Showing posts with label ANG AKiNG MiSiS. Show all posts
Showing posts with label ANG AKiNG MiSiS. Show all posts

Monday, July 22, 2013

Yung mas active pa ang Mayon Volcano sa sex life ko.

Mainit ang ulo ko. Sa anong dahilan? Walang pag-iimbot at buong katapatan kong ilalahatla na TIGANG ako!!! (I-capslock natin yung word na tigang tapos lagyan natin ng exclamation point, mga tatlo. Para nakakaiyak sa sobrang intense.)
Himayin natin ang masalimuot na katigangang na ito—- Halos magdadalawang buwan ng kaawa-awa ang sinasapit ng sexlife ko. Paano ba naman e nasa kabuwanan na si Misis ng kanyang pagbubuntis. Sabi nila, okey naman daw ang makipag-tsuk-tsak-chenes kahit buntis ang partner. Pero ayoko pa rin. Ayokong i-take ang risk. Hindi kase applicable iyon sa akin sa kadahilanang matindi ako sa kama. Yung tipong nag-aacrobat ako. Nag-aral pa kase ako sa India ng Kamasutra lesson kaya baka manganib lang si Misis at baby sakali. Afreddie Aguilar.
Sa halos dalawang buwang katigangang iyon ay nakadarama ako ng ibayong pananabik sa malalamig na gabi. Minsan nga, niyayakap ko na lang ng mahigpit na mahigpit ang unan habang umiiyak na pinaliligaya ang sarili. Charot.
Alam ko, normal lang itong nararamdaman ko. Hindi ako ganun kalibog. Pero tao pa rin ako. Natitigang din. Minsan pa nga, sa sobrang pagkatigang, kung ano-ano na lang ang napapanagipan ko. Ayoko nang idetalye, hashtag medyobaboy. Alam mo yung pakiramdam na maski si Kute (Aiza Seguerra) ng Please Be Careful With My Heart pinagnanasahan ko na. Nagta-try din naman akong bumirit ng “All By Myself” habang nanonood ng porn pero parang walang satisfaction. Ayoko naman mambabae. Bukod sa bawal iyon sa religion namin, mahal na mahal ko ang asawa ko at di ko siya kayang lokohin. Ako na ang MOST FAITHFUL NG TAON.
Sige pagtawanan niyo ako sa kasalatan kong ito. Pagtawanan niyo ako habang kayo ay sagana at nag-uumapaw ang sexlife. Mga animal kayo! Nag-iinit lalo ang ulo ko. Bwesit! Alam mo kung ano yung mas nagpainis sa akin ngayong araw na ito? Yung ulam namin kanina. Malaking tahong na napakalambot. Tangena. Naglaway talaga ako. Hindi dahil sa lasa neto, kundi dahil sa kanyang itsura. Nang-aasar talaga ang tahong.
Wait, magpapalabas lang ako ng sama ng loob. *playing : “All By Myself” once again* Ipanalangin niyong hindi ako mabulag.

