Inilabas na ang resulta ng LET (Licensure Examination for Teacher) na
ginanap noong Marso, taong kasalukuyan. Sa 75, 610 na kumuha ng
nasabing pagsusulit, 25, 533 ang pumasa.
May mga
nagbunyi sa natamong napakalaking tagumpay. May mga takot na napalitan
ng galak. May mga dasal na dininig. May mga napaiyak sa lubos na
katuwaan. Marami na namang pangarap ang natupad.
Sa
kabilang banda, mas maraming luha ng kabiguan ang dumanak. Mas maraming
pananabik ang humantong sa pagkalugmok. Mas maraming bilang ang
napatanong-- "bakit hindi pinakinggan ang gabi-gabi kong panalangin?"
Natural
lamang ang pakiramdam na masaktan sa natamong kabiguan. Subalit huwag
hayaan na tuluyan kang ilugmok ng sakit na iyan. Natural lamang ang
matakot sa pwedeng maging resulta ng paglagpak sa board exam. Ang hindi
natural ay ang tuluyan kang lamunin ng takot na ito.
Hindi
ko pa naranasan ang sumabak sa pagsusulit na iyan ngunit bilang isang
ordinaryong nilalang ng Diyos, alam ko ang pakiramdam na mabigo.
At
narito po ang personal kong maipapayo sa 75, 610 na nabigo sa LET exam.
Bagamat wala sa larangan, nakasisiguro ako na makakatulong ito sa
pagpapanumbalik ng inyong nawalang tiwala sa sarili.
1. Hindi ka itatakwil ng iyong mga magulang.
Magulang
din ako at hindi ko kailanman itatakwil ang aking anak anumang pagsubok
ang hindi niya pasahan. Huwag isiping itatakwil ka nila dahil ikaw ay
bumagsak. Laging tandaan na ang pamilya ang unang-una nandyan at
nakasuporta sa tagumpay man o kabiguan.
2. Huwag mahiya sa sasabihin ng ibang tao.
Anumang negatibong bagay ang marinig mo mula sa ibang tao, ipagkibit-balikat
na tlamang ito. Unang-una, ala silang ideya sa kung anong madugong
review ng pinagdaanan mo. Mas mahalaga pa rin ang karakter kesa
reputasyon.
3. Hindi ka pagtatawanan ng mga "tunay" mong kaibigan.
Kung
sakaling may isa sa mga kaibigan mo ang nam-bully. Marapat lamang na
simulan mo na itong iwasan. Isa lang kase ang ibig sabihin nun, hindi
siya isang tunay na kaibigan. Nakasisiguro akong dadamayan ka ng mga
tunay mong kaibigan.
4. Hindi porke't hindi ka pumasa ay bobo ka na.
Karamihan sa pinakamatagumpay
na nilalang sa buong mundo ay minsan ding dumanas ng matinding
kabiguan. Si Michael Jordan halimbawa. Ang itinuturing na pinakamagaling
sa kasaysayan ng basketball ay minsang tinanggal sa kanilang varsity
team noong siya'y highschool. Si Albert Einstein, sinasabi ng kanyang
mga guro noon na wala siyang mararating. Ano siya ngayon? Di ba nga'y
napakalaki ng naiambag niya sa larangan ng siyensya. Hindi ko na
ilalahad ang minsan na ding dinanas ni Bill Gates. Tandaan, walang taong
bobo!
5. Maraming ibang dahilan kung bakit hindi ka pumasa.
Huwag
isiping nagkulang ka sa pag-re-review dahil naniniwala akong walang
sundalo ang sasabak sa giyera ang hindi nagsanay at naghanda. Maaaring
may teknikal na rason-- may mali sa pag-shade mo, nabasa ang papel mo at
hindi tinanggap ng machine, set A ang nasagutan mo pero naisama sa set B
ang papel mo. Maaari ding kinabahan ka lamang at na-mental blocked.
6. Huwag mawalan ng pag-asa.
Ang karera ay may dalawang hangganan, ang "start" at ang "finish line". Ang higit na mahalaga ay ang "finish line".
