Napagawi sa kama’t sa kumot
Agad bumaluktot
At
muling napabalik-tanaw
Sa mga alaala na bigla na lang
sumusulpot
Sa gitna ng pangungulangot..
FLASHBACK
:
Ang setting : sa loob ng classroom. Nagkaklase
ang nagmamagaling na titser, na nasa dapit-hapon na ng kanyang layp!
Insyort, tandang na si Mam. Yung tipong 100 Days to go na lang ay
mag-iexpire na ang lola at babu na papuntang heaven. (100 Days to
Heaven??? Magwawakas na mamayang gabi. At nagpromote lang.)
TITSER
: Ano ang gusto niyong maging paglaki niyo?
JUAN
: Mam, ako doctor, para magamot ko ang mahihirap.
MARIA
: Ako Mam, guro, tulad niyo po.. Para makapagturo sa
mahihirap.
PEDRO : Abogado naman yung sa akin
Mam! Para maipagtanggol ko yung mahihirap.
AKO :
Mam, ako, gusto kong maging mahirap! Para HAYAHAY!!!
Korni!
Kaya babalik ako sa totoong paksa, bago pa man kayo ma-highblood at
isumpa-to-death niyo pa si ako. Heto na---
Sa bawat normal
na bata, sa murang edad pa man ay mayroon na iyang naka-impost
(shocks!!! What’s ba the teygeylog of impost? I forgot kase eh..) na
pinapangarap na propesyon paglaki. O kung di man lumaki gaya ni Dagul,
pagtanda na lang..
Wansapanataym, nung bata pa me, tuwing
tinatanong ako kung ano ba ang kukunin kong kurso sa hinaharap. “I
want to be an artist!”--- yan ang lagi kung isinasagot! Sosyal lang
noh? Artist talaga. Ang ibig ko talagang ipabatid, gusto kong maging
artista. Unang-una kase ang inaakala ko, inaaral yung pag-iinarte. (Well
nowadays inaaral na nga naman talaga iyon.) Pangalawa, ang buong akala
ko, ang ingles ng artista ay artist. Magkatunog kase eh. (Isa pang well,
parang ganun na rin yun.. Whatever!)
Dahil nga sa makapal
talaga ang fez ng blogger na ito at sadyang ambisyo to da maks,
sinubukan ko lang naman na mag-audition sa PBB (no juk!) Over qualified
daw! Baka di daw kayanin ng mga viewers ang level ng handsamity ko, kase
di pa raw nauuso ang ganitong itsura. Kaya LIGWAK! At binitawan ko na
nga ang pangarap kong pag-iinarte.
Fourt-Year High
School, moment of time yan ng tanungan kung ano ang kukuning kurso
pagtungtong ng kolehiyo. Pabonggahan sa klase. Si ganito, engineer. Si
ganyan, abogado. Si manyak, doctor, para marami daw ang kita. At ako?
Tsaraaaan--- HOTCHEL AND RESTCHAURANT MANAGEMENTC!!! (Hotel and
Restaurant Management) Required lang yung /t/ sound para pangmayaman
yung tunog ng kurso. At dapat din, pasigaw yung pagbanggit ng management
para mas achieve na achieve..
At nagtapos nga ako ng
HOTCHEL AND RESTCHAURANT MANAGEMENTC. Agad na nakapagtrabaho. Pero,
subalit, ngunit, nadama ko na lamang na parang hindi talaga yun yung
pinapangarap kong propesyon. Tanga noh? Matapos ang ilang taong
pag-aaral, saka ko pa naisip yun--- nung nasa trabaho na ako.
“Hindi
ito yung buhay na pinapangarap ko! Hindi ditto yung sulok kong takda. O
ditto ba? O ditto ba ang sulok kong takda? Sa ilalim ng araw? O ditto
ba?”--- ang litanya ko. (KANTA?)
Ang banat ko
pa--- "Sa susunod na semester mag-eenroll ako.
Mag-aaral ulit ako—ng pagka-GURO!"
At
nag-enroll nga ako ng BEYTCHELOR OF SECONDEYRY EDUCAYTIONNNN MAJOR IN
FILIPINO!!! (Bachelor of Secondary Education)
Sana ito na
talaga! SANA...