Monday, April 22, 2013

Ang Aking Hindi-Masyadong-Pakialamerang-Ina


Gaya nga ng naunang naikwento ko, matagal na kaming naghihintay ng anak ni Misis. Mga dalawang taon din. Kaya ganoon na lamang ang aking kaligayahan nang malaman kong siya’y nagdadalantao. Naglilihi pa lang siya’y pareho na naming hindi maitago ang excitement na nararamdaman kung ang sanggol ba na nasa kanyang sinapupunan ay babae o lalaki. Ang gusto ni misis, babae para daw mas close sa akin at masarap bihisan. Sabi ko naman, kahit ano, basta normal at healthy. Hindi na ako choosy.
Pinlano naming magpa-ultrasound. Pero hindi iyon ganun kadali.
Kasabay ng mainit na isyung panunutol sa pag-iibigan ng mga magulang ng dating naging parte ng sexlife ko na Heart Evangelista at ng kanyang batang-batang boyfriend na si Chiz Escudero ay naging mainit din sa bahay ang isyung panunutol ng aking “hindi-masyadong-pakealamerang-ina” sa plano namin.
Na-immune na ako sa favorite past time ni madir na pangengealam. Ang hindi ko lang talaga lubos na maintindihan ay kung ano ang dahilan sa pag-aalburoto ng kanyang tinggil nang malaman niya ang aming plano. Hindi maarok ng malawak kong pang-unawa kung bakit tutol na tutol siya sa ideya ng pagpapa-ultrasound. Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang logic sa konseptong bad vibes daw iyon.
Hay naku! Muntik na talagang sumabog ang lahat ng ugat sa tarugo ko sa bawat rebelasyon ni inay patungkol sa mga bagay na ito— na kesyo daw nabuhay naman daw kaming mag-asawa sa kanilang sinapupunan ng walang nagaganap na ultrasound. Ang sarap lang sagutin na nung panahon talaga ni lapulapu, hindi pa iyon nauuso. Sabi pa, bakit daw hindi na lang kami maghintay? Na kung babae, e di okey, kung lalaki, e di okey!
Ginamit ko na ang pinakatinatago kong galing sa pag-i-explain. In-apply ko na rin ang natutunan kong “Strategies of Teaching” mula sa kinukuha kong kurso. Pinilit kong ipaintindi sa kanya ang konsepto ng tinatawag na ultrasound. Na hindi lang naman yung kasarian ng sanggol sa sinapupunan ni Misis ang gusto naming malaman. Na gusto lang naming makasigurado kung okey ba yung kinalalagyan ng sanggol. Normal ba? Hindi ba namin kailangang maalarma kung suhi ba o kung ano.
Isang umaalingasaw na “Ah basta hindi! Hindi ako papayag. Walang magaganap na ultrasound. Subukan lang ninyong kontrahin ang kagustuhan ko at isusumpa ko kayo!”
Nanlumo ako sa mga binitawang kataga ni mader. Jusko! Utrasound lang, isusumpa na kaagad? Yan ang nanay ko. OA.
At dahil nga masunurin akong anak at takot na takot kami sa sumpa ay itinuloy namin ang aming plano. Ang alam ko para to sa kapakanan ng bata sa sinapupunan ni Misis. Hindi ito patungkol sa excitement naming mag-asawa. Hindi ito patungkol sa aking nag-kokontrabidang ina. Para to kay baby!
Salamat, dininig ng nasa itaas ang gabi-gabi kong ipinagdarasal na nawa’y normal ang sanggol. Tuwang-tuwa si Misis, babae ang nasa kanyang sinapupunan. At dalawang buwan na lang ay masisilayan na namin ang pinagpawisan naming finish product. Yun oh!

Sunday, April 21, 2013

Confirmed, Hindi Ako Baog!


