Showing posts with label ANG AKiNG iNA. Show all posts
Showing posts with label ANG AKiNG iNA. Show all posts

Friday, July 19, 2013

Ang Minsang Ipinagkait Bukas Makakamit..

"Uuwi na ang tatay mo." Maiksing textmessage na natanggap ko mula kay nanay. Ito na ata ang pinakamagandang balitang natanggap ko ngayong taon. Panigurado, nakapagdala din ito ng napakalaking kagalakan kay nanay. Naiisip ko ngang nakalabas na ang ngalangala niya sa pagtawa dahil sa positibong emosyong nararamdaman niya sa mga panahong ito.
Bakit nga ba naman hindi? Halos labing-anim na taon ding hindi sila nagkita. Kung susuriin, mas mahaba pa ang panahong nagkalayo sila kesa sa panahong pinagsamahan nila. Labing-anim na taong "Long Distance Relationship" ang tema ng kanilang lovestory.
Malungkot mang isipin, kailanma’y di nabuo ang pamilya namin. Grade one pa lang ako nang mangibang bansa si nanay. Ang kapatid ko, sa ibang pamilya naiwan. Ako naman, nasa pangangalaga ng kapatid ni tatay. Tapos si tatay, kung saan saan nagliwaliw. Ewan ko, basta ang sabi ng mga kamag-anak namin, nagbuhay binata daw uli siya. Nagbisyo— droga, sugal, alak.. Lahat na. Ang bukod tanging di ko narinig ay ang nambabae siya. Hindi kami nabigyan ng pagkakataong maging close ni tatay. Paano ba naman? E minsan lang siyang magpakita. Nasanay na akong walang tatay. Mas nasanay akong walang nanay. Alam mo yung pakiramdam na wala akong masasayang alaala na kasamang kompleto ang pamilya ko.
Nung papauwi na ng Pinas si nanay, si tatay naman, kaaalis lang papuntang abroad. Nakakatawang nakakainis. Pakiramdam ko, pinaglalaruan at pinagkakaitan sila ng tadhana. Pakiramdam ko, tinatanggalan kami ng karapatang mabuo. Kapiling nga namin si nanay. Magkakasama nga kaming tatlo— ako, ang kapatid ko at si nanay.. Si tatay na naman ang kulang.
Di ko maiwasang isipin na parang andaya-daya naman. Ang mga kaklase ko, buo ang pamilya tuwing parents day. Wala din akong makitang family picture namin sa sala. Napaka-unfair di ba?
Pero bukas.. Matapos ang labing-anim na taon, makakamit ko na ang isang bagay na ipinagkait sa akin. Mabubuo ulit kami.
Sa wakas, makikita ko na ulit si tatay.. Bukas.

Wednesday, May 1, 2013

Hindi Ako Naririnig Ni Nanay

“Mahal na mahal kita nanay!”
Sinambit ko naman kay nanay paborito kong katagang walang sawang ipinararating sa kanya. Paulit-ulit. Hindi ko na mabilang. Pero kung sa palagay niyo’y narinig niya ito. Hindi. Isang napakalinaw na hindi. Kung bakit? Narito ang kwento..

Labinlimang taong gulang pa ako noon nang gimbalin ako ng balitang wala ng pandinig si nanay. Sa mga panahon iyon, siya’y nasa ibang bansa. Namamasukan bilang DH. Mga dalawang taon na pala siyang walang pandinig. Hindi niya agad ipinaalam. Ayaw na niya raw kaming mag-alala pa. Ang totoo, kung hindi pa ako nakatanggap ng sulat mula sa kanyang mabuting katrabaho at kaibigan ay hindi ko pa malalaman ang masalimuot niyang sitwasyon.

Kaya pala halos mga dalawang taon din akong hindi nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Kaya pala hindi na niya kami kinukulit hingan ng voice tape, gaya ng lagi niya pahabol sa mga luma niyang sulat.

