
Napatambay ka na ba sa labas at naihian bigla ng aso? Dahil napagkamalang poste sa sobrang kapayatan? May talent ka bang dumikit sa pader? Hindi kaya dati kang butiki? Isang payatot na butiki?
Naliligo ka ba tatlong beses sa isang araw, subalit kaseng dulas ka pa rin ng hito at kaseng lansa ng tilapya? Hindi kaya noong unang panahon e isa kang sirena? Sosyal di bah? O baka naman balyena? O di kaya'y tilapya?
Kamot ka na lang ba ng kamot? Maya't maya ay kumakamot? Baka kase dati kang alipunga? Buni? O an-an?
Enewey, minsan sa aking makulay na buhay na parang sinampalukang gulay ay naranasan kong makarating sa isang bagong lugar at nasabi ko sa aking sarili na --- "bwakanginamo, parang nakarating na ako dito ahhh.." (pero never pa naman..) Adik di bah? And to my amazement, kabisadong-kabisado ko ang lugar!
Minsan din, may isang tao akong noon ko pa lang nakita ay parang pamilyar na pamilyar na sa akin..
At ito pa hah.. may mga pangyayaring alam kong perstaym pa lang nangyari, e pakiramdam ko, nangyari na yun somewhere in my past. Parang nirewind lang kumbaga! Day shabu ba tawag dun? Ay mali! de javu ata. Whatever!
Naniniwala ka ba sa reincarnation? (Pansin ko lang hah, trip ko atang magtatatanong ngayon? Pansin niyo rin?)
Pero bago ang lahat, alam niyo ba ang REINCARNATION? Hindi ito kinakain hah.. Lalong hindi ito yung gatas na evaporada.
Ito yung maaaring nabuhay ka na noong unang panahon, at ngayon na muli kang nabuhay sa ibang katauhan ay taglay mo pa rin ang mga katangian mo noon at nakatanim pa rin hanggang ngayon sa iyong subconscious mind ang iyong mga kaalaman. (Pwedeng humingal sa sobrang haba ng pangungusap..)
Kung may reincarnation nga talaga.. Feeling ko, eto ay feeling ko lang naman hah! Siguro dati akong manunulat. In english 'writer'. Dahil unang-una, hindi naman ako nag-aral na sumulat. (Pwera nong grade-one si ako na required kong punuin ang papel ko back to back ng pagsulat ng aking buong pangalan kasali pate grade and section.) Pero bakit ang hilig kong sumulat? At ang galing-galing ko pa sa bagay na ito? Uulitin ko hah, feeling ko lang naman po ito. Minsan naman siguro e dumadaan sa buhay natin na nag-pi-feeling-feelingan tayo di bah? Kaya wag ng komontra!
Pangalawa, hindi naman manunulat ang nanay ko. Lalo na ang tatay ko! O ng isa sa mga relatives namin. O yung kapitbahay namin. O di kaya ay ang kapitbahay ng kapitbahay pa namin.. Wala! Wala talaga sa family tree namin ang manunulat at ang may hilig sa pagsusulat. Pero baket ako, napakahilig ko sa larangang ito? Ewan ko nga ba sa sarili ko?!
Ayun nga, marahil ay dati akong manunulat. Naisip ko nga, baka ako si Shakespear noon, tapos nabuhay muli ngayon sa katauhan ni Ram! Tapos ang nakaraang buhay ni Shakespear ay nakatanim ngayon sa subconscious ni Ram! Kaya may mga pagkakataong parang nakarating na ako sa isang bagong lugar. Baka nga naman kase nakarating na minsan si Shakespear dito sa Cotabato noong kapanahunan pa niya. Astig!
Exciting ang topic natin ngayon noh? At dahil nga exciting, mayroon tayong takdang-aralin. Get 1/2 crosswise (crosswise sir???) at sagutan ito..
Takdang Aralin :
1.) Kung sakaling may reincarnation nga, sino ka ba sa palagay mo noon? (Pwede ring 'ano' kung feeling mo isa kang kulangot, kabayo, palaka, utot, aswang, o ano mang nilalang..)
After 5minutes, penis or penis, pass your own paper! No cheating!
Timers start now..