“Noong binata pa ako, lagi kong ipinagdarasal sa mahabaging maykapal sa kalagitnaan ng pag-wi-withdrawal chenes na nawa’y wag muna akong makabuntis. Kako ay hindi pa ako handa. Noong ako’y magkaasawa, gabi-gabi ko namang pinagrorosaryo na sana’y makabuo na kami ni Misis kahit isa man lang.”
Halos dalawang taon din mula nang ikasal kami ng aking Misis ay hindi pa rin kami makabuo-buo. Dumating sa puntong nagkaroon na ako ng pagdududa sa kakayahan ng tamod ko na makabuo ng kasing kisig kong sanggol. Na-stressed ako. Sino ba naman ang hindi mai-stressed, Ate Charo? Sa gwapo kong ito, napakasayang naman kung hindi ko maikakalat ang naipamanang gandang lahi ng aking tatay di ba?
Dagdag pa riyan ang araw-araw na panunukso ng mga hinayupak kong barkada na ang weak weak ko raw. Isinusumpa ko sila. Malusaw sana ang mga betlog nila! Hindi ko na rin babanggitin ang ibayong pamemressure ng mga magulang ko na nangungulit sa paghingi ng apo. Kung makahingi naman ng apo, aporado.
Buwan-buwan kaming nag-aassume ni Misis nun na sa gabi-gabing (minsan araw-gabi pa nga!) pagniniig namin ay baka nakabuo rin kami. Subalit sa bawat buwan na dadatnan siya ng kanyang regla, katumbas nun ay pagkalagas ng aking bulbol dahil sa pagkalugmok.
Halos mawalan na kami ng pag-asa nun, hanggang sa dumating ang buwan ng kanyang pagdadalantao.
Laking gulat ko nang mag-positive si Misis sa pregnancy test. Na sa halos dalawang taong paghihintay, sa wakas ay nakatsamba rin kami. Muntik na akong mapa-split with kandirit na may kasamang tambling sa kagalakan. Kaya pala nang mga nagdaang Linggo ay laging iritable at tumayms tu ang pagkabungangera, buntis na pala ang gaga!
Gusto ko lang magpayo sa mga mag-asawang hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na makabuo, unang-una siguraduhing may matres si Misis. Pangalawa, pakainin ng maraming buko si dyowa, pamparami’t pampalagkit ng semilya. Juk onli. Konteng tiyaga at hintay lang na may kasamang pagdarasal. Sa paghihintay, siyempre wag kalimutan na mas pailabin pa ang sex life. Yun ang importante!
Ngayon, kung tulad ko e tsumamba rin kayo, dapat ay handa tayong mga lalaki sa mga pagbabagong nagaganap at magaganap sa ating partner lalo na sa panahon ng kanilang paglilihi both physical and mental. Narito ang ilan sa mga dapat nating paghandaan:
MORNING SICKNESS - o ang pagduduwal sa umaga. Dinanas ito ni Misis noong nasa unang tatlong buwan siya ng kanyang pagbubuntis. Tuwing umaga, matapos bumangon sa higaan, agad siyang tumatawag ng uwak! Uwaaak! Uwaaak! Suka siya ng suka. But take note, hindi porke’t morning sickness ang tawag e di na nangyayari to sa hapon o sa gabi. Maaari itong mangyari sa buong araw anumang oras at anumang lugar gaya ni Misis na walang patawad. Kahit nasa kasarapan ako ng kainan ay biglang magsusuka.
PANANAKIT NG ULO AT BALAKANG - madalas niya itong inirereklamo. Noong hindi pa namin alam na buntis siya, bwiset na bwiset ako dahil akala ko e nag-iinarte lang siya at gusto lang ng libreng masahe ko.
MADALING MAPAGOD - mas madalas at mabilis siyang mapagod kesa noong wala pa siyang dinadala. Ihinakbang lang ng tatlong hakbang ang mga paa, hapo na agad-agad.
MOODY - ito ang dapat na pinakapaghahandaan natin mga lalaki. Dobleng pasensya ang kailangang ilaan. Dahil sa hormones, karaniwan sa buntis ang maging moody. Minsan masaya, mamaya magagalit. Papunta na sila sa pagkabaliw so pang-unawa ang higit nilang kailangan sa mga panahong ito. Ready tayo na tayo ang laging aawayin ni Misis sa ayaw at sa gusto natin. Tayo kase ang pinaka-convenient nilang kaaway dahil alam nilang tayo ang higit na pinakanakakaunawa sa kalagayan nila. One time nga, binato ako ni Misis ng charger, dahil hindi niya maisuot ang kanyang bra. Sumikip kase dahil lumaki siya. Sa malas ko, ako ang napagdiskitahan.
SENSITIBO SA PAGKAIN - dati rati paboritong paborito ni Misis ang penakbet, itlog at fried chicken. Noong najuntis ang hitad hay naku, kahit amoy nito, isinusumpa.
SENSITIBO SA AMOY - nakakahurt na katotohanan pero ang pinakaayaw ni Misis ay amoy ko noong “lihi stage” niya pa. Minsan nga di ko mapagilang ma-offend dahil sa gabi, ayaw niya akong makaharap o makadikit man lang sa pagtulog. Nakakasuka daw yung amoy ako. Ang totoo siya ang nakakasuka ang amoy dahil halos hindi na siya naliligo. Ayaw na ayaw kaseng makaamoy ng sabon, shampoo, toothpaste o anumang bagay na may kaugnayan sa pagligo. Ayaw niya rin ng cologne at alcohol. Kung noon, wala siyang pakialam kung magka-lung cancer man ako sa paninigarilyo ko, ngayong buntis siya, tangena, para siyang ginagahasa ng limang dyablo sa oras na makaamoy ng sigarilyo.
NAMAMAGANG SUSO - maliit ang suso noon ni Misis, sa katunayan kakailangan ko pa ng magnefying glass bago ko matunton ang kinalalagyan ng boobs niya pero nung mabuntis siya, Jusko mahihiyang lumapit sa kanya si Keanna Reeves.
PANGINGITIM NG PALIGID NG UTONG - self explainatory ito at di na kailangang i-explain. Ang pangit namang idetalye ang pag-itim ng paligid ng utong ng Misis ko.
PAGDEDEMAND NG TILA IMPOSIBLENG BAGAY - ito marahil ang pinakachallenging role bilang asawa ng isang buntis. Kung ano-anong pagkain ang pinabibili. Gusto ng manggang hilaw. Pag nabilhan ng manggang hilaw, nagbago daw ang isip.. Manggang hinog na naman daw n walang buto. Pinya na matamis na matamis. Kailangan yung wala ni konteng asim siyang malasahan. Pati durian na walang tinik, hinahanap din. Kung hindi ka ba naman mabaliw sa paghahanap. Tapos si Misis ang gusto niyan after my class, umuwi daw ako agad-agad sa bahay. Pag-uwi ko naman galing eskwela, jusko ang pambungad na palatuntunan sa akin e bat pa ako umuwi e naaalibadbaran lang daw siya sa amoy ko. Kung hindi lang ayaw kong lumaki ang baby naming walang tatay e magpasagasa na ako sa trak.