Ipinanganak na may pandinig si nanay. Ang alam ko, medyo mahina lang ito. Pero kahit paano’y nakakarinig pa naman siya ng may kalakasang tunog at salita. Lumala daw ang simpleng sakit niyang ito, hanggang sa tuluyan na ngang nawalan siya ng pandinig.

Hindi pa tapos ang kontrata ni nanay ay pinauwi na siya ng kanyang among lalaki dito sa Pinas. Ito’y hindi dahil sa kanyang kapansanan kundi dahil may isang sekrito siyang aksidenteng nalaman na maaaring ikasira ng pinapasukang pamilya.

Saya at lungkot ang naramdaman ko nun. Masaya dahil matapos ang halos sampung taon, makikita’t makakasama kong muli ang aking mahal na ina. Malungkot dahil tyak ko, mapapahinto ako sa aking pag-aaral. Si nanay lang naman kase ang inaasahan namin ng nag-iisa kong bunsong kapatid.

Tandang-tanda ko pa, ako ang sumundo kay nanay sa airport.. Isang salita lang ang makakapagbigay kahulugan sa nararamdaman ko ng mga sandaling iyon— “pananabik”. Nang muli kaming magkita’y ipinadama namin ang di maarok na pangungulila sa pamamagitan na napakahigpit na yakap sa isa’t-isa. Kalakip ng aking yakap ang katagang “Miss na miss na kita nanay!” Alam kong hindi niya ako naririnig. Pero siya walang kamalay-malay sa alam ko.

Matapos ang ilang segundong yakapan, nagkusa akong bumitaw sa pagkakayakap. Hinarap ko siya at binigkas ko nang buong tamis ang salitang kanina ko pa binabanggit— “Miss na miss kita!” Alam kong di pa rin niya ako naririnig pero sa linaw ng pagkakabuka ko sa aking mga labi ng sambitin ko ang mga katagang iyon, sigurado akong maiintindihan niya ito. Rumihestro ang mga guhit sa kanyang noo.. Wala man sinambit, banaag ko ang nais niyang malaman— kung alam kong wala na siyang pandinig. Tumango lang ako.. Napaluha siya. Di rin mapigil ng mga mata ko ang kanina pa gusto kumawalang luha. Nagkaintindihan kami at muling nagyakapan na animo’y wala ng bukas.
Muli kaming namuhay sa iisang bahay. Ako, ang kapatid ko, at si nanay. Nakasama uli namin siyang matulog, nakasalo sa hapag-kainan, nakasamang manood ng tv, nakausap— pinakinggan namin ang bawat kwento ng pakikipagsapalaran niya sa mundo ng mga dayuhan. May masasaya, may masasalimuot. Pinakinggan niya rin ang kwento naming magkapatid, ang paghihirap na dinanas namin nang mawalay kami sa kanyang piling. Nakinig siyang may emosyon ng kapighatian. Nakinig siyang hindi gamit ang kanyang tenga. Nakinig siyang gamit ang puso ng isang ina.

Bilib ako kay nanay. Saludo ako sa kanya. Na sa kabila ng kanyang pisikal na kakulangan, hindi siya nagkulang sa pagtataguyod sa aming magkapatid habang wala si tatay. Mag-isa niya kaming iginapang. Doble ang inako niyang tungkulin— ina at maging ang isang ama. Nagtinda siya ng kung ano-ano, kaya naman nagkamali ako sa inakala kong mapapahinto ako sa aking pag-aaral.

Minsan may program sa school. No choice ang departamento namin nun kaya ako ang napiling isabak sa isang singing contest. Siyempre, inimbitahan ko si nanay. Dama kong siya pa ang mas higit na nakakaramdam ng kaba kesa sa akin. Dahil wala naman akong talento sa pagkanta, ang ending, ako ang nasa panghuling pwesto. Muntik pa ngang magwala nun si nanay. Muntik niya ng awayin ang judges. Nadaya daw ako. Nanood daw siya kaya alam niyang ako ang pinakamagaling. Sabi ko nga, buti na lang at bingi si nanay kundi itinakwil niya na ako sa pagpapahiya ko sa pamilya nang mangahas akong sumali sa singing contest.

