Isa na lang ang di niya pinasok, at never na never daw niyang papasukan --- ang maghugas ng pinagkainan. Ambisyoso di bah?
Out of my curiousity, tinanong ko siya kung baket naman??? Naisip ko kase baka may matinding pait na karanasan ang taong ito sa paghuhugas. O may phobia kaya sa mga pinggan? Sa plato kaya? O baka naman sa mga kutsara't tinidor? Meron bang ganun?
Ang prinsipyo kase ng animal na ito, pag naghuhugas siya ng pinggan e awang-awa siya bigla sa sarili niya. Napapasenti siya ng wala naman sa oras at wala din naman sa lugar. Feeling daw niya, siya ay isang hamak na aliping sagigilid o aliping namamahay pag ginawa niya ito.
Kaya naman matapos kung marinig ang prinsipyo niyang iyon, pag-uwi ko isang araw sa aming mansiyon..
AKO : Mommy, from now on, never command me to wash our eating utensils. As in never! Capital N-E-V-E-R with 3 exclamation point! NEVER!!!
NANAY : Adik ka? At bakeeet???
AKO : Dahil hindi ako aliping sagigid o aliping namamahay.
NANAY : At kaylan at saan mo namang website naresearch ang impormasyong iyan? --- na ang mga aliping sagigilid o aliping namamahay lang ang may karapatang maghugas ng pinagkainan abeer?
AKO : Kani-kanina lang. Kay Sir tot tot. Titser ko sa Economics.
NANAY : Talaga? sinabi niya talaga yun? Oh sige, magpaorder ka ng limang trak ng pinggan, pitong-po't pitong karton ng kutsara't tinidor, isang barkong baso, at tatlong-pot apat na sakong platito. Now na! Simula ngayong araw na ito, never na tayong maghuhugas ng pinagkainan. Pagkatapos kumain, itapon kaagad sa basurahan ang mga pinagkainan. Intiendezzz?
Nakakatuwa kase dati hinding hinding hindi mo ako mapapahugas ng pinagkainan. (Nung di ko pa nakalap ang impormasyong iyon sa hinayupak na titser ko sa Economics.) Ang banat ko pa --- "pag-araruhin niyo na lang ako ng sampung ektaryang palayan, wag lang ninyo ako ng gawing dishwasher, utang na loob!"
But then now??? I ended up founding myself doing it! (uminglis???)
Pero guys seryoso ito hah.. Ang isa talaga sa pinakamahirap na weekly task ni big brother sa pinagtatrabahuan ko e ang paghuhugas ng pinagkainan ng ibang tao..
Minsan sa isang linggo (o pag minalas-malas ka dahil may hayop na nag-AWOL na dishwasher sana, dalawa o tatlo sa isang linggo) nagiging task ko ang dishwashing. Pitong oras iyon ng party-party with the eating utensils. Akalain mo yun???
Mahirap pero masarap! Parang exercise. Pagpapawisan ka ka at masasabi mong "Oh yeah, dishwashing is exhilarating, isn't it???" Pero bukod pa dito, binibigyan ka ng chance na magreflect habang nagdidishwashing. Importante iyon sa buhay ang makapag reflect. Para naman may matutunan ka kunwari sa buhay! Dahil pag hindi ginamit ang utak sa pag-iisip e naku! Diyos ko! baka kalawangin yan.
Naisip ko, ang paghuhugas pala ng plato, baso, kutsara, tinidor, atbp ay parang buhay..
Kailangang may diskarte ka kung paano mahuhugasan ang mga ito ng malinis at mabilis.. Aalamin mo kung alin ang dapat na unahin. Minsan makakaramdam ka ng pagod. Mawawalan ka ng lakas. Minsan din makakaramdam ka ng gutom. Mawawalan ka ng lakas. Pero nasa sa iyo iyon kung titigil ka at sasabihing, "ayoko na, pagod na ako!" Minsan naman makakabasag ka at pag minalas-malas pa, masusugatan. Gaya ng buhay, hindi madali. Mahirap ang bawat hamon. Marami ka munang pagdadaanan bago makamit ang mga minimithi sa buhay!
At gaya ng paghuhugas ng pinagkainan, gaano man katambak at karumi ang mga ito, para saan pa't matatapos at malilinis mo rin. Bastat may sipag at tiyaga ka lamang!
Sabay sabay.. CHARRRRRRRRRR!!!