“Mahal na mahal kita nanay!”
Sinambit ko naman kay nanay paborito kong katagang walang sawang
ipinararating sa kanya. Paulit-ulit. Hindi ko na mabilang. Pero kung sa
palagay niyo’y narinig niya ito. Hindi. Isang napakalinaw na hindi. Kung
bakit? Narito ang kwento..
Labinlimang taong gulang pa ako noon
nang gimbalin ako ng balitang wala ng pandinig si nanay. Sa mga panahon
iyon, siya’y nasa ibang bansa. Namamasukan bilang DH. Mga dalawang taon
na pala siyang walang pandinig. Hindi niya agad ipinaalam. Ayaw na niya
raw kaming mag-alala pa. Ang totoo, kung hindi pa ako nakatanggap ng
sulat mula sa kanyang mabuting katrabaho at kaibigan ay hindi ko pa
malalaman ang masalimuot niyang sitwasyon.
Kaya pala halos mga
dalawang taon din akong hindi nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Kaya
pala hindi na niya kami kinukulit hingan ng voice tape, gaya ng lagi
niya pahabol sa mga luma niyang sulat.
Ipinanganak na may
pandinig si nanay. Ang alam ko, medyo mahina lang ito. Pero kahit
paano’y nakakarinig pa naman siya ng may kalakasang tunog at salita.
Lumala daw ang simpleng sakit niyang ito, hanggang sa tuluyan na ngang
nawalan siya ng pandinig.
Hindi pa tapos ang kontrata ni nanay
ay pinauwi na siya ng kanyang among lalaki dito sa Pinas. Ito’y hindi
dahil sa kanyang kapansanan kundi dahil may isang sekrito siyang
aksidenteng nalaman na maaaring ikasira ng pinapasukang pamilya.
Saya at lungkot ang naramdaman ko nun. Masaya dahil matapos ang halos
sampung taon, makikita’t makakasama kong muli ang aking mahal na ina.
Malungkot dahil tyak ko, mapapahinto ako sa aking pag-aaral. Si nanay
lang naman kase ang inaasahan namin ng nag-iisa kong bunsong kapatid.
Tandang-tanda ko pa, ako ang sumundo kay nanay sa airport.. Isang
salita lang ang makakapagbigay kahulugan sa nararamdaman ko ng mga
sandaling iyon— “pananabik”. Nang muli kaming magkita’y
ipinadama namin ang di maarok na pangungulila sa pamamagitan na
napakahigpit na yakap sa isa’t-isa. Kalakip ng aking yakap ang katagang “Miss na miss na kita nanay!” Alam kong hindi niya ako naririnig. Pero siya walang kamalay-malay sa alam ko.
Matapos ang ilang segundong yakapan, nagkusa akong bumitaw sa
pagkakayakap. Hinarap ko siya at binigkas ko nang buong tamis ang
salitang kanina ko pa binabanggit— “Miss na miss kita!” Alam
kong di pa rin niya ako naririnig pero sa linaw ng pagkakabuka ko sa
aking mga labi ng sambitin ko ang mga katagang iyon, sigurado akong
maiintindihan niya ito. Rumihestro ang mga guhit sa kanyang noo.. Wala
man sinambit, banaag ko ang nais niyang malaman— kung alam kong wala na
siyang pandinig. Tumango lang ako.. Napaluha siya. Di rin mapigil ng mga
mata ko ang kanina pa gusto kumawalang luha. Nagkaintindihan kami at
muling nagyakapan na animo’y wala ng bukas.
Muli kaming namuhay sa iisang bahay. Ako, ang kapatid ko, at si
nanay. Nakasama uli namin siyang matulog, nakasalo sa hapag-kainan,
nakasamang manood ng tv, nakausap— pinakinggan namin ang bawat kwento ng
pakikipagsapalaran niya sa mundo ng mga dayuhan. May masasaya, may
masasalimuot. Pinakinggan niya rin ang kwento naming magkapatid, ang
paghihirap na dinanas namin nang mawalay kami sa kanyang piling. Nakinig
siyang may emosyon ng kapighatian. Nakinig siyang hindi gamit ang
kanyang tenga. Nakinig siyang gamit ang puso ng isang ina.