Kapag ikaw ay huminto sa pagtakbo, iyon ang oras na ikaw ay ganap ng
talo. Kung gusto mong manalo sa laban, wag kang hihinto at magpatuloy sa
karera. Magsisilbi iyang pundasyon ng iyong tagumpay. Huwag mawalan ng
pag-asa. Huwag mong hayaan na-- ang isa, dalawa, tatlo o higit pang
paglagpak sa board exam --na diktahan ang iyong buhay. The golden rule
here is "take lang ng take."
7. Mas maraming bumabagsak kesa pumapasa.
Hindi
ka nag-iisa. Lalong hindi katapusan ng mundo kapag ikaw ay hindi
pumasa. Normal lang yan. Ang mahalaga ay kung paano mo malalagpasan ang
bawat hamon.
8. Weder weder lang yan!
Naniniwala akong swertehan lang ang pagpasa sa board. May inaasahang
papasa pero bumagsak. May pumasa na hindi naman inaasahan. Para sa akin,
60% luck, 30% prayer at 10% brain ang kailangan mo para pumasa. May mga
kilala akong grumadwet na summa cum laude, pero pagdating ng unang
sabak sa board exam, bumagsak. Kung hindi mo pa panahon, ipagpilitan mo
man, hindi mo maipipilit.
9. Huwag maging bitter!
Failure
is such a humbling experience. Kung hindi ka marunong tumanggap ng
pagkatalo, walang dahilan para ikaw ay manalo. Iwasang isipin o sabihin
na mas magaling ka sa mga kasabayan mong pumasa sa board. Sa inyo din
ang balik ng ganung pag-aasta. Wag maging bitter. Move on!
10. Patuloy lang sa pagdarasal.
Ito ang pinakaimportante
sa lahat. Sa panginoon, walang imposible. Huwag Siyang kwestiyunin sa
iyong pagbagsak. Ang lahat ay may dahilan. Maaaring hindi mo
maintindihan sa ngayon pero darating ang araw na lilinaw din ang lahat.
May
panahon ng tagumpay. Sa kabilang banda, may panahon din ng kabiguan,
gustuhin man natin o hindi. Magkagayunman, kailangan harapin ang bukas
na may tapang at buo ang kalooban.
Para sa mga bigo,
huwag sayangin ang panahon sa pagluha sa natamong kabiguan. Sa mga
pumasa naman, huwag sanang magpalunod sa tagumpay at katuwaan.
Magandang araw sa mga bigo at tagumpay!
Showing posts with label iSANG GURO (SA HiNAHARAP). Show all posts
Showing posts with label iSANG GURO (SA HiNAHARAP). Show all posts
Sunday, April 28, 2013
Tuesday, April 23, 2013
Guhit
May kanya-kanyang pangarap ang bawat isa sa atin. Tulad ko ay karapatan mo rin ang mangarap. Libre ito. Subalit may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pangarap. Nakalulungkot mang isipin, minsan may mga pangarap na kailangang maging pangarap na lang. Hindi patas ang mundo. Gustuhin mo man ang isang bagay kung hindi ka ilalayag ng panahon sa iyong minimithi, balewala.
Lahat ay may minimithi, subalit hindi lahat ay abot-tanaw. Sabi ko nga, libre ang mangarap. Pero hindi dahil libre ay makakamit mo na ito ng ganon kadali. Sa dami ng mga reyalidad sa mundong ibabaw na kailangan angkupan, may mga pangarap na naisasantabi. Tulad ko na nangarap maging mang-aawit, sintunado naman. Nangarap magka-kotse, pulubi naman. Nangarap pumangit, imposible naman.
Tandang-tanda ko pa, bata pa lang ako’y nakahiligan ko na ang humawak ng papel at lapis para gumuhit. Naaalala kong stick pa lang ang mga tao ko non. Hirap na hirap pa akong iguhit ang iba’t ibang klase ng hayop. Pati halaman at puno di pa maintindihan. Ang paglalagay ko ng kulay, lagpas-lagpas. Ang mga tao, kulay brown. Ang araw, dilaw. Kulay bughaw naman ang dagat at kalangitan.
Hanggang sa natuto na ako ng iba’t-ibang teknik sa pagguhit pati pagkulay. Ang paglalagay ng pattern na pari-parisukat. Ang tamang paghawak ng lapis. Ang tamang kurba. Napansin ni tatay ang kakayahan ko sa pagguhit. Bakit daw hindi ako mag-Fine Arts? Pag-iisipan ko, ang sagot ko.
