Pero paano kung hindi ako marunong mag-basketball? Magsisitaasan ba ang mga ahit nyong kilay at sasabihing bakla aketch? Oo, inaamin ko, wala akong hilig sa basketball. Wala rin akong balak na matuto. Mali atang paratangan akong bakla, dahil dito. Napakababa naman ng basehan ng sekswalidad. Bakla agad?
Hindi ba pwedeng iba-iba lang talaga ang hilig ng tao? Na nagkataon lang na di talaga ako sporty slash sports minded na tao? Na nagkataon lang na gwapo lang ako at matangkad pero hindi marunong mag-basketball. Na pagsusulat lang talaga ang alam ko?
Nakakainis, when other people see you as miserable compared to those who play the game. Hurts further when your own family is taunting you because of that. My dad is a basketball player
Hindi naman ako yung tipong pag papasahan ng bola e biglang matatakot na may kasamang pandidiri ala Bibi Gandanghari. Marunong akong humawak ng bola.
Isang araw, tinanong ko ang aking asawa. Lubos kase akong nabagabag nung nakaraang intrams namin dahil sa aming magbabarkada, ako lang iyong hindi naglaro ng basketball.
“Hon, okey lang ba na hindi ako marunong mag-basketball?”
“Okey lang yun. Marami pa namang ibang sports jan na pwede mong laruin. Maglaro ka na lang ng iba.”
Nanghina ako sa kanyang sagot. Wala naman talaga akong ibang sport na alam maliban sa golf. Chos. Pangmayaman. Baka bigla kaming mamulubi pag kinarer ko.
Nahalata niya na bigla akong nabalisa kaya sinubukan niyang bumawi..
“Ano ka ba hon? Okey lang kahit wala ka talagang alam sa paglalaro ng basketball o kahit na anong sports pa jan. Okey lang yun, as long as you know the basics in basketball both in theory and in actual.”
At tuluyan na akong nanlumo sa kanyang mga litanya. Wala talaga akong kaalam-alam sa basketball both theory and in actual syit. Nangilid ang mga luha ko at bigla ay napahagulgol. Moral support naman si Misis.
“Hon it’s ok. Hindi iyon big deal. Kalma lang. Basta alam mo yung ibang klase ng basketball, yung shoot bago magdribol. Solved na ko dun. Lalaking lalaki ka para sa akin. Lika na nga at mag-basketball na tayo at nang makarami.”
At nag-basketball kami. 3 rounds.