Bilib
ako kay nanay. Saludo ako sa kanya. Na sa kabila ng kanyang pisikal na
kakulangan, hindi siya nagkulang sa pagtataguyod sa aming magkapatid
habang wala si tatay. Mag-isa niya kaming iginapang. Doble ang inako
niyang tungkulin— ina at maging ang isang ama. Nagtinda siya ng kung
ano-ano, kaya naman nagkamali ako sa inakala kong mapapahinto ako sa
aking pag-aaral.
Minsan may program sa school. No choice ang
departamento namin nun kaya ako ang napiling isabak sa isang singing
contest. Siyempre, inimbitahan ko si nanay. Dama kong siya pa ang mas
higit na nakakaramdam ng kaba kesa sa akin. Dahil wala naman akong
talento sa pagkanta, ang ending, ako ang nasa panghuling pwesto. Muntik
pa ngang magwala nun si nanay. Muntik niya ng awayin ang judges. Nadaya
daw ako. Nanood daw siya kaya alam niyang ako ang pinakamagaling. Sabi
ko nga, buti na lang at bingi si nanay kundi itinakwil niya na ako sa
pagpapahiya ko sa pamilya nang mangahas akong sumali sa singing contest.
Madalas kong pagmasdan si nanay sa tuwing siya’y nasa kasarapan ng
pagtulog. Minsan naiiyak na lang ako. Naaawa. Naiisip ko ang lungkot na
nadarama niya sa araw-araw dahil sa katotohanang mas madalas sa oo ay
hindi niya kami maintindihan. Napakasakit isipin iyon. Para akong
winawasak.
Araw-araw lahat ng tao sa paligid niya’y nagsasalita
pero wala siyang boses na naririnig. Nakakahabag, lalo tuwing may
pagtitipon kaming magkakamag-anak. Madalas walang pumapansin sa kanya.
Bihira lang ang nagtitiyagang kausapin siya. Masakit pa nun, nagiging
tampulan pa siya ng mga tukso.
Nang lumaon, naging mainitin ang
ulo ni nanay. Minsan daw kase, di niya mapigil ang sariling mainis.
Nakakagalit daw ang ganung kalagayan na minsan ay hindi niya
maipaliwanag ang kanyang mga nararamdam. Naiintindihan ko siya.
Napakahirap nga naman ang ganung sitwasyon. Iyong minsan ay kailangan ko
pang isulat sa papel o i-type sa cellphone ang mga salitang nais naming
ipabatid para lang maintindihan niya. Iyong minsan ay hindi niya
mahabol ang usapan ng mga artista sa paborito niyang teleserye. Lalo na
pag koreanobela.
Sa kabila ng kanyang kakulangan sa ibang
aspeto, sinikap ni nanay na di siya magkulang sa aspeto ng pagiging ina.
Para sa akin, isa siyang napakagiting na ina. Tampulan man siya ng
tukso. Inaalisputa’t nililibak man siya minsan, hindi man perpekto,
mainitin man ang ulo, siya parin ang itinuturing kong bayani ng aking
buhay. At kung posible lang na ipagpalit ang pandinig, di ko ipagdadamot
ang pagsasakripisyo ko ng aking mismong pandinig. Deserve niyang
marinig ang minsa’y magulo subalit napakakulay na musika ng buhay!
Mabuhay ka nanay!
Wednesday, May 1, 2013
Tuesday, April 30, 2013
Kwento Ko Sa Pagong! With Feelings!
Kanina ko pa itinututok ang matulis na panlilok sa hawak kong sabon subalit di ko alam kung paano sisimulan ang ikatlong itinakdang aktibidad
(soap carving) ng aming professor sa kursong Humanities. Wala akong
maisip na disenyo samantalang ang mga kaklase ko’y naikorte na sa
kanilang sabon ang disenyong napili nila. May mangilan-ngilan na ngang
halos patapos na.
Labinlimang minuto na akong nasa ganoong posisyon. Kung totoo man na nakatutunaw ang tingin, malamang kanina pa natunaw ang hawak kong sabon. Hanggang sa maya-maya’y ginulat ako ng malaking boses ni Sir na kanina pa pala nakamatyag.