Nung ako’y magkolehiyo, gusto ko sanang mag-Fine Arts. Kaso naisip ko na baka isang araw, matagpuan ko na lang ang aking sarili kasama ang mahal na pamilya na pinupulot sa kangkungan.
Alam kong, hindi biro ang kursong iyon. Nakakapamulubi. Hindi magiging sapat ang tatlong kalabaw at ilang hektaryang palayan ni tatay kaya ibang kurso ang napili ko. Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayang nakakalimutan ko na pala ang pangarap kong pagguhit.
Hanggang sa kahapon, sa aking summer class sa subject na Humanity ay inilapit akong muli ng panahon sa mundo ng pagguhit. Muli ay nasubok ang kakaiba kong galing sa larangang ito. Nagkaroon kase kami ng seatwork. Iguguhit namin ang mukha ng aming katabi.
Bilang isang nilalang na may malawak na kakayahan sa pagguhit, alam kong ang mukha ang pinakamahirap iguhit. Pero parang sisiw lang sa akin ito. Magaling nga ako diba? Ito oh:
Okey fine, lahat ng pinagsasasabi ko sa itaas ay pawang kasinungalingan. Ang inilahad ko patungkol sa kagalingan ko sa pagguhit ay kayabangan lamang at malayo sa katotohanan. Frustration ko lang talaga itey. Iyon ang katotohanan. HAHA!
Nang matapos kong i-drowing ang pagmumukha ng aking seatmate, laking gulat ko na lang dahil walang sabi-sabi, sinaksak niya ako ng hawak niyang lapis. Nong tingnan kong muli ang naiguhit ko, deserve ko naman pala ang masaksak. Nakaka-offend nga naman yung drowing ko na mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo.
Sabi ng professor ko, hindi naman daw mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo ang itsura ng drowing ko. Ang judgement niya, mukhang missing link daw ito sa evolution. Fuck you ka Sir!
Siyanga pala, ito ang model ko:
Di ba, medyo kahawig naman? Sige na nga, mukhang missing link na sa evolution ang drawing ko.. Pati model ko.
Marami akong natutunan matapos ang seatwork namin na to. Na masaya kapag yung kakayahan ay magamit natin sa mga bagay na gusto natin. At mas masaya pala kapag itinigil ko na itong ambisyon ko sa pagguhit. Wala akong magiging future dito.
Thursday, April 18, 2013
"Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi."
Hay salamat! Sa wakas natapos din ang Final Exam. Maipapahingang muli ang sumasakit kong utak na pang-genius. Nairaos na naman ang isa pang semester.
Inpeyrnes hah, kahit candidate ako for Summa Cum Laude (chos!) naging madugo para akin yung exam sa Philosophy. Ang totoo, napakadali lang niya— iyon ay kung nagbasa o nakinig ako nung mga sandaling tinatalakay ito ni Maam. E sa hindi ako nakinig dahil nung tinalakay ito, nasa sulok ako ng klase at nagtitikol. Hindi rin ako nag-review. You know naman kaming mga may talinong di mo inaasahan, hindi na kailangang mag-review dahil stocked knowledge ang aming tanging panlaban. Magtitirik na lang ako ng kandila, na sa pangalan ng bagong Santo Papa Francis, nawa’y tama ang mga pinagsasabi ko dun sa explaination. Na sana hindi ma-offend si Maam sa mga naisagot ko. Na mabigyan man lang ng kahit konteng puntos ang mga pinagsusususulat ko para kahit paano’y mabigyan ng hustisya ang Pilot ballpen na kabibili lamang. Ang haba kaya ng mga isinagot ko. Kako, baka sa aking milyong pinagsusulat, may isa man lang na tsumamba. Ayun, at pagkatapos kung sumagot, nagpatawag ako ng Red Cross dahil kinailangan ko ng blood transfusion dahil sa sobrang pag-iininglis. Tangena.
