Ganyan na ganyan mismo ang mga lines ko kanina sa orientation naming mga bagong salta sa store. At may nalalaman-laman na akong mga ganyang bagay hah. Improved! Umuopinyon lang naman po. Opinionated eh. Pero siyempre mas okey pa rin yung maganda na ang attitude mo, magaling ka pa! Tapos gwapo o maganda ka pa. Tapos matalino ka pa. Tapos mayaman ka pa. Full package yun di bah? Parang ikaw lang yung anak ng Diyos..
Ang gusto ko lang naman sabihin eh magpakabait tayo towards our superiors at dun sa mga co-workers natin.
Oo, magkakaiba-iba tayo. Pero ganun pa man, matuto tayong magrespetuhan. E kung tutuusin, hindi mo naman makikita ang pagkakaiba-iba. Parang paninda lang yan. Minsan iba-iba ng packaging pero pare-pareho rin ang laman. Katulad ng babae sa lalaki and vice-versa. Pero mga tao parin sila. Nasasaktan, natutuwa, napapaiyak, napapahalakhak, napapatambling at napapasplit. Dahil sa pagkakaiba-iba natin nakikita ang pagkakapareho. Lalim noh? Hindi niyo maintindihan? Ako rin eh, di ko rin maintindihan. Sori adik na ata ako..
Ayan hah.. summarized na yan! Para dun sa nagrerequest na iksian ko na lang ang mga kwento ko. Ang tatamad niyong magbasa. Hmp!
Pahabol ko lang itong picture na to na. Nagpakodak kami before the orientation was started!
Basta laging tandaan, Respeto Lang P're, Para Swabe!