“O Ram! Parang di mo pa nasisimulan ang pinapagawa ko ah. Ang bagal mong kumilos. Para kang pagong!”
Umalingawngaw sa apat na sulok ng klase ang binitiwan niyang mga salita. Buti na lang ang bawat isa’y abala na sa paglililok, kaya hindi na nila napansin ang pamumuna ni Sir sa akin.
Naalala ko tuloy ang paboritong litanya ng aking bungangerang nanay noon sa tuwing umaga na papahuli na ako sa eskwela— “Ang bagal mong kumilos, para kang pagong!” Ganun na ganun din ang madalas na sigaw sa akin ng aking boss sa dati kong pinagtatrabahuang past food chain.
Kawawang pagong. Ang walang kamalay-malay na pagong ay naging simbolo na lamang ng “kabagalan”.
Tama. Kung susuriin nga naman ay talagang napakabagal lumakad o kumilos ng isang pagong. Lahat nakakapuna nito. Subalit may ni isa ba ang nakapagtanto kung bakit sila mababagal? May ni isa ba ang nakaisip ng isang dahilan kung bakit ganun na lang sila kakupad? Palagay ko’y wala. Walang sinuman ang nakapansin sa mabigat nilang pasan-pasan na siyang dahilan ng hindi kabilisan nilang pag-usad.
Napakapalad pa rin ng mga tao. Na di gaya ng pagong na kailangang bitbitin ang kanilang masisilungan saan man dako roon sila mapadpad. Na kung iisipin, buong buhay silang may dinadalang pasanin. Sa kabila ng bagay na iyon, narinig mo ba silang nagreklamo?
Samantalang tayo konteng bigat lang na maiatang sa ating balikat, tila ba ayaw na nating umusad.
Bilib ako sa pagong. Bukod sa hindi sila kailanman dumaing, marunong din silang magpahalaga sa bagay na inilaan ng maykapal para sa kanila. Na bagamat masasabing pasanin ang matigas at mabigat na bagay na nasa kanilang likuran, hindi nila iyon itinuring o tiningnan sa ganung paraan. Bagkus tinanggap nila itong isang napaka-espelyal na regalong poprotekta sa kanila sa mga kapahamakan. Sana ganun din ang tao, na makikitang ang mga pasanin ay nagsisilbing pampatibay na siyang magiging pananggalang natin sa mga darating pang mas matinding sigalot.
Saludo ako sa pagong. Sa katunayan, kung may nakikita lang akong pagong sa mga sandaling ito, malamang, ikukwento ko ito sa kanila with feelings, with facial expressions, with split and kandirit, mga five times, with sign language.. Lahat lahat na. Ikukwento ko kung gaano ako ka-proud sa kanila kahit magmukha akong tanga. Sasabihin kong inspirasyon ko sila. Na sa kanila ko natutunan kung paano magpatuloy sa isang karera sa halip na dumaing. Naiiyak ako. Pahingi ng towel.
Salamat sa salitang “Ang bagal mong kumilos. Para kang pagong!” ni Sir. Muli kong naalala ang kagitingan ng mga pagong. Higit sa lahat, masisimulan ko na rin ang isang aktibidad. At para ma-i-share ko sa inyo, narito’t kinodakan ko (ang tanda lang ng term na kinodakan.) Kayo na ang humusga kong nagkorteng pagong nga iyan. Wala akong alam sa art. Paulit-ulit kong sinasabi ang katotohanang tanging kapogian lang po talaga ang maipagmamalaki ko. Narito:

Lagi nating tandaan na ang inililok kong ito, ang pagong, katulad din nating mga tao.. May kanya-kanyang bigat na pinapasan, gustuhin man natin o hindi. Kung gaano ito kabigat, depende sa ating lakas. Depende sa ating kaya o pwedeng kayanin. Ang Diyos, kailanma’y di magbibigay ng pasaning alam Niyang di mo kakayanin. Siya ay makapangyarian and He is always in control. (Chos! Naka-ingles ako at ang drama ko ha.) Kaya anumang pasanin ang binubuhat mo sa ngayon, kayang kaya mo iyang dalhin. Gayahin mo ang pagong! Na walang sawang binubuhat ang inatang ng Diyos sa kanyang likuran. Gayahin mo ang pagong! Na kailanma’y di nagreklamo.
