Monday, October 25, 2010

Ang Kaibigan Kong Tanga

Si Popong virgin-virginan. Pero DATI yun! Kamakailan, natutong tumikim ng luto ng Diyos. Nawili. Tapos sumemplang sa rhythm o calendar method na lagi naming pinagtatalunan kong pano nga ba tamang gamitin? Kaya ayun, ngayon lumobo ang tiyan. Nagpakasal. Soon to be, magiging ninong na ako..

Popong ang tawag namin sa kanya ng barkada. Kompleto ang casting. May nanay, may tatay, may mami, may dadi, may tita, may tito (at ako yun), may popong (at siya yun) Pauso namin.. Ganun kami magpauso. Kailangan kompletuhin ang mag-anak.

Si Popong. Sabi ko nga virgin-virginan siya DATI. Kailangan ibold at gawing capital letter yung "dati" for emphasis lang naman. Meyo kaakit-akit pag nakasideview. Tagilidgenic ito. Kaakit-akit din naman pag nakaharap. Friend ko eh. Sinu-sino pa ba naman ang magbobolahan kunde kame-kami lang.

Tong babaeng ito eh may katangahan. Ay mali! Tanga talaga. Nung nagpasabog kase ang kalangitan ng katangahan sa mundo eh sinalo niyang lahat. Nagdamot at hindi nagtira. Pero yung tipong hindi nakakapikon ang pagkatanga. Minsan nga lang maiinis ka at pag-iispan mo o pagplaplanuhan mo ng maiigi kung paano mo siya pakukuluan sa mantika ng buhay. Madalas naman nakakatawa ang pagiging tanga niya. Prototype siya ni Rufa Mae Quinto.

Mayaman ang babaeng ito kaya naengganyo kaming ijoin na lang siya sa sikat naming barkadahan.

"Pwedeng pagkakitan ito. Gawing nating siyang tropa.." suhestiyon ko sa circle of friends ko..

"Payts, barkadahin natin!" chorus ng barkadang mukhang pera.

At yun ang pinakamalaki naming pagkakamali. Di pala namin siya pagkakakitaan. Kami ang pinagkakitaan. Walang-hiya!

Mayaman siya kase may allergy siya sa mga pagkain. Isa yun sa pamantayan ng pagiging mayaman, pag may allergy ka. Pag mahirap kase.. Wala! Galis-aso lang, hindi allergy. At wag ka, may 3rd-floor ang bahay nila. Business tycoon ang pamilya, Malaki ang kita sa pagbibenta ng isda. San ka pa???

Naingkwentro namini ang babaeng ito, 2nd semester. First-year college kami. Tandang-tanda ko pa. Nakayellow siya noon. Di pa man nagluluksa ang sambayanang Pilipino sa kamatayan ni Tita Cory, (dahil nong mga panahong ito, di pa siya tigok) tong isang to, super-advance na sa pagluluksa. Di pa nakontento, tinernuhan pa ng dilaw na sandal at may dilaw pa na "tandong" hah.. (belo yun ng mga kapatid kung moslem. belo kaya malamang ginagamit sa ulo) Take note, long-sleeve po yung damit. Di naman po umuulan at lalong hindi malamig. The fact is ang init-init pa nga. Anong trip ng babaeng ito??? Center of attraction tuloy siya..

So papasok pa lang sa gate ng campus. Grand entrance ang eksena. Parang feel na feel pa niya na nasa red carpet siya. Sabay-sabay nagkatitigan ang tropa.. Sa titigang iyon nagkaunawaan kami. Sa isip namin..

"MALAMIG??"

Paglapit niya..

"Where's the room of HRM? Transferry po ako from Baguio. University of Baguio to be exact. University of Baguio.. Once again University of Baguio.." (required talagang ulit-ulitin yung University of Baguio???)

"Ah kaya pala balot na balot ang lokang ito! Kala niya nasa Baguio pa rin siya.." sa isip-isip ko..

At dun nga nagsimula ang long-lasting friendship namin sa kanya.

Ang daming niyang pabidang kwento about Baguio. Na kesyo nagshooting daw si Kim Chui sa room nila at naging kaklase niya daw si Kim sa teleseryeng "Tayong Dalawa". FC daw sila hah. Balak nga daw siyang kunin ng ABS-CBN para maging regular na sa show na "Tayong Dalawa kaso inayawan niya kase busy pa daw siya sa studies niya..

Ang isa sa mga nakakalokong kwento niya eh yung professor niya sa Psychology. Pinalakad daw sila isa-isang magkakaklase sa harap ng klase. Pagkatapos na pagkatapos nilang rumampa, inisa-isang banggitin ng professor na ito kung sino ang virgin at hindi na. Kinategorized. Ang virgin sa left side tapos ang mga hindi na.. sa right side. Ganun katalented ang professor na ito. Sa pamamagitan ng lakad alam na niya. Kabog!!!

"Sabi ng professor ko virgin pa daw ako----" litanya ni Popong.

"----virgin pa daw ang ilong ko." pagtatapos niya.

Ang dami niyang katangahan sa buhay pero kukulangin ang 48 years bago ko ito mailahad lahat! Bukod na sa pagiging tanga, "Layas-Queen" din ang isang ito. Siguro 3 times sa 1 week yan maglalayas sa kanila. Every MWF. Uuwi pag TTH, pag di na namin siya kayang sustentuhan sa panglamon niya at pag naubos na niyang hiramin lahat ng mga damit at ibang gamit ng barkada.

Hay naku.. Dahil sa tangang babaeng ito, nasayang na naman ang golden time ko. Ang oras ko. Bakit ko nga ba siya naikwento? Namiss ko lang panigurado. Netong mga nakaraang Linggo, tinext niya ako. Walang-hiya. Magugunaw na ang mundo, saka pa ako naisipang itext?

Popong : Hi Ram. Musta ka na? Miss you.

Ako : Ok kang Pops. Miss you more. Punyeta ka. Buti nasipan mo pa akong itext?

Popong : Gago, alam mo namang may asawa na ako. At kinakareer ko ang paglobo ng tiyan ko. Di ba nga buntis-buntisan ako???

Ako : Ahhh ganun? Pag buntis pala biglang hindi na marunong magtext?

Popong : Heh! Wag na kase magtampo. Sige ka di kita kukuning ninong ng baby ko..

Ako : Di na ako tampo. Love you po.

Popong : Maiba tayo. Balita ko may work ka na???

Ako : Oo naman. Di tulad niyo, mga tambay pa rin. Mga walang silbi sa buhay.

Popong : Bastusan? Sige bye. delete my #.

Ako : Sensitive? Loko lang. Kelan ka pa natutong maniwala sa joke?

Popong : Kaw kase eh.. Wer ka na nga nagwowork?

Ako : Sa Jollibee.

Popong : Wow sosyalan. Sa Jollibee? Hotel yan tito???

Ako : (naknamputsaaa...) Tanga.. Hotel ka diyan.. Hindi noh.. Resort ito. Resort! Syempre resto. Tanga ka talaga..

Ganun nga siya katanga. Haynaku..

Pero miss na miss ko na ang tangang ito! Gaanu man siya katanga. Love na love na love ko siya! She's a true friend. Di gaya ng iba, nakakalimot. Si Popong never nanlimot ng samahan..