Madalas kong pagmasdan si nanay sa tuwing siya’y nasa kasarapan ng pagtulog. Minsan naiiyak na lang ako. Naaawa. Naiisip ko ang lungkot na nadarama niya sa araw-araw dahil sa katotohanang mas madalas sa oo ay hindi niya kami maintindihan. Napakasakit isipin iyon. Para akong winawasak.

Araw-araw lahat ng tao sa paligid niya’y nagsasalita pero wala siyang boses na naririnig. Nakakahabag, lalo tuwing may pagtitipon kaming magkakamag-anak. Madalas walang pumapansin sa kanya. Bihira lang ang nagtitiyagang kausapin siya. Masakit pa nun, nagiging tampulan pa siya ng mga tukso.

Nang lumaon, naging mainitin ang ulo ni nanay. Minsan daw kase, di niya mapigil ang sariling mainis. Nakakagalit daw ang ganung kalagayan na minsan ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang mga nararamdam. Naiintindihan ko siya. Napakahirap nga naman ang ganung sitwasyon. Iyong minsan ay kailangan ko pang isulat sa papel o i-type sa cellphone ang mga salitang nais naming ipabatid para lang maintindihan niya. Iyong minsan ay hindi niya mahabol ang usapan ng mga artista sa paborito niyang teleserye. Lalo na pag koreanobela.

Sa kabila ng kanyang kakulangan sa ibang aspeto, sinikap ni nanay na di siya magkulang sa aspeto ng pagiging ina. Para sa akin, isa siyang napakagiting na ina. Tampulan man siya ng tukso. Inaalisputa’t nililibak man siya minsan, hindi man perpekto, mainitin man ang ulo, siya parin ang itinuturing kong bayani ng aking buhay. At kung posible lang na ipagpalit ang pandinig, di ko ipagdadamot ang pagsasakripisyo ko ng aking mismong pandinig. Deserve niyang marinig ang minsa’y magulo subalit napakakulay na musika ng buhay!

Mabuhay ka nanay!

Monday, April 22, 2013

Ang Aking Hindi-Masyadong-Pakialamerang-Ina


Gaya nga ng naunang naikwento ko, matagal na kaming naghihintay ng anak ni Misis. Mga dalawang taon din. Kaya ganoon na lamang ang aking kaligayahan nang malaman kong siya’y nagdadalantao. Naglilihi pa lang siya’y pareho na naming hindi maitago ang excitement na nararamdaman kung ang sanggol ba na nasa kanyang sinapupunan ay babae o lalaki. Ang gusto ni misis, babae para daw mas close sa akin at masarap bihisan. Sabi ko naman, kahit ano, basta normal at healthy. Hindi na ako choosy.
Pinlano naming magpa-ultrasound. Pero hindi iyon ganun kadali.
Kasabay ng mainit na isyung panunutol sa pag-iibigan ng mga magulang ng dating naging parte ng sexlife ko na Heart Evangelista at ng kanyang batang-batang boyfriend na si Chiz Escudero ay naging mainit din sa bahay ang isyung panunutol ng aking “hindi-masyadong-pakealamerang-ina” sa plano namin.
Na-immune na ako sa favorite past time ni madir na pangengealam. Ang hindi ko lang talaga lubos na maintindihan ay kung ano ang dahilan sa pag-aalburoto ng kanyang tinggil nang malaman niya ang aming plano. Hindi maarok ng malawak kong pang-unawa kung bakit tutol na tutol siya sa ideya ng pagpapa-ultrasound. Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang logic sa konseptong bad vibes daw iyon.
Hay naku! Muntik na talagang sumabog ang lahat ng ugat sa tarugo ko sa bawat rebelasyon ni inay patungkol sa mga bagay na ito— na kesyo daw nabuhay naman daw kaming mag-asawa sa kanilang sinapupunan ng walang nagaganap na ultrasound. Ang sarap lang sagutin na nung panahon talaga ni lapulapu, hindi pa iyon nauuso. Sabi pa, bakit daw hindi na lang kami maghintay? Na kung babae, e di okey, kung lalaki, e di okey!
Ginamit ko na ang pinakatinatago kong galing sa pag-i-explain. In-apply ko na rin ang natutunan kong “Strategies of Teaching” mula sa kinukuha kong kurso. Pinilit kong ipaintindi sa kanya ang konsepto ng tinatawag na ultrasound. Na hindi lang naman yung kasarian ng sanggol sa sinapupunan ni Misis ang gusto naming malaman. Na gusto lang naming makasigurado kung okey ba yung kinalalagyan ng sanggol. Normal ba? Hindi ba namin kailangang maalarma kung suhi ba o kung ano.
Isang umaalingasaw na “Ah basta hindi! Hindi ako papayag. Walang magaganap na ultrasound. Subukan lang ninyong kontrahin ang kagustuhan ko at isusumpa ko kayo!”
Nanlumo ako sa mga binitawang kataga ni mader. Jusko! Utrasound lang, isusumpa na kaagad? Yan ang nanay ko. OA.
At dahil nga masunurin akong anak at takot na takot kami sa sumpa ay itinuloy namin ang aming plano. Ang alam ko para to sa kapakanan ng bata sa sinapupunan ni Misis. Hindi ito patungkol sa excitement naming mag-asawa. Hindi ito patungkol sa aking nag-kokontrabidang ina. Para to kay baby!
Salamat, dininig ng nasa itaas ang gabi-gabi kong ipinagdarasal na nawa’y normal ang sanggol. Tuwang-tuwa si Misis, babae ang nasa kanyang sinapupunan. At dalawang buwan na lang ay masisilayan na namin ang pinagpawisan naming finish product. Yun oh!