Sa kabillang banda, habang itinatype ko ito, gustong dumanak ng luha sa earth. Sumi-senti kase ako. Alam mo yung ngayon pa lang, namimiss mo yung mga hampaslupa mong kaklase. Hindi rin kase ako sigurado kong maipagpapatuloy ko pa pag-aaral ko sa susunod na semester. Dahil mag-aartista na ako. Joke lang. Ang totoo nito, yung inaasahan kong magpapaaral sa akin, si tatay, uuwi na ng Pilipinas. Pero positibibo pa rin naman ako. Ang dami pang pwedeng mangyari. Malay mo, may mag-sponsor ng pag-aaral ko.. Si Willie Revillame. O makakuha pa ng ibang trabaho dito si tatay. Fingers in pussy Crossed!
Cut muna sa kasentihan. Kani-kanina nga pala ay nag-Cholo-Cholohan ako. Feeling ko talaga, sinaniban ako ng kaluluwa ni Cholo ng koreanobelangStairway To Heaven. Why not? Hindi naman nagkakalayo itsura namin. Medyo maputi lang siya at matangkad. Bukod dun, wala na siyang nailamang, pag nakatalikod ang TV. Sa paglalakbay ko sa buong paaralan gamit ang bike, naisip ko na ang swerte ko pa rin. Binigyan ng pagkakataong makapag-aral. Na milyong-milyong tao sa buong mundo ang niloloko at niyuyurakan ang pagkatao dahil sa walang pinag-aralan. Heto ako, nasa kolehiyo. Wala mang kasiguraduhang maipagpapatuloy ko sa susunod na semester ang pag-aaral ko, alam kong maswerte pa rin ako. Napatingin ako sa langit at nagwikang“Salamat!” tapos ay napaluha..
..bumangga kase ang minamaneho kong bike sa isang malaking puno.
Monday, September 10, 2012
Guest Speaker
Nais ko lang pong ipaalam na hindi po totoo ang kumakalat na balitang nilamon ako ng lupa sa kararaan lang na lindol dito sa Mindanao. Buhay pa po ako at wala namang may isang nasaktan kahit na may kalakasan iyong lindol dito sa amin.
Hindi ko lang maiwasang isipin sa sandaling iyon na baka nga yun na ang moment of time ko ng pag-he-hello San Pedro. Kaso nang mapag-isip-isip kong pangit pala ang suot kong brief e puta tumakbo ako sa pinaka-safe na lugar noong maganap ang lindol. Itinulak ko ang mga dapat itulak. Sabi ko, “utang na loob, paraanin nyo ako, hindi pa ako pwedeng mamatay right there and there.” Nakakahiya naman kase kapag halimbawang narecover na yung mukha kong wasak tapos pati brief ko e wasak din. Ayoko. Pagtatawanan lang ako.
Anyway, inihaw.. noong nakaraang Linggo ay naimbitahan ang inyong lingkod na maging isang panauhing pandangal sa Buwan ng Wika Culmination ng Tran National High School. (Paaralan na napakalayo sa kabihasnan.) Ang taray lang di ba? Panauhing Pandangal. At mas tataray kung i-translate natin sa english— Guest Speaker. Bigla na naman akong napatanong sa hangin kung bakit ako? E tanggap na tanggap ko naman na kagwapuhan lang talaga ang maipagmamalaki ko sa buhay. Hindi ako matalino para sa mga ganyan. Ano naman kaya ang sasabihin ko dun sa entablado. Sa kabilang banda, naitanong ko rin— “ito na kaya ang simula ng kasikatan ko?” habang nakatingin sa kawalan with the background music of Bituing Walang Ningning.
Dahil nga sa wala naman talaga ako inaatrasangkainan (libre meryenda daw kase) e di tinanggap ko ang offer na maging isang guest speaker. Naghanda ng napakahabang speech, syempre dafat lang na habaan ko ang exposure sa entablado. Kung ano-ano yung mga nasabi ko. Hindi ko nga rin naintindihan yung iba. Bangag lang? Pero wag ka! Napapalakpak ko yung principal. Hindi ko alam kung dahil ba mensahe ng speech ko o dahil sa pagpakyaw ko sa paninda niyang yema?
Kakaiba iyong pakiramdam na sa tuwing may magsasalita sa entablado, ang laging intro e— “sa ating kagalang-galang na panauhing pandangal, Rajan Ram M. Mamadra..” Bukod sa nabastos ako dun sa kagalang-galang e sobra pala nakakataba ng puso. Ansarap lang. Tapos yung kaliwa’t kanan e nginingitian sabay kinakamayan ka.. Very priceless!
