
Hindi ako naaaliw sa pinapanood kong palabas, kahit ganu pa ito ka-comedy. Hindi ko maintindihan yung istorya. Unang-una ingles iyon at walang subtitle, nosebleed me. Pangalawa ang konsentrasyon ko ay hindi nakatuon doon. Sa kung saan— sa madugong world war 3 namin ni Misis kaninang umaga. Sinubukan kong ilipat sa ibang channel, wala, at sa iba pa, wala rin.. At sa iba pa ulit. Wala pa rin akong matipuhan. Nang magsawa ay pinindot ang OFF-button ng remote. “Tsk!!!” (Oo, may tsk with 3 exclamation point talaga.)
Dali-dali ay hinablot ang mamahaling iPod mula sa magarbo kong bag. (Ako na ang nagmamayaman!) Inilagay ang headphone sa tenga.. Nagpatugtog—
“Pagkabigo’t alinlangan, gumugulo sa isipan. Mga pagsubok lamang yan, wag mong itigil ang laban. Ahhh.. Ohhh..”
Ampota! Emong-emo na nga, lakas pang makapang-stress nung natyempuhang kanta! Bigti mode on na ba talaga itey? Nanadya lang? Muntik ko nang maihampas ang mamahalin kong iPod. Mabuti na lang na at the very last minute na magdesisyon akong ihampas iyon ay naisip kong mamahalin nga pala, sayang kung nagkataon. Echos!
Hindi tama ang desisyon kong magsoundtrip, baka pag pinagpatuloy ko iyon ay matagpuan na lang ako sa loob ng kwarto na nakabigti, tirik ang mata at wala ng malay. Afredy Aguilar! Kaya walang ano-ano ay tinanggal ko ang headset na nakabara sa aking tenga.
Hinanap ang mamahaling cellphone (required talaga yung mamahalin for clarity.) Iyon ang pinagbalingan ko. Tinext ang pinakalango sa alak sa mga kaibigan ko.
“Pare, inuman tayo! Treat ko! May problema lang. Nag-away at nagkasakitan kami ni Misis. Pumutok ang nguso ko, baka kayang gamutin ng Emperador.”
Sending text message—
Nang..
Message Sending Failed. Check Operator Service!
Anak ng tinapa lang di ba? Bat ngayon pa? Nanlambot ang itlog ko at nalagas ang pubic hair ko sa sobrang pagkaaasar.
Depressed na depressed ako ng mga sandaling iyon Ate Charo. Yung pakiramdam na ako na ang Most Depressed Man alive sa Guiness Book World Record 2012. Ganun ang level ng pagkadepressed ko Ate Charo.
Iyon na nga marahil ang pinakagrabe naming away ni Misis. Yung kulang na lang e magsaksakan kami ng cotton buds sa ngalangala.
Kung may nakikita lang akong katol sa mga sandaling iyon ay papatulan ko nang hithitin. Magkaroon lang ng lakas tama. Makalimot lang. Makaalis lang sa reyalidad! Gusto kong magwala. Gusto kong kumawala sa mundo. (Arte much!)
Naisip ko na ring takpan ang sariling mukha ko ng unan at nang malagutan na ako ng hininga. Pero baka pag nagpakamatay ako ay hindi ako tanggapin sa impyerno. Baka daw kase sapawan ko pa si satanas sa pagka-HOT. Weh?
Napayuko na lang ako sa sama ng loob. At—
“Bat ganun? Ang sama ko ba talagang asawa? Bat hindi niya ako maintindihan. Respeto lang naman ang hinahangad ko. Kailangan ko rin minsan ng ispasyo. Hu hu hu.” (di me sure kung may huhuhu ba talaga akong nailitanya nun, ilalagay ko na lang for cinematic purpose kunwari.)
Bigla akong natigilan sa pagmamaarte ko nung may dalawang pulang langgam akong nakita, 5 centimeter away from my pangmayaman na paa. (Pangmayaman uli!)