Iilan lamang ito sa mga pangkaraniwang pagbabago sa mga nagdadalangtao. Para sa tulad kong first time maging daddy, sa panahong ito, ang pinakamabisa nating sandata ay ang suporta at malawak na pang-unawa para sa ating asawa. Dapat ding mahusay ang pagdedesisyon natin sa lahat ng oras lalo pa’t madaragdagan na ng isang miyembro ang binuong pamilya.
Sa mga dalagang nagnanais maging ina, be ready! Sa mga binata namang may ganyang napapansin sa girlfriend.. Dali magtago ka na. Alam mo na at wag ng magugulat. Ihanda na an lampin. Tatay ka na dre. Apir! Goodluck sa’yo. Goodluck sa akin. Goodluck sa lahat ng magiging tatay!

Sunday, April 14, 2013

"Hindi Ako Lasing, Nakainom Lang!"

..ang paborito kung litanya pag naparami ang inom. Ang kapal lang ng babagtingang-tinig kong sabihin ang bagay na iyan. Hindi daw lasing? Tangina. E malinaw pa sa ilaw ng meralco.. Ngiwing-ngiwi na ang bibig ko na may kasama pang pagtulo ng laway. Pautal-pautal. Pasuray-suray. Pulang-pula at ang mga mata’y naniningkit dahil sa likido ng alak na dumadaloy sa mga ugat ko. Iyon ba ang hindi lasing? Ganun nga marahil ang konsepto ng lasing. Kaya mong aminin ang lahat. Maliban sa bagay na wala kang lakas ng loob na sabihing lasing ka.

“Hindi ako lasing, nakainom lang!”

Kompirmado. Iyan at iyan ang isasagot ko pag sinabi mong ”..lasing ka lang.”

Wag mo ring itanong kung lasing ako o ano, panigurado, sasagutin kita ng walang kamatayang—

“Hindi ako lasing, nakainom lang!”

Sa aking mahal na asawa, pagpasensyahan mo sana ako, minsan inaakala kung ako si Baron Geisler na sinasaniban ng diyablo pag nasobrahan ng alkohol. Minsan lang naman. Huwag mo na muna akong kausapin hanggat maaari. Ipagpabukas mo na lang pag humupa na ang tama ko. Mahihimasmasan din ako. Dalawang bagay lang naman kase ang patutunguhan kung sakaling pinagalitan mo ako dahil hindi ko kinontrol ang pag-inom— away o gulo. At alam mong hindi ako basta-basta nagpapatalo. Pag hindi ka naman sumagot, di pa rin ako titigil dahil ayaw kong wala kang laban. Ang sweet ko noh? Intindihin mo na lang. Aaminin ko namang lasing talaga ako pag hindi na ako lasing.

Sa mga kainuman ko, pasensya kung bigla akong nagtatanga-tangahan. Pero aminin niyo mas nakakausap ako nang matino dahil kaya kung sagutin lahat ng nakakabobo ninyong tanong na may kasama pang trivia. Andami niyo tuloy natutunan sa akin. Ewan ko ba? Nagiging genius ako bigla pag nagsimula ng sumipa ang alak.

Pasensya na rin pag nang-aagaw ako ng mikropono kahit hindi naman sa akin yung kanta. Pakiramdam ko kase ang ganda-ganda ng boses ko kaya trip kong mag-concert. Ilista niyo na lang kung ilang kanta ang inagaw ko at babayaran ko ang hinulog niyong tokens sa videoke machine.
Pasensya na talaga. Tanga-tangahan lang lalo na kung ang trip ko ay magtalambuhay. Magdadrama. Magkukwento tapos magsusuka. At magdadrama ulit. Wag kase kayong magbukas ng paksang kadramahan. Namo-motivate ako.

Pasensya na rin kung ang tigas ng tae kong ipilit na kaya ko pang magmaneho pauwi. Please lang sa susunod wag kayong mapagod na mag-eport ulit na agawin ang susi at kayo na ang magmaneho para sa akin. Hindi pa ready si Misis na mag-claim ng insurance. Hindi niya pa kaya.

Pasensya na sa lahat ng hinamon ko ng away. Parang awa niyo na, wag niyo akong patulan. Mahal magpapustiso. Pangmodel lang ang katawan ko at hindi pandigmaan. Intindihin niyo na lang ako. Pasensya na talaga. Mabait naman ako pag hindi nasobrahan di ba?
Higit sa lahat, pasensya na sa lahat ng nilandi ko habang lango much sa alak. Pasensya po talaga. Pakiramdam ko kase Adonis ako sa kagwapuhan at lahat ng tao kasama na pati hayop ay kaya kong landiin. Muntik na tuloy akong mamolestiya ng isang bading. Utang na loob, wag niyo akong isumbong sa asawa ko.

