Tuesday, March 6, 2012

I HOPE KARMA WiLL SLAPS YOU IN A FACE!


“Hindi pa pala kita napapatawad.”


Yan ang mga linyang agad na rumihistro sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Limang taong hindi kami nagkita. Akala ko, kasabay ng limang taong iyon ay malilimutan ko na ang bawat pasakit na dinanas ko sa mabagsik niyang mga kamay.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Tumugon ako sa halik na iyon. Pero alam kong hindi ito isang halik ng pananabik. Kilalang-kilala ko ang taong kaharap ko ngayon. Ito ang taong minsang nagmanipula sa buo kong pagkatao. Halik ni Hudas, yun ang pinakaakmang diskripsyon sa halik niyang iyon.

Mataman ko siyang tinitigan. Nakangiti ako. Subalit hindi ko mawari kong nababasa niya sa aking mukha ang lason na kanina ko pa gustong pakawalan. Mga lason na ang sangkap ay balde-baldeng galit, isang dram na inis at isang libo't isang sama ng loob!

“Ang laki laki mo na ah.. At ang gwapo gwapo mo pa. Tingnan mo nga naman. Ang minsang inalagaan ko—-“


“Sige po ha, hindi ako magtatagal. May klase pa kase ako.”

Pinutol ko na ang gusto pa sana niyang sabihin. Gusto ko rin sanang idugtong ang mga katagang— TAMA NA ANG KAPLASTIKAN, subalit hindi. Hindi ako bastos at hindi ko pipiliing maging bastos. Pinanghawakan ko na lang ng ibayong higpit yung mga natitira ko pang respeto sa oras na iyon.

Oo.. Ang laki-laki ko na nga. (at ang gwapo-gwapo pa. idagdag natin!) Hindi na ito yung paslit na minsang naging sunod-sunuran sa mga batas mo.

Hindi na ito iyong paslit na lagi mong sinisigaw-sigawan.

Hindi na ito iyong paslit na lagi mong tinatanggalan ng karapatan.

Hindi na ito iyong paslit na tinrato mong manikang de susi.

Gustong-gusto ko siyang sumbatan. Pero hindi. Pinigil ko ang bugso ng damdamin.

Buti na lang nakatalikod na ako bago pa man namutawi ang luhang kanina pa gustong mag-unahan. Ayaw kong may makakita non, kaya pasimple ko iyong pinunasan.

Naglakad ako sa gusto kong tunguhan.. Kung saan, hindi ko alam! Ang alam ko lang ga;lit ako! Hindi ko na siya kaharap pero ramdam na ramdam ko pa rin yung sama ng loob. Ang sikip sa dibdib. Nakakasakal.

Hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad! Pero nananalangin ako na sana.. Sana matuto akong magpatawad!

CUT DiREKKKKKKKKKKK!!!