahanggang ngayon. Dream come true na nagkaharap tayo ng personal. At nagpakodak pa ako with you hah. Di nga lang kita nabuhat. Humindi ka eh. Sayang. Pero Salamat! Alam kong marami ka pang mapapasayang bata. At mga isip-bata na rin na tulad ko.

Wednesday, March 3, 2010

Miss Ko Na Si Erpat..


PBB-Double Up was done & like what I've said, I'm a PBB addict indeed! Yeah, as in super addict, eversince that PBB season one had started..

How PBB affects me??? Well personally it affects me a lot. First & foremost, mas nakilala ko yung sarili ko kase naiirelate ko yung self ko with the PBB housemates. And because of this show, nagkakaroon kami ng bonding ng father ko. He's a PBB fanatic too. When he was still here in the Phillipines, sabay kaming nanonood ng PBB primetime and he was going to awake me pag PBB uplate na. (Eventhough may klase pa ako pagkakinabukasan, pinagpupuyatan ko talaga ang PBB.) We were exchanging our thoughts about the housemates & we had different "manok" or favorite as well. Oh, how I really miss my father.

Naaalala ko pa nga one time nung pinapagalitan niya ako (kase that time I'm not in the mood, so maghapon akong nakasimangot at nagmamaktol.) He asked me about something tapos dahil nga sa wala ako sa mood, nasagot ko siya ng hindi maayos. He shouted at me.. "kung ganyanang ugali mo, maeevict ka kaagad sa bahay ni kuya kung isa ka man sa mga housemates!!!" After I heard those words, bigla akong natawa kase bat biglang napasok sa usapan ang PBB?

You may not believe it, but until now na nagwowork na siya abroad (almost 4 years na siyang nagwowork abroad) lagi pa rin naming usapan ngayon sa phone ang PBB. Minsan mag-lo-long distance call lang siya just to ask me kung sino ang naevict. May TFC kase sila dun so nakakapanood pa rin siya ng PBB but pag Saturday di siya nakakapanood kase maaga ineere ang PBB eviction night. Imagine, gagasto siya ng load just to ask me lang kung sino ang maeevict!

Well, the main reason why I am posting this BLOG is to let you know how I really miss my father..