Tuesday, May 15, 2012

Battered Wife


Hindi ako naaaliw sa pinapanood kong palabas, kahit ganu pa ito ka-comedy. Hindi ko maintindihan yung istorya. Unang-una ingles iyon at walang subtitle, nosebleed me. Pangalawa ang konsentrasyon ko ay hindi nakatuon doon. Sa kung saan— sa madugong world war 3 namin ni Misis kaninang umaga. Sinubukan kong ilipat sa ibang channel, wala, at sa iba pa, wala rin.. At sa iba pa ulit. Wala pa rin akong matipuhan. Nang magsawa ay pinindot ang OFF-button ng remote. “Tsk!!!” (Oo, may tsk with 3 exclamation point talaga.)
Dali-dali ay hinablot ang mamahaling iPod mula sa magarbo kong bag. (Ako na ang nagmamayaman!) Inilagay ang headphone sa tenga.. Nagpatugtog—
“Pagkabigo’t alinlangan, gumugulo sa isipan. Mga pagsubok lamang yan, wag mong itigil ang laban. Ahhh.. Ohhh..”
Ampota! Emong-emo na nga, lakas pang makapang-stress nung natyempuhang kanta! Bigti mode on na ba talaga itey? Nanadya lang? Muntik ko nang maihampas ang mamahalin kong iPod. Mabuti na lang na at the very last minute na magdesisyon akong ihampas iyon ay naisip kong mamahalin nga pala, sayang kung nagkataon. Echos!
Hindi tama ang desisyon kong magsoundtrip, baka pag pinagpatuloy ko iyon ay matagpuan na lang ako sa loob ng kwarto na nakabigti, tirik ang mata at wala ng malay. Afredy Aguilar! Kaya walang ano-ano ay tinanggal ko ang headset na nakabara sa aking tenga.
Hinanap ang mamahaling cellphone (required talaga yung mamahalin for clarity.) Iyon ang pinagbalingan ko. Tinext ang pinakalango sa alak sa mga kaibigan ko.
“Pare, inuman tayo! Treat ko! May problema lang. Nag-away at nagkasakitan kami ni Misis. Pumutok ang nguso ko, baka kayang gamutin ng Emperador.”
Sending text message—
Nang..
Message Sending Failed. Check Operator Service!
Anak ng tinapa lang di ba? Bat ngayon pa? Nanlambot ang itlog ko at nalagas ang pubic hair ko sa sobrang pagkaaasar.
Depressed na depressed ako ng mga sandaling iyon Ate Charo. Yung pakiramdam na ako na ang Most Depressed Man alive sa Guiness Book World Record 2012. Ganun ang level ng pagkadepressed ko Ate Charo.
Iyon na nga marahil ang pinakagrabe naming away ni Misis. Yung kulang na lang e magsaksakan kami ng cotton buds sa ngalangala.
Kung may nakikita lang akong katol sa mga sandaling iyon ay papatulan ko nang hithitin. Magkaroon lang ng lakas tama. Makalimot lang. Makaalis lang sa reyalidad! Gusto kong magwala. Gusto kong kumawala sa mundo. (Arte much!)
Naisip ko na ring takpan ang sariling mukha ko ng unan at nang malagutan na ako ng hininga. Pero baka pag nagpakamatay ako ay hindi ako tanggapin sa impyerno. Baka daw kase sapawan ko pa si satanas sa pagka-HOT. Weh?
Napayuko na lang ako sa sama ng loob. At—
“Bat ganun? Ang sama ko ba talagang asawa? Bat hindi niya ako maintindihan. Respeto lang naman ang hinahangad ko. Kailangan ko rin minsan ng ispasyo. Hu hu hu.” (di me sure kung may huhuhu ba talaga akong nailitanya nun, ilalagay ko na lang for cinematic purpose kunwari.)
Bigla akong natigilan sa pagmamaarte ko nung may dalawang pulang langgam akong nakita, 5 centimeter away from my pangmayaman na paa. (Pangmayaman uli!)
Naririnig ko sila, nag-aaway. Base sa kanilang pinagtatalunan, away-mag-asawa iyon, nakakasiguro ako. Kaya kunwari hindi ko sila tinitingnan pero ang totoo e Tutok Tulfo talaga ang drama ko nun. At nakinig—
Blagadag! Blaaagggh! Blagaaags! Nagbabasagan ng plato ang mag-asawang langgam. Kitang-kita ko ang pagkalat ng mga bubog ng maliliit nilang duralex na plato. Mabuti na lang at 70-70 ang vission ko, kaya kitang kita ko.
Sisitahin ko sana sila. Ampota kase wala silang pinipiling oras ng paggigeyerahan. Hinayupak na mag-asawang langgam na ito, langgamin sana sila. Grrr. Tanghaling tapat? Mananghalian kaya muna sila, bago ang sagupaan. At nang may energy naman sila. (Pero kami nga ni Misis, bangayan ang inalmusal e. Kaya hinayaan ko na lang sila.)
Nagpatuloy ako sa pagmamasid.
“Putang-ina mong langgam ka! Kaya pala wala ka ng oras sa akin dahil may ibinabahay ka na pala!”panghihimutok ng babaeng langgam na halos bumulwak ang petuitary gland sa lakas ng sigaw.
“Tumigil ka na sa kakaputak mo! Kung ayaw mong sampalin kita!” Pagbabanta ni lalaking langgam.
“Sige subukan mo!” Hamon naman ni babaeng langgam.
PAK!!! At sapol nga ang pisngi.
Biglang umatikabo yung aksyon. Nagbalibagan na ang kanilang katawan.
Pinlano kong umawat pero mas pinili kong manahimik na lang. Hindi dapat pinakikiaalaman ang away-mag-asawa. Bawal daw, sabi nung kumare ng nanay ko na katsismisan niya sa batis habang naglalaba sila.
Talo ang babae malamang. Marahil ay kusa nang sumurender ang kaawa-awa niyang katawan sa mga tinanggap nitong sampal, sabunot, suntok na may kasama pang tadyak. Kaya iniyak na lang ang lahat ng sama ng loob.
“Di ka titigil sa kakaiyak? Di ka talaga titigil? Ha? Ha? Ayaw mo talaga? Gusto mo pang makatikim?”Nakamaang ang mabagsik na kamao ng lalaking langgam.
“Huhuhu! Sawang-sawa na ako hayup ka sa pambubogbog mo! Aalis na ako. At isasama ko ang mga anak natin. Hindi mo na sila makikita. Hayup! Hayup! Este insekto! Insekto!”
At kambal na sampal uli ang tinanggap ng babaeng langgam.
“Anong pinagsasabi mong aalis ka. At anong pinagsasabi mong isasama mo ang mga anak natin? Pota ka! Hindi mo sila maisasama—-
dahil unang-una wala naman tayong mga anak. Hindi mo ako mabigyan ng anak dahil nga baog ka di ba? Anak anak ka diyan! Kailan ka pa nag-adik ha?!” At nagpakawala pa uli ng isa pang sampal.
Natigilan ang babaeng langgam. Tama nga pala, wala silang anak.
Kanina ay awang-awa ako kay babaeng langgam, ngayon ay natawa na lamang ako sa kanya. Adik pala ang gagang langgam!
Dinampot ko uli ang mamahaling iPod at sa pangalawang pagkakataon ng mga sandaling iyon ay nagpatugtog—
“Di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa ko ikaw ay aking panaginip. Oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman, ng isip ko oohhh.. Ohhh…”
Napangiti ako. Theme song namin to ni Misis nung magkasintahan pa lang kami. Rumehistrong muli ang mga larawan nung panahong nagliligawan pa lang kami. Napakasaya namin na parang wala ng bukas. At may naiwang tanong sa magulo kong isip—