Friday, September 7, 2012

Sa Pusod ng Karagatan

 Mahal ko ang dagat. Dahil ako si Marimar at may lahi akong syokoy. Talagang mahal ko lang ang dagat.


Yung amoy kase nito, parang laging hini-hypnotize yung katawang lupa ko. Ang mga buhangin, para lang koneksyon ng aking kaluluwa. At ang bawat hampas ng alon, parang karugtong naman ng puso ko. Oo! Ganyan kasimple mag-inarte.



Noong nakaraang Linggo ay Eidl Fitr naming mga Muslim. Iyon ay ang pagtatapos ng aming pag-aayuno. Pinaghahandaan ito nang bonggang-bongga ng mga royal blood na Muslim. At dahil nga sa isa kami sa angkan ng dugong maharlika ay nagplano kaming mag-beach party.



So ayun, nagsplit with kandirit kami papuntang beach. Medyo nakaka-sad lang dahil, di nakasama si Misis, may appointment lang ang gaga. Tapos nakalimutan ko pa yung mamahalin kong trunks na balita ko e dalawa lang ang ganung trunks sa buong mundo. Ang isa e nabili ni Justine Bieber. Chika lang! Dahil sa naiwang trunks ay di na ako naligo. Oo, nag-inarte ako. Ang ginawa ko lang sa dagat nang maghapon e kumanta-kanta nang naglalakad habang hinahangin-hangin yung buhok ko at yung polo ko na naka-unbotton. At paminsan-minsan ay nagtatapon ng bato sa may dagat. Music Video lang ang peg?



Bukod dun e siyempre, hindi kompleto ang kaartehan pag walang picture-picture kaya inilabas ang mamahaling DSLR camera Joke lang, cellphone lang daw! Narito ang ilan sa mga kuha ko:


