Power Rangers, mga bida ng Mystic Knights, Si Young Hercules, Mask Rider, Blue Blink,Voltes V, si Batman, Superman, Wonderwoman,suman, palaman at lahat na nga ng may man. Yan ay iilan lang sa tandang-tanda ko na once in my life, nauto nila ako. Akala ko kase totoo sila. Di naglaon, nagising na lang ako na--- "ay di pala sila totoo!"
Bukod diyan, may isa pa akong iniidolo. At magpahanggang ngayon, iniidolo ko pa rin siya. Si 'JOLLIBEE'. Oo, si Jollibee nga. Pero di tulad ng mga unang nabanggit ko. Si Jollibee hanggang ngayon naniniwala pa rin akong totoo nga siya. Marahil hindi ganun kaliteral pero totoo talaga siya.
Tandang-tanda ko pa, nong kindergarten pa lang ako. Lagi kong sinusulat sa diary ko--- "cant wait to see you my idol, Jollibee'. Ganun ako kahaytek. Kinder pa lang, nagdadiary-diarihan na at nag-uuminglis pa hah. Kasinungalingan!!! (na nagdadiary na ako kinder pa lang???) Hindi!!! Kasinungalingan dahil hindi naman talaga ako nagkinder. Diretso grade one po ako. Patawa!
Grade 1, 2, or 3 ata ako nun (whatever!) nong una akong makapasok sa Jollibee.Hindi para makijingle lang, o para makiinom lang, o para makiaircon lang. Kunde para para lumamon talaga. May pera kami!
"Daddy where's Jollibee?" tanong ko sa wikang inglis. Take note inglis yun..
"Tumigil ka sa kaiinglis mo hah, gripuhan kitang bata ka eh.. Wala si Jollibee, namamahinga yun. Hang-over,masakit ang ulo nun. Gumimik kagabi.. Kumain ka na lang.."
"No! No! No! I don't wanna eat. I just want to see Jollibee. Now na!!!" hysterical na ako sa mga eksenang yun..
"Wag ka ngang makulit.. Jollibee Jollibee ka jan. E kung isiksik ko sa ilong mo tong spaghetti. Lokong bata eto.." galit na si erpat.
"I hate you! I hate you dad! Ilabas niyo si Jollibee. Ilabas niyo. Utang na loob ilabas niyo!" at namigti ang buong ugat ko sa leeg sa kasisigaw.
Ayun, di ko rin nakatagpo si Jollibee kahit gusto ng magcollapse ng store sa lakas ng sigaw ko.
Nakakatuwa kase, sa tinanda-tanda ko ba namang ito eh netong 2010 ko lang unang nakaharap ng personal si Jollibee. Last month lang. September to be exact. Buti na lang nagtrabaho ako sa Jollibee mismo. Salamat!
Sunday non.. I was so surprised nung biglang nag-appear si Jollibee sa store, sa harapan ko. Starstruck ako siyempre. Nagsasayaw sila ni Hetty non. May duty ako. Gustuhin ko mang lumapit, hindi pwede. May duty nga ako di ba? Makikipagkilala man lang sana na ako yung # 1 fan niya. O kahit magpa-autograph man lang sana sa noo ko. O magpakodak man lang while nakapeace sign ang pose namin o di kaya bubuhatin ko siya ng kaliwang kamay ko lang ang gamit ko. Yun ang mga pose na gusto ko sana pag nagpakodak kami..
Mangiyak-ngiyak ako nun while watching him. No joke. Literal. May tears of joy talaga. Ang sarap pala ng feeling kase parang bumalik ka ulit sa pagkabata. Ang sarap pala ng feeling na makita mo yung mga bata na ang sasaya at amaze na amaze dahil nasa harap nila si Jollibee.
Tapos ipinangako ko sa sarili ko na--- "Jollibee,magpapakodak tayo one of this day. magpapakodak tayo. Magpapakodak tayo" habang mangilid-ngilid ang luha ko. "Magpapakodak tayo dahil gusto ko sa passport id picture ko,kasama kita." Pwede ba yun???
Ayun nga, October 24,2010..nagpakodak ako kasama siya. Wala nga lang yung dalawa lang kami dahil ang daming umepal. At eto nga yun..
I love you Jollibee. Idol kita. Noon at magpahanggang ngayon. Dream come true na nagkaharap tayo ng personal. At nagpakodak pa ako with you hah. Di nga lang kita nabuhat. Humindi ka eh. Sayang. Pero Salamat! Alam kong marami ka pang mapapasayang bata. At mga isip-bata na rin na tulad ko.