NASAAN NA KAYA SI TOOTSIE GUEVARRA?

Saturday, January 29, 2011

Ang Bertday Keyk


Kailan ba ang 'beerday' mo? O ang 'barday' mo? Wataymin is ang 'bertdey' mo?

O baka naman mas madalas ka pang magbertdey kesa maligo?

E naghahanda ba naman kayo? Kung oo. Malamang mayaman ka. Hehe.. Yan kase ang isa sa pamantayan ng may sinasabi sa alta-siyudad e, bukod sa kakinisan--- pag may handa tuwing bertdey! Namaaan..

Sosyalan ba? Dahil may pa 'blow blow yur kandel' ka pang nalalaman? Pikit sabay wish, sabay ihip. Tapos pagdilat mo, ubos na ng mga patay-gutom na bisita ang keyk!

Apir! Dahil kung kelan beinte-uno na ang inyong lingkod, e saka pa ako nagka-keyk sa bertdey-parti ko. Akalain mo nga naman yun oh!

Mangiyak-ngiyak pa nga ako nung mey-ay-blow-da-kandel ako!

Kabilang kami sa may sinasabi sa alta-siyudad! Ching! Kaya naman natural na naghahanda kame tuwing bertdey ko. Bat as far as ay rememberd, wala akong keyk sa mga nakaraang bertdey ko! Ngayon lang..

CHARAAAN..

Patenkyu sa asawa ko, kung hindi dahil sa kanya. Zero ang keyk.

Patenkyu sa mga patay-gutom na dumalo. Kinompleto niyo ang araw ko. Lalo na sa barkada kong si Malic. Parang kelan lang yung 18th bertday ko at nagpakalunod tayo sa Fundador.