Ayan ang dagat. Sugod, Maguindanao Resort. Oh di ba? Taray. Pangalan pa lang, susugurin mo na. Nevermind na kung hindi white sand at walang chix na naka two-piece at kita yung pisngi ng wetpu. Ang importante, malinis ang dagat at presko ang simoy ng hangin.
Hiyang-hiya naman si Direk Ramsey sa pose na ito. Stolen shot yan. Pinaghandaan nga lang. Haha. Nag-sa-sunbathing. Kakaibang sunbathing dahil sa may lilim ng isang puno. E sensitive ang skin ko sa araw e. Chos!
Ok na sana. Kaso um-epal pa ang nanay kong panira ng moment. Makalipat na nga ng ibang pwesto.. Yung walang nanay na bigla-biglang sumisingit.
Sabi ng pinsan ko, magpose daw ako na parang Survivor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa suggestion niya o maiinsulto. Kase para nga naman talaga akong Survivor dito— Survivor ng lung cancer. Payat na payat. Ayan o, angat na ang balikat. Long legged naman. Hmp.
At ang anghel sa buhay namin, ang makulit kong baby boy na kasing payat din ni daddy. May future pa atang maging syokoy.. (wag lang maging sirena, baka tuluyan ngang magka-cancer si daddy) Tuwang-tuwa sa tubig e. Ayaw ng umahon. Sayang nga lang at wala ang kanyang mommy.

Ayan ang masayang bakasyon ko sa Maguindanao. Ang ending, isa na akong ganap na Negrito de Baluga sa kasalukuyan. Malay ko bang di pala pwedeng gawing sunblock ang mantika? Di ako na-inform. At di ba nga, sensitive ang skin ko?








Tuesday, May 15, 2012

Sa Aking Pagtanda (A poem that every child should read)


HAPPY MOTHERS DAY!!! Oo ako na ang late Rizal Bagong Salsal!

Wala akong maisip na ipost for mudras day kaya let me repost this one. Inglis ng konte. Arte lang!

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag
ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity
ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko
maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo
naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit
nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay
ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako
man ay nagiging makulit at paulit ulit na
parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo
nalang ako.
Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag
gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo
nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo
sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako’y masungit, dala na marahil ito ng
katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong
hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang
pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y
magkakasakit at maratay sa banig ng
karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan.
Pagpasensyahan mo na
sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa
mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan .
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na
ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ina…
—if you were touched by this beautiful piece of literature then do SHARE it. Ingles uli. Ang arte ko. Makarepost lang

Friday, November 18, 2011

AT ANG iSA PANG KWENTO NG iSANG OFW..


Nakakasiguro akong wala na ngang sulok ng mundo na pinatawad pang sugurin ng mga Noypi. Mga kababayan na nagtitiis tu da maks para sa iisang layunin--- una, ang magkaroon ng pera. Pangalawa, ang magkaroon ng maraming pera. At pangatlo, ang magkaroon ng maraming maraming pera.

Minsan na ring naging OFW si madir. Mahigit labindalawang taon na nagtiis sa lakas ng putok ng mga arabo.

Sa kasalukuyan si fadir naman..

At ako? Nakahanda na rin ang pasaporte at meybi wan ob dis dey ay tuluyan ng magiging kasapi sa mga pederasyong nag-alsa balutan na ika nga'y mga "bagong bayani agbayani".

Mag-aabroad ako sa Afghanistan, or sa Syria, or sa Libya, or sa Lebanon.. (Pakamatay???!)

O di kaya sa Azerbaijan, para mahirap ipronawns.. so achieve na achieve ang pagiging sosyal pag may nagtanong..

"San ka nagwowork ngayon tol?"

"Ah.. Sa Azerbaijan lang naman.."


May isa akong kaibigan na biniyayaan ng kalangitan ng ibayong kakulitan.Ifeature ko daw sa isa sa mga blogs ko. Ilusyunada! Pero dahil isa nga siya dun sa lilima ko lang na tagasubaybay e pagbibigyan ko na. May choice pa ba ako? Baka yung limang mambabasa ko, maging apat na lang pag nagkataon.

May kaiksian lang to. (nagmamadali! May lakad ako.. Hahaha.)

Itago natin siya sa pangalang Yannie. Isa pa sa mga milyong milyong ambisyosang Pinay na nangangarap bumigtaym. At naging ganap na ngang OFW. Na sa gitna ng mga split ends at patay na kuko at namumulok na ngipin ay hayon.. nagbanat ng buto para sa pamilya. At para sa sarili na rin por syur!

