Hindi ko lang maiwasang isipin sa sandaling iyon na baka nga yun na ang moment of time ko ng pag-he-hello San Pedro. Kaso nang mapag-isip-isip kong pangit pala ang suot kong brief e puta tumakbo ako sa pinaka-safe na lugar noong maganap ang lindol. Itinulak ko ang mga dapat itulak. Sabi ko, “utang na loob, paraanin nyo ako, hindi pa ako pwedeng mamatay right there and there.” Nakakahiya naman kase kapag halimbawang narecover na yung mukha kong wasak tapos pati brief ko e wasak din. Ayoko. Pagtatawanan lang ako.
Anyway, inihaw.. noong nakaraang Linggo ay naimbitahan ang inyong lingkod na maging isang panauhing pandangal sa Buwan ng Wika Culmination ng Tran National High School. (Paaralan na napakalayo sa kabihasnan.) Ang taray lang di ba? Panauhing Pandangal. At mas tataray kung i-translate natin sa english— Guest Speaker. Bigla na naman akong napatanong sa hangin kung bakit ako? E tanggap na tanggap ko naman na kagwapuhan lang talaga ang maipagmamalaki ko sa buhay. Hindi ako matalino para sa mga ganyan. Ano naman kaya ang sasabihin ko dun sa entablado. Sa kabilang banda, naitanong ko rin— “ito na kaya ang simula ng kasikatan ko?” habang nakatingin sa kawalan with the background music of Bituing Walang Ningning.
Dahil nga sa wala naman talaga ako inaatrasang
Kakaiba iyong pakiramdam na sa tuwing may magsasalita sa entablado, ang laging intro e— “sa ating kagalang-galang na panauhing pandangal, Rajan Ram M. Mamadra..” Bukod sa nabastos ako dun sa kagalang-galang e sobra pala nakakataba ng puso. Ansarap lang. Tapos yung kaliwa’t kanan e nginingitian sabay kinakamayan ka.. Very priceless!