At ang pagkagot ay biglang sumabog,
Gagawi sa kama’t matutulog?
Ulo kaya’y iuntog?
Sa ibang tao ba’y magpapatalbog?
Ahhh.. Parang gusto ko lang magpaka-JOLOGS!
Jolina Magdangal. Yan ang unang-unang pumapasok sa isip ko pag artista na ang pinag-uusapan. Jologs na kung jologs at masuka na ang masusuka. Idolo ko ang babaeng ito. Period! Hindi lang basta idolo, muntik-muntikan ko na rin siyang sambahin!
I adore Jolina Magdangal, she’s a part of me even at a young age. An icon, a role model and the multi-media artists. The humor she got is epic. I will forever love her, and that won’t change even her last name does. (uminglis tayo para di masyadong sumagad ang pagka-JOLOGS.
At pag binanggit ang pangalang Jolina Magdangal, maaari mo bang makalimutan si Marvin Agustin? Siyempre HINDI with an capital ‘H.’
Sino ba naman kase ang hindi kinilig sa tambalan ng dalawang anak ng Diyos na ito? Mamatay na ang hindi!
Natritiyak kong walang batang nabuhay noong early 90’s ang hindi sila kilala bilang sina Bujoy at Ned. At kung hindi man, nakakaawa sila. (O baka taga ibang planeta lang sila. Kakamigrate lang nila ng Pilipinas.) Hindi sila maituturing na 90’s baby.
Pinalabas ang Labs Kita noong ‘98 at ‘90 naman ako pinanganak. Ibig sabihin hindi pa ako tuli e marunong na akong kiligin. Why not?
Para sa mga katulad kong handang makipagpatayan sa oras na may narinig na nagsabing muntik lang tumangkad si Jolina, isa siyang buhay na krismastri, nagmamay-ari siya ng tupingtenga at kung anek-anek pang negatibong tira kay Jolina Magdangal.
At para sa mga katulad kong nag-eport na kabisaduhin ang linya niya bilang BUJOY sa pelikulang Labs Kita, Okey Ka Lang. Itong para sa inyo—-
Ito talaga yung pamatay na lines:
“O yes, Kaibigan mo ko. Kaibigan mo LANG ako. And that’s all I ever was to you Ned, your bestfriend. Takbuhan mo pag may problema ka, taga-sunod, taga-bigay ng advice, taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sayo pag nalulungkot ka. Taga-tanggap ng kahit na ano. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!”
After that lines parang gusto mong kumuha ng tali at bigti mode-on na para makidalamhati sa sakit na nararamdaman ng idolo mo.