Isang modernong kalahi ni Eba na minsang nainlababu sa isang tomboy (maisingit lang para humaba.)

Balik tayo sa pagiging OFW niya. Matanong ko lang, gaano nga ba kalakas ang putok ng mga arabo? At totoo bang sing laki ng dos por dos ang kargada ng mga kalalakihan nila? Gipted..

Pagbalik niya ng Pinas. Nakikini-kinita ko na ang mga eksena niyan. Por syur, isa yan sa "babalik ka rin" krawd na magmimistulang may sakit sa atay at naninilaw dahil sa dami ng gold sa katawan.. Buhok na nakalugay na kulay pula dahil sa henna (patyal). Nakaleather jacket, damit na katerno ang palda, pamatay sa tulis at habang takong ng sandal, rayban na minsang ipapatong lang s ulo.. At kiyembot!

Mabuhay ka Yannie!

Mabuhay ang lahat ng OFW na nagtitiis sa lakas ng putok ng mga arabo!

Mabuhay!

Tuesday, November 16, 2010

A Message From My Mom!

Tel ni Aiko (my younger sister..) dito ka raw mag-New Year kase pag wala ka dito, di ako maghanda.. Kase mamimiss lang kita! Promise!


A short message but I almost cried!


Miss my family, especially my mom!


Sana magkakasama-sama kami ngayong New Year but it's impossible..!

Sunday, November 14, 2010

Laban ni Pacman, Wagi na Naman!

Laban ni Pacman, Wagi na Naman!

by Ram Mamadra on Sunday, November 14, 2010 at 4:08am
Around 10am habang nasa kalagitnaan ako ng pag la labadami labango, bigla kong naalala laban pala ni Pacman ngayon! Napatigil ako, dinampot ang cellphone. Sabay text kay ermat..

AKO : Ina musta ang laban ni Pacquiao?

INA : Di pa nag i start e, pero dami ng tao dito.. nakikinood. Mga hampaslupa!

AKO : Ah dito di ako makapanood e. Di pa kase nauuso ang tv sa boarding house. Asar!

INA : Balitaan na lang kita anak!

AKO : Tenkyu! Balitaan mo ako kung sino ang kumanta ng 'Bayang Magiliw'. Kung bumirit ba? tapos napiyok. O may nakalimutan bang linya. O baka iniba na naman ang tono!
Oo, mas excited ako sa kakanta ng 'Bayang Magiliw' na yan! Kesa sa laban mismo ni Pacman. Confident naman ako na itataas niya uli ang bandila ng mga Noypi! Congrats Pacman.. Ang dami mo na namang aambunan..

Sunday, October 31, 2010

Nawalan Ka Na Ba? Biktima ka!


Pag ang pera ang nawala, pwede mong pag-ipunan. Mga ilang taon, buwan o araw, maibabalik na. Pag gamit naman, pwedeng hanapin. May pag-asang maibalik sa'yo!

Pero pano pag yung tiwala sa'yo ng ibang tao ang nawala?

Mahirap yung ibalik. O hindi na nga maibabalik! Para kase yang salamin eh.. Sabi nga ni Lady Gaga, "you can fix it, but still it's broken." Para din yang sugat. Pwedeng paghilumin ng panahon, pero may bakas pa rin. May peklat na!

Minsan magtitiwala ka sa isang kaibigan. Dahil nga kaibigan, ituturing mong hindi na iba. Kung anong pwede mong ibigay, ibibigay mo.

Pero unti-unti makikilala mo siya. Akala mo may konteng yabang lang. Inintindi mo. Kaibigan nga di bah? Akala mo dati, sadyang makwento lang. Na kesyo ganito daw siya. Ganyan! Hanggang sa maiisip mo na --- "uy di na to totoo. Infairness, magaling siyang maghabi ng kwento hah. May future siyang maging scripwriter!"


Naalala ko bigla ang pangaral ng nanay ko..

"Anak, wag na wag kang gagawa ng kwentong kasinungalingan hah. Dahil ang sinungaling, kapatid ng magnanakaw."