Umusad ka! Kaya mo yan. Baka nga ang pasan mo ay mas mabigat pa kesa sa pasanni Ninja Turtle ng iba!

Umusad ka! Kaya mo yan. Baka nga ang pasan mo ay mas mabigat pa kesa sa pasan
Monday, April 29, 2013
Na-Janine Tugonon Ka Ba? Bumawi Ka, I-Undertaker Mo!
“One lesson in life that women can teach men is being
sensitive. We all know that men are logical when it comes to decisions.
They are usually more rational and straightforward. Unlike women, we use
our heart and we tend to get emotional in some our decisions. Sensitivy
is something we, women can teach to men.” - Ariella Arida
Napakamalaman ng kasagutan na ito ni Ariella Arida sa Q & A portion nitong kararaan lang na Bb. Pilipinas.. Bawat kataga, totoo. Kaya nga, gusto ko itong iukit sa bato tapos ay ingudngod sa muntik-lang-gumanda na pagmumukha ni Janine Tugunon.
Atin itong himay-himayin.
One lesson in life that women can teach to men is being sensitive..
Tama, hindi nga ba’t ang kababaihan ay mas hirap sa pagdedesisyon dahil ang higit nilang pinananaig sa anumang bagay ay ang kanilang puso? Subalit, wala ata sa bokabularyo mo Ms. Tugunon ang salitang “sensitive”. Damang dama ko ang pagkadurog ng puso ng iyong ex-boyfriend. Saksak-puso-tulo-ang-dugo, ganun na ganun noong pagmukhain mo siyang tanga de bobo sa milyon-milyong manonood ng Kris TV.
Kailanma’y di ako naging mapanghusga. Pero sa ginawa mong iyon, napamura ako nang abot hanggang langit. Kahusga-husga nga naman di ba? Kaya wag na wag mo kaming sisihin kong magtayo kami ng kulto para isumpa’t kulamin ka. Nakikisimpatya lang kami sa kahihiyang pinaranas mo sa iyong ex-boyfriend. Di ka naman namin tinatanggalan ng karapatang kiligin. K. mo yun! Pero wow ha! On national TV na kasama ang iyong boyfriend? Umarte kang parang tigang na sinisilaban ang pukelya dahil sa bagong inspirasyong bokalista ng “The Script”. Taas na kamay ko sa’yo. Ikaw na. Pwede ka ng mamuno sa isang samahan. Samahan ng Malalanding Nilalang. Ikaw ang presidente. Gawin mong vice si Maja Salvador at sekretarya si Cristine Reyes para kompleto ang casting.
We all know that men are logical when it comes to decision. They are usually more rational and straightforward.
Oo, talagang ikaw na talaga. Ikaw na ang pinaka-logical ng henerasyon. Ikaw na ang pinaka-rational. Pati pinaka-straightforward ikaw na rin. Di ka na nagtira. Pinakyaw mo na ang lahat ng titulo.
Nanood lang ng concert ng bandang “The Script”, Jinanine Tugonon na agad ang jowa. Ngayon ay di na matitikman ni ex ang tinola? Bakit dahil ba sa tingin mo’y mas mahusay mag-Mang Kanor ang foreigner? Anak ng tinola nga naman oh, sarap mong i-Undertaker.
Unlike women, we use our hearts and we tend to get emotional in some of our decisions. Sensitivity is something that women can teach to men.
Kabaliktaran ito sa iyong inasal. Asan dun ang puso mo? Di mo man lang inalintana na may emosyon kang madudurog. Asan na yung sinabi mong di mo siya ipagpapalit sa kahit na sino? Kahit na sino? The Script pa lang nga, laglag-panty na agad. Ngayon ko lang naisip na para sa’yo pala talaga ang kanta ng salbakuta— “basta gwapo ang guy, maaga kang bumibigay.”