Hindi ko lang maiwasang isipin sa sandaling iyon na baka nga yun na ang moment of time ko ng pag-he-hello San Pedro. Kaso nang mapag-isip-isip kong pangit pala ang suot kong brief e puta tumakbo ako sa pinaka-safe na lugar noong maganap ang lindol. Itinulak ko ang mga dapat itulak. Sabi ko, “utang na loob, paraanin nyo ako, hindi pa ako pwedeng mamatay right there and there.” Nakakahiya naman kase kapag halimbawang narecover na yung mukha kong wasak tapos pati brief ko e wasak din. Ayoko. Pagtatawanan lang ako.
Anyway, inihaw.. noong nakaraang Linggo ay naimbitahan ang inyong lingkod na maging isang panauhing pandangal sa Buwan ng Wika Culmination ng Tran National High School. (Paaralan na napakalayo sa kabihasnan.) Ang taray lang di ba? Panauhing Pandangal. At mas tataray kung i-translate natin sa english— Guest Speaker. Bigla na naman akong napatanong sa hangin kung bakit ako? E tanggap na tanggap ko naman na kagwapuhan lang talaga ang maipagmamalaki ko sa buhay. Hindi ako matalino para sa mga ganyan. Ano naman kaya ang sasabihin ko dun sa entablado. Sa kabilang banda, naitanong ko rin— “ito na kaya ang simula ng kasikatan ko?” habang nakatingin sa kawalan with the background music of Bituing Walang Ningning.
Dahil nga sa wala naman talaga ako inaatrasang
Kakaiba iyong pakiramdam na sa tuwing may magsasalita sa entablado, ang laging intro e— “sa ating kagalang-galang na panauhing pandangal, Rajan Ram M. Mamadra..” Bukod sa nabastos ako dun sa kagalang-galang e sobra pala nakakataba ng puso. Ansarap lang. Tapos yung kaliwa’t kanan e nginingitian sabay kinakamayan ka.. Very priceless!
Wednesday, September 5, 2012
Naranasan mo na bang magupitan ng isang Barberong-Guro sa kalagitnaan ng inyong exam?
Sariwang-sariwa pa sa aking alaala, second year High School ako nun. Napakauso pa ang buhok ng nawawalang sina Wowie de Guzman at Spencer Reyes. Iyong buhok na hating-hati sa gitna na nagmukhang daanan na ng eroplano. Mas bagsak, mas cool. At required na dapat maisusubo mo ang bangs pag wala kang ginagawa sa buhay o habang nakatambay ka sa kanto at nagbibilang ng nagkakantutang aso. Ibig sabihin, dapat mahaba ang hair mo para hindi ka mapag-iwanan sa uso.
Isa ako sa milyon-milyong nakiuso sa Hair Style Fever na iyon. Kaya lang bigla akong nalugmok nung putulan ito ng aming Guidance Councilor. Ayaw ko sanang ipagupit pero sapilitan niya akong kinaladkad at iginapos sa puno ng aratilis nang walang kalaban-laban at saka ginupitan. Masamang-masama ang loob ko. Kaya taimtim akong nanalangin na sana ay kumidlat at tamaan ang tanginang Guidance Councilor na ito. Kaso ay El Niño noong mga panahong iyon. Patuloy pa rin siya sa paggupit sa pang-artista kong buhok.
“Pakyu ka Sir! Anong kasalanan ng buhok ko sayo? Hindi ito makatarungan!”
“Tumigil ka, kung ayaw mong manghiram ng tenga sa baboy!”
“Sir, willing akong manghiram ng tenga sa baboy, maging sa daga man. Pero utang na loob, itigil niyo ang paggupit sa buhok ko. Ipinaglihi ako kay Samson. Mawawala ang lakas at kapangyarihan ko pag pinagpatuloy niyo pa ang paggupit dito. Bakit ba kase may ganitong kasyetang policy?”
“Tanga, for grooming purposes ito! Wag kang makulit.”
“For grooming purposes? So was Jesus Christ unkempt then? Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Sir! Hinahamak mo ang anak ng Diyos. Kilabutan ka!”
At natigilan ang uto-utong Guidance Councilor.