Naririnig ko sila, nag-aaway. Base sa kanilang pinagtatalunan, away-mag-asawa iyon, nakakasiguro ako. Kaya kunwari hindi ko sila tinitingnan pero ang totoo e Tutok Tulfo talaga ang drama ko nun. At nakinig—
Blagadag! Blaaagggh! Blagaaags! Nagbabasagan ng plato ang mag-asawang langgam. Kitang-kita ko ang pagkalat ng mga bubog ng maliliit nilang duralex na plato. Mabuti na lang at 70-70 ang vission ko, kaya kitang kita ko.
Sisitahin ko sana sila. Ampota kase wala silang pinipiling oras ng paggigeyerahan. Hinayupak na mag-asawang langgam na ito, langgamin sana sila. Grrr. Tanghaling tapat? Mananghalian kaya muna sila, bago ang sagupaan. At nang may energy naman sila. (Pero kami nga ni Misis, bangayan ang inalmusal e. Kaya hinayaan ko na lang sila.)
Nagpatuloy ako sa pagmamasid.
“Putang-ina mong langgam ka! Kaya pala wala ka ng oras sa akin dahil may ibinabahay ka na pala!”panghihimutok ng babaeng langgam na halos bumulwak ang petuitary gland sa lakas ng sigaw.
“Tumigil ka na sa kakaputak mo! Kung ayaw mong sampalin kita!” Pagbabanta ni lalaking langgam.
“Sige subukan mo!” Hamon naman ni babaeng langgam.
PAK!!! At sapol nga ang pisngi.
Biglang umatikabo yung aksyon. Nagbalibagan na ang kanilang katawan.
Pinlano kong umawat pero mas pinili kong manahimik na lang. Hindi dapat pinakikiaalaman ang away-mag-asawa. Bawal daw, sabi nung kumare ng nanay ko na katsismisan niya sa batis habang naglalaba sila.
Talo ang babae malamang. Marahil ay kusa nang sumurender ang kaawa-awa niyang katawan sa mga tinanggap nitong sampal, sabunot, suntok na may kasama pang tadyak. Kaya iniyak na lang ang lahat ng sama ng loob.
“Di ka titigil sa kakaiyak? Di ka talaga titigil? Ha? Ha? Ayaw mo talaga? Gusto mo pang makatikim?”Nakamaang ang mabagsik na kamao ng lalaking langgam.
“Huhuhu! Sawang-sawa na ako hayup ka sa pambubogbog mo! Aalis na ako. At isasama ko ang mga anak natin. Hindi mo na sila makikita. Hayup! Hayup! Este insekto! Insekto!”
At kambal na sampal uli ang tinanggap ng babaeng langgam.
“Anong pinagsasabi mong aalis ka. At anong pinagsasabi mong isasama mo ang mga anak natin? Pota ka! Hindi mo sila maisasama—-
dahil unang-una wala naman tayong mga anak. Hindi mo ako mabigyan ng anak dahil nga baog ka di ba? Anak anak ka diyan! Kailan ka pa nag-adik ha?!” At nagpakawala pa uli ng isa pang sampal.
Natigilan ang babaeng langgam. Tama nga pala, wala silang anak.
Kanina ay awang-awa ako kay babaeng langgam, ngayon ay natawa na lamang ako sa kanya. Adik pala ang gagang langgam!
Dinampot ko uli ang mamahaling iPod at sa pangalawang pagkakataon ng mga sandaling iyon ay nagpatugtog—
“Di makatulog sa gabi sa kaiisip, sa diwa ko ikaw ay aking panaginip. Oh bakit ba ikaw ang siyang laging laman, ng isip ko oohhh.. Ohhh…”
Napangiti ako. Theme song namin to ni Misis nung magkasintahan pa lang kami. Rumehistrong muli ang mga larawan nung panahong nagliligawan pa lang kami. Napakasaya namin na parang wala ng bukas. At may naiwang tanong sa magulo kong isip—
NASAAN NA KAYA SI TOOTSIE GUEVARRA?