Ikaw na hindi tumatanggap ng pagkakamali, pagkabigo, pagkukulang o pagkatalo. Bat ka nga ba ganyan? Hindi mo ba alam ang salitang SELF-RESPONSIBILITY? Pwet este pwes iGOOGLE mo. Ang hina naman ng loob mo. Nasaan na yung tiwala mo sa iyong sarili? Parang si Elisa lang? Biglang nawala? Buti pa nga si Elisa nahanap na. Ikaw, oo ikaw, try mo kayang harapin ang katotohanan. Lagi ka na lang may idinadahilan para mapagtakpan ang iyong isang libu't isang pagkukulang.
Nung sumali ka ng Ms. Undas 2010 at natalo ka, ang sabi mo--
"E kase lutong-makaw iyon."
Laughtrip ka teh! Sagutin mo ba naman yung tanong sa Q&A portion churva na--
"Why did you join in this pageant?"
ng--
"Me? Join this Pageant? Why should I? Tenkyu!" (Ampota, nosebleeding ang mga judges.)
Nung bumagsak ka sa tatlong subject, idinahilan mong--
"E kase naglamay kami sa patay, hindi tuloy ako nakapag-review."
Yung totoo? May lamay man o wala, di ka naman talaga nagrereview.
Nung bigla kang nag-asawa ng maaga, ikinatwiran mong--
"E kase napakahigpit ng parents ko."
Lokohin mo ang flower vase sa sala niyo. Ang sabihin mo, kerengkeng ka lang at parang may naipit lang na sili dyan sa singit mo nung makita mo yang asawa mo. Manisi ba?
E nung sinubukan mong magnegosyo na ang ending ay nalugi?
"E kase, winaldas ng mister ko ang kita namin."
Atleast tama ka sa litanya mong iyon. Pero di ba nga nagma-mahjong ka rin?
Hay naku! Araw-araw ka na lang bang tatalilis sa katotohanan? Hanggang kailan ka tatakas? Hanggang kailan ka magpapalusot? Hanggang kailan ka maninisi? Pag end of the world?