Hay naku! Ang mga tao nga naman, wagas kung makahusga. Bakit kaya hindi na lang nila ipagkibit-balikat ang mga bagay na nakikita nila na hindi naman nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay? Nasan ang hustisya? Ilabas ang hustisya. Katarungan para kay Ka Dencio! Katarungan!
Grumadwet ako ng High School. Wala na rin akong naging issue sa buhok nung tumuntong na ako ng college. Kaya kung anu-ano ang pinaggagagawa ko dito. Hinati sa left side. Tapos hinati sa right side. Tapos sa left uli, two times at sa right naman, two times din (may blocking?) Kinulayan ng ginto.. Ng itim. Kinulayan uli ng ginto. Kahit anong ma-trip kung ayos nito, nagagawa ko nang walang nangingialam. Hanggang sa isang araw, naging matunog ang bulung-bulungan na may Hair Cut Policy na rin sa College. Bawal ang longhair. Bawal ang may kulay. Tanga sila? Anong gusto nila? Na gawin naming transparent ang mga buhok namin? Anong akala nila sa black? Hindi kulay? Ang unang-unang nagreklamo sa isyung ito ay yung mga ubanin. Dinidiscriminate daw sila. Oo nga naman.
Kung sa High School, medyo ok lang (ok na lang!) na iimpliment yun. Na pwede pang sabihing “it’s all about discipline.” Pero kung pati sa college ii-implement pa yan. Aba e PUTANGINA! Nakakagago naman ata yan. Makakapal na po ang mga buhok namin sa betlog. Hindi na kami bata, sa katunayan ay pwede na kaming gumawa ng bata. Matatanda na kami para diktahan sa kung ano ang tama o hindi tamang buhok para sa amin. Tangina. Ang sarap magprotesta pero ayaw kung mag-eport. Tinatamad me.
So ayun nga. Sa ayaw at sa gusto namin. Naimplement na nga ang policy na iyon. Wala akong nagawa kundi gupitan ang napakamahal kong hairstyle na pinasadya ko pa sa David Salon. Paksyet, mas mahal pa to sa buhay nila. Chos!
Masunurin ako. Ano nga naman ang karapatan kong hindi sumunod. Kaya sa kasalukuyan ay maiksi na ang buhok ko. Wala na rin itog kulay subalit naiwan pa rin ang ilang mga katanungan sa aking isipan:

- Sa buhok ba nasusukat ang pagkatao ng isang tao?
- Ano ang kinalaman ng buhok ko, sa pag-aaral ko?
- Bababa ba ang bill namin sa kuryente ngayong kulay itim na itong buhok ko?
- Gaganda ba ang sirkulasyon ng dugo ko ngayong maiksi na itong buhok ko?
- Ngayon na nakapagpagupit na ako at hindi na kulay ginto itong buhok ko, magbabalik na ba ang tambalang KIMERALD? Masosolve ba ang problema ng bansa? Mababayadan ba ang utang ng Pilipinas? Tataas ba ang piso kontra dolyar? Bababa ba ang presyo ng gasolina?
- ..Mahahanap ba ang nawawalang sina WOWIE DE GUZMAN AT SPENCER REYES?
Tuesday, September 4, 2012
The Substitute Teacher
Muntik na akong himatayin kahapon nang mabasa ko ang mensahe ni Mam Joy, ang aming Program Moderator.
“See me at my office before 1:00pm.”
Tumaas bigla ang presyon ko at nag-init ang dalawa kong itlog. Mahihiya ang mga nurse pag nalaman nila ang Blood Pressure ko ng mga sandaling iyon Ate Charo.. Kinabahan ako. Naisip ko, nakita na kaya ng aming moderator ang aking scandal sa youtube, kaya ako pinapatawag? Wag naman po sana. Nanalangin ako ng taimtim.
So ayun na nga. Dahil sa masunuring bata ako, pumunta nga ako sa opisina ni Mam Joy nang 1:30pm. Ang gago, 30 minutes nang late.
“Ikaw ang mag-sa-sub kay Mam Allen (dakilang Ms. Minchin sa Filipino) dahil busy ang lola mo ng isang linggo. Ikaw na muna ang bahala sa kanyang mga klase sa High School.” Ang pambungad na palatuntunan ni Mam Joy.
