Thursday, October 21, 2010

Ang Bag ni Ram

Dahil nga napansin niyong sunod-sunod na ang umaarangkadang kadramahang BLOGs entry ko on may FB account.., allow me to switch naman --- from kadramahan into something light-light BLOG entry naman kunwari. Yung tipong may sense na wala naman. Ano daw? Sensiya na. Adik lang. Adik lang. Andami kaseng nagrereact eh..

"Uy Ram, ang drama mo.."

Meron pang..

"..ang arte-arte na naman ng BLOGs mo. Emotero ka hah."

Or biglang may magtatanong na lang na..

"May dinadala ka ba Ram? May problema ka sa sanlibutan?"

Tapos may magtetext pa na..

"e0wHHH p0wH.., may pW0bzs Bah u??? nabasZah mei kaZieh BLOgsz m0wH! =("

Masyado ngang emo. Masyadong madrama. Masyadong maarte. Wala naman akong problema sa mundo. Wala akong utang na di nabayaran. Lalong di ako nabagsakan ng poste. At di rin naman namatay ang isa sa mga kapitbahay namin, o ng pusa namin.. Wala lang. Ganun lang ako magtrip. Trip ko lang umarte-arte this past few days. Malay mo kamo, baka may makadiscover?

Seriously, wala akong problema. Minsan sobrang stressed lang. Sobrang pagod. Stressed nga eh. Malamang pagod yun. Sa trabaho. And my way para mabawas-bawasan naman ang stressed ko e ang magsulat. Di kase ako yung tipo na very vocal pag may dinaramdam. Yung tipong share agad awtomatik ke ganito, ke ganun! Instead of sharing it with a friend, sinusulat ko na lang sa journal ko, sa BLOGsite ko, sa facebook ko, sa dahon, sa bato, sa tubig.. Ganun yun eh..

Anyway enough for that! Sabi ko nga very light lang ito di bah? Sinabi ko yun. Walang dramahan, walang arte-arte.



Imagine me wearing this bag habang naglalakad papasok ng trabaho. Alay lakad lang kase ang drama ko pag papasok ng trabaho.. Walking distance lang kase pero pag mali-late Rizal bagong salsal na eh running distance na ito syempre. Tinatakbo ko ito. Malapit lang naman. 521 steps.. Binilang ko minsan. Akala mo??? At unang-una, naniniwala ako sa kasabihan na " ang lumakad ng matulin ay walang pamasahe." Nagtitipid lang po sa pamasahe. Matipid si kuya.

Ito talaga ang ginagamit kong bag. As in I'm wearing this. WIERDO!!! Parang isang malaking joke lang. Hindi, isang napakalaki-laking joke pala! Para sa mga nakakapansin.

Dahil sa bag na ito.. Superstar ako. Rockstar ako. Sikat ako. Walang pwedeng hindi makapansin. Andito ang ilan sa mga reaksyon nila.. :

.ASTIG! Galon, ginawang bag??? (creativity ang labanan dito..)

.Ang cute. Para lang pagong na nagkunwaring tao ang nagsuot! (Ganun? At kailangan talaga may insultuhan pa? Ok lang atleast di sinabing ninja turtle.. Ang sweet nung nagsabi.)

.Kampanerang Kuba??? Ikaw ba yan??? (Eh kung balatan kaya kita.. O pakuluan man lang ng buhay? Kampanerang kuba ka jan.)

.Astronaut? Parasuiter??? (Pakispell nga daw?) Sabi ko nga bag yan. Bag yan!

.Kabog! Binuhat ang baul ni lola. (Tanga, aparador to ni lola. Haller??? Bulag ka?)

Andami pa eh.. Sa sobrang dami, di tumalad ang food supplement for the brain para alalahanin ang iba't-ibang pangungutya nila. Lol!

Trivia for this bag : I started wearing this nung pinauso ang transparent bag sa work ko. We are not allowed to wear any bag kung hindi ito transparent. Ayun, nag-exist nga ng tuluyan ang bag na ito!. Nagkakahalaga lang naman to ng 199php. At take note, nilibot ko ang mga superstore ng Cotabato, bago ko pa man ito nahanap.

Pero teka, anu-ano nga ba ang mga laman nito??? Tantanraran.. Buksan ang ataul daw ni lola. Este Baul.. Ay aparador pala! Whatever!



Nawala ang # 6 na pabango.. Natakpan ng mga books huhuhu!

1. WALLET - kahit laging walang laman, dala-dala ko ito lagi. Pampabigat. Ganun.

2. MIRROR - para kunwari may time din naman akong manalamin..

3. PETROLIUM JELLY PROTECTANT - may araw na trip ng pouty and red lips ko na magbitak-bitak.

4. BOOKS - wide reader ako. Lahat ng klase ng babasahin pinapatulan ko. Ay hindi pala. Di ako nagbabasa ng malalaswang babasahin. Bawal sa religion namin. Anu daw???

5. POWDER - ang panget panget namang magtrabaho ng may isang litro ka ng langis sa pagmumukha di bah???

6. PABANGO - pampabango. Malamang!

7. NOTEBOOK & PEN - para may masulatan at may pansulat. Malamang ulet. Pag wala akong mabasa, nagsusulat ako. Tali-talinuhan ito!

8. GLEE SEASON 2 DVD - Pyrated ito! Kanina ko lang nabli. I'm a certified GLEEK. Kaya lang hindi ata uso ang tv sa boarding-house kaya di na ko nakakapanood sa cable. Salamat na lang sa nagpauso ng pyrated CD. Nyahahaha. Peace Chairman.

END na. Salamat sa pagbabasa. Kung may nagkamali man na magwaste ng panahon..