This headache is banging me like crazeee.. Pero pipilitin kong magkwento.
Yesterday was my RD (Rest Day). At gaya nga ng kinagawian ko when I had my RD schedule, I went back at Parang to chiiil.. and to relax!
You know, I am a working boy. Am I not? At dahil nga working boy si ako kunware, nakakalimutan ko ng magrelaks. Ay mali ang litanya ko. Let me say it this way--- "Dahil nga working boy ako, nawalan na ako ng karapatang magrelaks!" Feeling ko nga bugbog na bugbog na ako. Pagod na pagod na ang katawan ko. (sabay iyak) Huhuhu!
Pero seryoso to hah.. Mahalko at nag-ienjoy ako sa trabaho ko kaya kahit laging pagud-paguran. Go lang ng go! Matinding pangangailangan na rin pre!
Enewey, how did I spent my RD? Movie trip! Bago kame (with my wife) umuwi ng Parang, may-we-go muna sa Video City. Ay hindi! Sa tabi pala ng Video city. Dun sa can afford tayo. Sa bentahan ng mga prated CDs and DVDs.
Ang grand entrance ko? Ganito, hinarap ko yung tinderang binilihan ko last month lang ng DVD. (ito yung DVD na sa isang plaka, andami ng pelikulang laman. Akala mo nakatipid ka? Bwahahahaha.. Akala mo lang pala iyon!)
AKO : Ate naman, ano ba yung nabili ko sa inyong DVD nung nakaraang punta ko dito? Clear copy nga siya pero wala akong naintindihan. May umpisa. Siyempre may introduction yun ng casting. Tapos napakurap lang ako ng tatlong beses, shocked na lang ako, biglang the end na? Ano yun? Lokohan?
ATE : Ah eh Sir! Kwan kasee eh.. Ah Sir dito na lang kayo bumili sa hindi 12-in-1, 14-in-1, 16-in-1, or churva-in-1i. Kompleto eto. Walang putol. (infairness naturuan siya ng suggestive selling na tinatawag hah..)
AKO : Weeeh??? Di nga???
ATE : Promise Sir! Sauli mo pag may putol pa yan.
AKO : Talaga lang hah.. Eh magkano bah?
ATE : 40pesos lang po. Pero sige na nga, dahil gwapo ka, libre na lang.
Unang-unang nakakabilib talaga ang mga tindera kung minsan ano? Ang hohonest, lalo na tong isang ito!
Pagkatapos namili na ako.. At ito na nga ang mga iyon :
1.) IN YOUR EYES
After gawin ni Ate Claudine ang pelikulang 'Milan', blockbuster. Tapos sinundan ng 'Dubai', blockbuster ulet. Which makes me really wonder? Bakit kaya hindi na lang 'California' ang title neto total naman, the plot of this film was set partly at the urban city of L.A., California. Ayan tuloy, di na siya kaseng-hit nung huli niyang pelikula. Kaya suggestion ko sana, sa susunod lugar ulet ate Claudine hah, so not to break the blockbuster chain. Pwedeng Iraq, Nepal, Nigeria. Pwede ring Azerbaijan para mahirap ipronounce pag may promotion. Sosyal di bah? But overall, it's a good film. Super nice! Very touching at napaiyak ako hah! Pati sipon ko tumulo. "Blood is thicker than water.." yun talaga yung message ng pelikulang ito!
2.) HATING-MAGKAPATID
It's a very light drama-comedy film. Maiiyak ka tapos matatawa ka. Parang adik lang. Another thing I enjoyed was the appearances of Vice-Ganda! Sobrang panalo ng mga banat niya. And I'm looking forward to buy a copy of his self-titled movie 'Petrang-Kabayo".
3.) MAMARAZZI
Naku! Gumulung-gulong ako sa katatawa. Napasplit, napatambling, napakandirit ako ni Lola Eugene. Pagkatapos makascore ni Eugene kina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo sa 'Kimi-Dora', Tom of PBB ng 'Here Comes the Bride'. At heto, di rin niya pinatawad ang brad kong si Diether Ocampo in this film. Nabaliw ako sa kissing scene at bed scene nila. My review? It's brilliant in an entertainment sort of way!