Patenkyu kay Alicia na di sumipot sa bertdey ko pero inpeyrnes, bumawi naman kinabukasan. Patenkyu sa isang keys ng pulang kabayo.

Patenkyu kay ina at ama! Binigyan niyo ako ng regalong laptop. Hmp. Parinig..

Patenkyu sa lahat ng bumati. Bumati s teks, fb at sa personal.

Patenkyu sa mga mababait kong katrabaho na di sinipot ang kasal ko. Pati ba naman bertdey ko?

Patenkyu adbans sa matatanggap kong Gift Certificate mula sa Jollibee. Hehehe.

Ababol. Patenkyu kay Allah por ebriting.

Patenkyu ulet sa keyk..

Tuesday, January 18, 2011

Sorprays!


Dati-rati, pag may usapang kasal na e laging ganito ang mga linya ko..

"..ako hindi ako maagang mag-aasawa, mag-iipon muna bago kasal! Pag 27 na ako,pwede na.. mag-aasawa na ako."

"..gusto ko sa beach.. yung tipong pamilya ko lang ang nasa reception. Intimate wedding.. Ganun!"

Kaya naman ayun.. Itong Sabado lang ay kinasal ako! Charaaaannn. At marami ang nasorpresa. Sorpraaaaaysss!!! Mahilig lang talaga ako sa mga sorprays sorprays na yan!

Kumusta naman yung Intimate Wedding na pinangarap ko??? Well humigit-kumulang sa limandaang katao lang naman ang dumalo..Intimate na intimate di bah???

Yung Beach Wedding? Wala.. Di rin natupad. Pero atleast mas sosyal.. Sa resort. Oh san ka pa? Minsan lang ako ikakasal kaya dapat lang na gastusan..

Pero seryoso to hah.. Di naman sa kung saang lugar ka ikinasal nasusukat ang halaga ng isang kasal! Mas mahalaga pa rin na nagmamahalan yung bride and groom (tulad namin ng love ko.. cheesy!) and they are willing to face the life na gusto nilang pasukan di bah? Tulad nga ng litanya ng aming kapitbahay.. Hindi yan parang kanin na kakainin mo tapos pa napaso ka, luwa kaagad! No! No! No!

Gusto ko lang magpasalamat sa mga bumati at nagbigay ng regalo.. Lalong lalo na siyempre sa tatay ko. Special mention dapat yun..
Just pray for us na sana magkababy kaagad. Baby boy hah!


Pahabol : Sa mga nagulat! Peace!!!

Friday, November 12, 2010

SHOPAHOLIC : Sakit Naming Mayayaman (Hangin???)

Yesterday, for the second straight day ay barado na naman ang kaliwang butas ng pointed nose ko. Dinalaw na naman kase ako ng hinayupak na sipon na ito. Walang-hiya talaga. Di ko naman inimbita tapos dadalaw-dalaw??? (Ang hindi tumawa magkakasipon din..)

Supostobe e di naman talaga dapat ako gigising ng maaga. Alas-dos pa naman kase ang pasok ko, but I need it so, kase mag-sha-shaping-shapingan daw kuno si ako!

Di ko pa pala naikwento noh? Lumipat kami ng wife ko, with our friend mommy Wheng ng bagong condo! (imbes na boarding house, gawin nating condo para tunog-mayaman!) Mas malaki siya kesa dun sa dati naming condo unit pero mas mura ito! Mas malinis and above all confident ako na walang tsismosa dito!
Hmp.. At ang mas above all pa, dito di na kami masusundan ng tanginang MAGNANAKAW na yun.. Mamatay ka na sana. Walanghiya ka. Pati ako, kinatalo mo pa. Akala ko ba magkaibigan tayo???
Enewey, let's continue our main topic. Na-ha-highblood tuloy ako sa magnanakaw na yan!

Ayun nga, shaping-shapingan na nga di bah? At para achieve na achieve ang pagiging sosyal kunwari, required na may isasama ka sa shopping scene na ito. 'Tagabitbit', yun ang tawag dun! Volunteer naman si mommy Wheng at ang wife ko.

Bandang ala-una, di pa ako nakakapangalahati sa mga bibilhin ko. Balak ko kaseng bilhin pati ang mall sa Cotabato.. Mall nga bah? I mean katiting na mall sa Cotabato. Mapera tayo eh. Natural maraming bibilhan yan. KABOG!!!

Tayming na tayming kase sumakit ang ulo ko ng biglaan. Atsing ako ng atsing! Na may kasamang ubo. Atsing na may ubo. Imagine??? Tapos parang lalagnatin pa ako.