Muntik na naman akong mahimatay sa aking mga narinig. (Hobby ko talaga this past few days ang mahimatay. Ramadan kase at nag-pa-fasting ako. Bakit ba?) Totoo ba itong naririnig ko? O isa lamang sa mga malilikot kong imahinasyon? Pero totoo nga.
“Hah? Bakit ako? Bakit? Bakit ako na isang hamak na second year student lang, pwede naman iyong mga practice teacher ng fourth year. Bakit ako na tanging kagwapuhan lang ang maipagmamalaki? Bakeeettt..?” (Chos!) Kunwari pa akong nagulat pero ang totoo e tuwang-tuwa ako at walang pagsidlan ang aking kagalakan. Gusto ko ngang kumandirit na may kasamang split sa sobrang kasiyahan ng mga sandaling iyon. Subalit pinigil ko ang aking sarili. Nagpaka-pormal ako at baka magbago ang isip ni Mam Joy.
Nakakataba nga naman ng puso di ba? Sa dinami-dami ng estudyanteng pwedeng mag-sub kay Mam Allen e ako pa ang pinagkatiwalaan. Ibig sabihin napansin nila ang kakayahan ko.
Magpapaka-choosy pa ba ako? Syempre hindi na. Kaya um-Oo na ako agad-agad at walang pakundangan. Matagal ko na kayang pangarap na makapang-uto ng estudyante.
“So kelan ako magsisimula Mam?” Tanong ko.
“Ngayon na.” Awtomatiko niyang sagot.
“Hah? Now na? Agad-agad? Oh no! Bat hindi mo agad sinabi Mam? Ni hindi man lang ako nakapag-ayos. Ni hindi man lang ako nakapagpagupit ng disente. O nakapag-ahit man lang. Baka pagkamalan akong ermitanyo ng mga bata. Ni hindi ko man lang naisuot ang mamahalin kong sapatos. Ni hindi man lang ako nakapag-noselift kay Belo. Ni hindi man lang—-“
“Tumigil ka nga sa kadramahang iyan. Magtuturo ka, hindi mag-mo-model. Adik!”Pagpuputol niya sa aking mahabang litanya ng kadramahan.
At PAK!!! Kahapon nga ay nagturo ako. Naglevel-up na naman ang pagkafeelingerong FROG ko! Ok lang. Di naman mahirap yung mga aralin. Yun nga lang, napilitan ako basahin ang hinayupak na pagkahaba-habang nobela ni Rizal na Noli syet at El Fili syet. Mahirap naman na nganganga lang ako pag tinanung ako ng estudyante, kung Sino ang bumunot sa tinggil ni Maria Clara.
Third year at fourth year ang tinuturuan ko. Ok na hindi ok. Ok kase matatanda na sila at madaling na lang paintindihin. Hindi ok dahil mahirap na silang utuin.
Ito na nga pala ang pangalawang araw ko ng pagtuturo sa kanila. At sa kasalukuyan ay namamaos ang inyong lingkod.

Saturday, August 25, 2012
Pluma
Siya ang perpektong anyo ng isang mapangarapin at mapaghangad na manunulat ng kanyang henerasyon. Kapos man sa imahinasyon.. Salat man sa wastong kaalaman at tamang pamamaraan ng pagpapasama-sama ng ensaktong titik at mga salita.. Nag-aalab naman sa pagkahayok na matuto. Nagsusulat siya nang naaayon sa bugso ng kanyang puso at dikta ng kanyang kaluluwa. Konsensya ang natatangi niyang agimat. Nagsusulat siya, hindi dahil sa kailangan bagkus nagsusulat siya, dahil gusto niya. Dahil sa mundo ng pagsusulat siya ganap na lumiligaya. Hindi niya iniintindi kung sa tingin niya’y hindi pa man buhay ang kanyang mga obra ay patay na sa paningin ng madla. Naniniwala siyang bukas pagdating ng araw bubuhayin din ito ng hambalos ng panahon. Kakampi niya ang kanyang pluma sa pagguhit ng kanyang nakatagong damdamin.
Si Rajan Mamadra. Kilala sa tawag na Ram. Bente dos. Tubong Mindanao. Pinanganak sa Sultan Kudarat. Lumaki sa Cotabato at namulat sa Maguindanao. Hindi isang Wednesday, November 23, 2011
Gusto Kong Maging Guro (?)
