Thursday, March 8, 2012

Hapis


ni Rajan Ram Mamadra a.k.a. RAMBiSYOSO

Sinira ng sangkatauhan ang mundo na noo'y itinuturing na paraiso.
Dating paraiso, hanggang sa ang ispirito ng mga mortal ay naghasik.
Nanira! Namutol! Nanunog! Nagtapon!
Nakakalungkot..

Pinagkalooban sila ng kapangyarihang pumili ng buong laya,
Kasabay iyon ng paglikha sa kanila ng dakilang maykapal.
At tinanong sila,
KADILIMAN? O LIWANAG?
May iilang sumagot ng liwanag.
Karamihan ay kadiliman.
Nasilaw sila ng kadiliman---
Seguridad daw ang ibig nitong ipahiwatig.
Nakakalungkot..

Ang mga umalyansya sa kadiliman ay humiling ng gobyerno.
Gobyernong mamumuno sa kanila sa kadiliman.
At ang lupon ng yumakap sa liwanag ay naging dakilang alipores na lamang.
Nakakalungkot..

Tuluyang nilamon ng kadiliman ang liwanag.
Ipininta ang sandata!
Inililok ang bomba!
Kinortehan ang droga!
Inimbento ang patayan!
Itinayo ang karahasan!
Inihulma ang korapsyon!
At nilapatan ng musika ang diskriminasyon!
Nakakalungkot..

Nagpatuloy nang nagpatuloy ang kanilang makamundong pamamaraan.
At ang mayayaman ay ginawan ng rebolto,
Inilibing naman ng buhay ang kawawang mahihirap.
Nakakalungkot..



(Trip ko lang maging makata ngayon. Bakit ba?)