Laban ni Pacman, Wagi na Naman!
by Ram Mamadra on Sunday, November 14, 2010 at 4:08am
AKO : Ina musta ang laban ni Pacquiao?
INA : Di pa nag i start e, pero dami ng tao dito.. nakikinood. Mga hampaslupa!
AKO : Ah dito di ako makapanood e. Di pa kase nauuso ang tv sa boarding house. Asar!
INA : Balitaan na lang kita anak!
AKO : Tenkyu! Balitaan mo ako kung sino ang kumanta ng 'Bayang Magiliw'. Kung bumirit ba? tapos napiyok. O may nakalimutan bang linya. O baka iniba na naman ang tono!
Oo, mas excited ako sa kakanta ng 'Bayang Magiliw' na yan! Kesa sa laban mismo ni Pacman. Confident naman ako na itataas niya uli ang bandila ng mga Noypi! Congrats Pacman.. Ang dami mo na namang aambunan..