Napagawi sa kama’t sa kumot
Agad bumaluktot
At muling napabalik-tanaw
Sa mga alaala na bigla na lang sumusulpot
Sa gitna ng pangungulangot..
FLASHBACK :
Ang setting : sa loob ng classroom. Nagkaklase ang nagmamagaling na titser, na nasa dapit-hapon na ng kanyang layp! Insyort, tandang na si Mam. Yung tipong 100 Days to go na lang ay mag-iexpire na ang lola at babu na papuntang heaven. (100 Days to Heaven??? Magwawakas na mamayang gabi. At nagpromote lang.)
TITSER : Ano ang gusto niyong maging paglaki niyo?
JUAN : Mam, ako doctor, para magamot ko ang mahihirap.
MARIA : Ako Mam, guro, tulad niyo po.. Para makapagturo sa mahihirap.
PEDRO : Abogado naman yung sa akin Mam! Para maipagtanggol ko yung mahihirap.
AKO : Mam, ako, gusto kong maging mahirap! Para HAYAHAY!!!
Korni! Kaya babalik ako sa totoong paksa, bago pa man kayo ma-highblood at isumpa-to-death niyo pa si ako. Heto na---
Sa bawat normal na bata, sa murang edad pa man ay mayroon na iyang naka-impost (shocks!!! What’s ba the teygeylog of impost? I forgot kase eh..) na pinapangarap na propesyon paglaki. O kung di man lumaki gaya ni Dagul, pagtanda na lang..
Wansapanataym, nung bata pa me, tuwing tinatanong ako kung ano ba ang kukunin kong kurso sa hinaharap. “I want to be an artist!”--- yan ang lagi kung isinasagot! Sosyal lang noh? Artist talaga. Ang ibig ko talagang ipabatid, gusto kong maging artista. Unang-una kase ang inaakala ko, inaaral yung pag-iinarte. (Well nowadays inaaral na nga naman talaga iyon.) Pangalawa, ang buong akala ko, ang ingles ng artista ay artist. Magkatunog kase eh. (Isa pang well, parang ganun na rin yun.. Whatever!)
Dahil nga sa makapal talaga ang fez ng blogger na ito at sadyang ambisyo to da maks, sinubukan ko lang naman na mag-audition sa PBB (no juk!) Over qualified daw! Baka di daw kayanin ng mga viewers ang level ng handsamity ko, kase di pa raw nauuso ang ganitong itsura. Kaya LIGWAK! At binitawan ko na nga ang pangarap kong pag-iinarte.
Fourt-Year High School, moment of time yan ng tanungan kung ano ang kukuning kurso pagtungtong ng kolehiyo. Pabonggahan sa klase. Si ganito, engineer. Si ganyan, abogado. Si manyak, doctor, para marami daw ang kita. At ako? Tsaraaaan--- HOTCHEL AND RESTCHAURANT MANAGEMENTC!!! (Hotel and Restaurant Management) Required lang yung /t/ sound para pangmayaman yung tunog ng kurso. At dapat din, pasigaw yung pagbanggit ng management para mas achieve na achieve..
At nagtapos nga ako ng HOTCHEL AND RESTCHAURANT MANAGEMENTC. Agad na nakapagtrabaho. Pero, subalit, ngunit, nadama ko na lamang na parang hindi talaga yun yung pinapangarap kong propesyon. Tanga noh? Matapos ang ilang taong pag-aaral, saka ko pa naisip yun--- nung nasa trabaho na ako.
“Hindi ito yung buhay na pinapangarap ko! Hindi ditto yung sulok kong takda. O ditto ba? O ditto ba ang sulok kong takda? Sa ilalim ng araw? O ditto ba?”--- ang litanya ko. (KANTA?)
Ang banat ko pa--- "Sa susunod na semester mag-eenroll ako. Mag-aaral ulit ako—ng pagka-GURO!"
At nag-enroll nga ako ng BEYTCHELOR OF SECONDEYRY EDUCAYTIONNNN MAJOR IN FILIPINO!!! (Bachelor of Secondary Education)
Sana ito na talaga! SANA...

Subscribe to:
Posts (Atom)