Maraming kwentong akala mo konteng yabang lang. Baka mapaniwala ka tapos isang araw bigla ka na lang mawawalan. kung kailan huli na, na nagtiwala ka na sa taong ito. Saka mo masasabing..

"Nabiktima ako!"



Friday, March 12, 2010

Suspetsa Ni Ermat

"Uwi ng maaga."
"Sigurado ka sa skwela ang punta?"
"Project ba talaga to, o pangbarkada?"
"Iinom na naman kayo ano?"
"Bakit hindi ata nababawasan ang account mo sa school?"
"Binawasan mo na naman ata ang pera sa wallet ko!"

Hay naku! This dialogue you hear is overly used by my mom at my house. Yeah, sometimes how I wish I have lost my sense of hearing, or siya yung mawalan ng boses bigla. Paulit-ulit na lang kase. Parang pirated na cd. There are times that I am wishing to be in a different world where mother does not exists. Yung tipong hindi uso ang mga mapaghinalang nanay.

Problem is-- my mother is always acting suspicious of my whereabouts and stuffs.

"Perhaps she thinks you're trying to hide something from her" --- my own conscience commented.
"..mothers' instincts can be deadly accurate."

"oo nga naman.." ang sagot ko sa konsensya ko.

Kaya ngayon, nasanay na ako.. Pag nagsisimula ng magsuspetsa ang nanay ko, tatahimik na lang ako. I am trying to be more calm. Very calm. Minsan mapapangiti ako, sabay bulong na..

"Hay, tompak na naman ang suspetsa ni ermat!"



I LOVE YOU MOM! =)

Wednesday, March 10, 2010

Masarap Ang Bawal

9th day of March pala kahapon. See, I almost forgot it na naman. Stupidity right? Or let me say, I'm just but a damn freak boyfriend para kalimutan ang monthsarry namin ng girlfriend ko. Yeah! Damn freak nga it's because I don't even know kung ilang months na nga kami. 7, 8 or 9 months. Whatever! Basta every 9th of the month ang monthsarry namin. Period. Ang sama ko kase ni hindi man lang ako nag-abalang maggreet or even text.

I never told my parents about her. Ay di nga pala. I have told my mother before. What she said? A big NO! And she keeps telling me to avoid her. My mom talaga, she's so OA.. She's a monster mom pero love ko ang monster na to. She's acting overprotective and always forbidding me to meet or even talk to that girl anymore. Anyway, naiintindihan ko naman siya. I do believe that she know better than I do and mom always knows best! I know well that my mom would not object if my partner was a good one. That's the bottomline here.. Hehehe!

Akala niya siguro, kinacareer ko na ang relationship na ito. Ofcorse not! It just a.. Hindi ko madescribe.. Basta yun na yun.. Whatever relationship it is.. Basta OK na magkita kami, OK na hindi.. Ayun yun. But atleast umabot kami ng ilang months. Call me walang-hiya or makapal, I admit it! Wala lang talaga sa list of priorities ko sa ngayon ang seryosong relationship. Dadating tayo diyan, but absolutely.. hindi pa sa ngayon. Never! Infairness with her, di ko naman siya niloko or niloloko because at the very first place, alam niya to. And honest ako simula nung mag-umpisa ang relationship na to.

Now I feel guilty about my mom. I know, I'm not a kid anymore. -I'm 20- Pero syempre nakakaramdam pa rin ako ng pagkaguilty. Kase akala niya, wala na nga. what she didn't know is that sometimes nagkikita pa rin kami. And I tell you honestly, our romance is a risky business at my age. You know what I mean. Healthy relationships rarely start out as forbidden secrets. sabi nga nila, "masarap ang bawal.." tama, masarap nga ang bawal! At mas challenging pag patago di bah? Mas thrilling. Pero syempre, I know my boundaries. I know my limitations. mas mahal ko ang mom ko. Mas mahal ko ang future ko. Anyway, in the first place, did I told you ba na mahal ko nga ang girl na to? Hahaha..