Tumawag ako sa store, para magpa'NO-SKED'. Pinayagan naman ako! Kahit required akong pumunta ng store muna para magpakita at patunayan na sinisipon sabay atsing at sabay ubo nga ako! Totoo naman. At kahit bago ako pinayagan eh nakatanggap muna ako sigaw, as in sigaw e ok lang. Atleast pinayagan ako. Di na nating kailangang personalin iyon. Trabaho lang.

Pero kahit feeling ko eh lalagnatin talaga ako. Gaya ng tuloy na tuloy ang pasko eh tuloy na tuloy pa rin ang shopping ko. Syempre.

At ito na nga ang mga nabili ng inyong lingkod :


1.) APAT NA DAMIT
Puti, dilaw, bughaw.. ahmmmp.. (biglang nag-isip) Ano na nga ba yung tagalog ng pink??? ohmeegad!!! It's so hard naman managalog eh.. Pink na lang. Pink! Pansin ko lang hah, parang 'V-NECK' na may butones ata tong lahat ng nabili ko. Pansin niyo rin??? Ganito kase ang nakikita kong laging suot ng idol kong si John Lloyd Cruz. Baka kako pag nasuot ko na to tapos pag nakasideview ako, mapagkakamalang si Kuya Loydie ako!


2.) SYORT
Si Rain kase eh.. inarbor arbor pa yung paborito kong short. Eto tuloy, napabili ako. Malapit na kase ang summer. Uso na naman ang mga shorts. So may-i-buy nga.


3.) TSINELAS
Can' afford tayo sa mga kroks-kroks na yan at haba-habayanas na yan! Penshoppe na lang tayo. Pare-pareho din naman. Tsinelas pa rin yan kahit isang milyon pa ang halaga. Nasa pagdadala lang po.. (Dami pang sinabi noh? Can't afford lang naman..)


4.) AKLAT
Makakalimutan ko ba naman sa budget ko ang aklat? Kaming matatalino, we can never live without a book on our hand! (Grabeng yabang na ito!) Seryoso, na-curious lang ako sa title. 'Kwentong-Tambay'! So hinablot ko na lang kahit may kamahalan. Ok naman. Pero mas naenjoy ko yung mas huling nabili ko.. Medyo nag-expect kase ako sa title eh. But while I'm reading this, naalala ko si erpat. Kwento kase to ng isang OFW! Ewan ko nga kung bakit kwentong tambay? Adik na title. Kwentong-Tambay daw..

DATSIT!!!Ang presyo??? Naku! Wag na, baka himatayin kayo. Pangmayaman nga di bah? Hahaha! (trip kong magyabang ngayon.. bakit bah???)

Teyknot, pitong oras ang tinagal ng shopping na ito! Pitong oras ng alay-lakad! Pitong oras din akong may tagabitbit! Salamat sa mga tagabitbit na ito!

Thursday, November 4, 2010

..not because i need you..


"I love her not because she love me even I'm the worst guy she ever had.

I love her not because I just need her.
But I need her, because I LOVE HER!" --ram
Breaktime. Mahaba-haba. Dahil mga tatlong oras. At dahil nga tatlong oras din iyon, pinili kong umuwi muna ng boarding-house para makapagpahinga.

Pagdating ko, walang tao sa kwarto. Wala ang kinakasama ko. Tapos sa kama may iniwan siyang note..

Ram,

Nagligpit na ako. Pagbalik ko dito lipat na tayo sa kabilang bhouz. Monday ka na lang pa RD (Rest Day). Uwi ka sa Parang Sunday ng gabi. Kahit 6pm may sasakyan pa yan. Kung hindi talaga pwede, magtext ka lang hah. Pasama ka kay Wheng para makita niyo yung bhouz. Sabihin niyo dun Nov. 4 tayo maglipat. Baka kasi maunahan pa tayo. Ayaw ko na dito. Promise. Ingat ka lang hah..

Pag-uwi mo Parang tanungin mo lang si Wheng kung magsama siya.

Sabihin mo may probs ako.

Sori kanina hah..

Love you!

My tears fell down.Ang sama ko naman. Nasigawan ko kase siya kanina, maagang-maaga pa. Ako na nga yung may kasalanan, siya pa yung mag sosorry?

I turn to the next page.. (notebook kase yun, malamang may next page..)

I was so touched. Can't help my self not to cry when I'm reading this message

Ayaw ko na talaga. Promise. Pagod na ako. Pagod na pagod. Gusto ko ng umuwi ng bahay. Lagi na lang kase niya akong inaaway. Pero hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kase walang magluluto sa kanya. Alam kong pagod na pagod yun pag umuuwi siya galing trabaho. Naaawa na nga ako sa kanya kase nahihirapan na siya.