Maiintindihan ka naman sana namin kung hindi mo ginawa sa ganong paraan. Tanggap namin na may mga relasyon talagang di nagtatagal. Sabi nga ng iyong tagasuporta, personal life mo yun. Di na dapat namin pakialaman. Pero ginawa mo siya sa harap ng publiko. At ang anumang bagay na ginawa sa harap ng publiko ay wala ka ng karapatan na personalin ito..
Minahal ka namin Janine. Minsan ka naming pinalakpakan. Kasama mo kaming nakipaglaban. Kasama mo kaming nagdasal. Pero iyong huling ginawa mo, maling mali..

Sunday, April 28, 2013
Sampung Payo Sa Mga Bigo
Inilabas na ang resulta ng LET (Licensure Examination for Teacher) na
ginanap noong Marso, taong kasalukuyan. Sa 75, 610 na kumuha ng
nasabing pagsusulit, 25, 533 ang pumasa.
May mga nagbunyi sa natamong napakalaking tagumpay. May mga takot na napalitan ng galak. May mga dasal na dininig. May mga napaiyak sa lubos na katuwaan. Marami na namang pangarap ang natupad.
Sa kabilang banda, mas maraming luha ng kabiguan ang dumanak. Mas maraming pananabik ang humantong sa pagkalugmok. Mas maraming bilang ang napatanong-- "bakit hindi pinakinggan ang gabi-gabi kong panalangin?"
Natural lamang ang pakiramdam na masaktan sa natamong kabiguan. Subalit huwag hayaan na tuluyan kang ilugmok ng sakit na iyan. Natural lamang ang matakot sa pwedeng maging resulta ng paglagpak sa board exam. Ang hindi natural ay ang tuluyan kang lamunin ng takot na ito.
Hindi ko pa naranasan ang sumabak sa pagsusulit na iyan ngunit bilang isang ordinaryong nilalang ng Diyos, alam ko ang pakiramdam na mabigo.
At narito po ang personal kong maipapayo sa 75, 610 na nabigo sa LET exam. Bagamat wala sa larangan, nakasisiguro ako na makakatulong ito sa pagpapanumbalik ng inyong nawalang tiwala sa sarili.
1. Hindi ka itatakwil ng iyong mga magulang.
Magulang din ako at hindi ko kailanman itatakwil ang aking anak anumang pagsubok ang hindi niya pasahan. Huwag isiping itatakwil ka nila dahil ikaw ay bumagsak. Laging tandaan na ang pamilya ang unang-una nandyan at nakasuporta sa tagumpay man o kabiguan.
2. Huwag mahiya sa sasabihin ng ibang tao.
Anumang negatibong bagay ang marinig mo mula sa ibang tao, ipagkibit-balikat na tlamang ito. Unang-una, ala silang ideya sa kung anong madugong review ng pinagdaanan mo. Mas mahalaga pa rin ang karakter kesa reputasyon.
3. Hindi ka pagtatawanan ng mga "tunay" mong kaibigan.
Kung sakaling may isa sa mga kaibigan mo ang nam-bully. Marapat lamang na simulan mo na itong iwasan. Isa lang kase ang ibig sabihin nun, hindi siya isang tunay na kaibigan. Nakasisiguro akong dadamayan ka ng mga tunay mong kaibigan.
4. Hindi porke't hindi ka pumasa ay bobo ka na.
Karamihan sa pinakamatagumpay na nilalang sa buong mundo ay minsan ding dumanas ng matinding kabiguan. Si Michael Jordan halimbawa. Ang itinuturing na pinakamagaling sa kasaysayan ng basketball ay minsang tinanggal sa kanilang varsity team noong siya'y highschool. Si Albert Einstein, sinasabi ng kanyang mga guro noon na wala siyang mararating. Ano siya ngayon? Di ba nga'y napakalaki ng naiambag niya sa larangan ng siyensya. Hindi ko na ilalahad ang minsan na ding dinanas ni Bill Gates. Tandaan, walang taong bobo!
5. Maraming ibang dahilan kung bakit hindi ka pumasa.
Huwag isiping nagkulang ka sa pag-re-review dahil naniniwala akong walang sundalo ang sasabak sa giyera ang hindi nagsanay at naghanda. Maaaring may teknikal na rason-- may mali sa pag-shade mo, nabasa ang papel mo at hindi tinanggap ng machine, set A ang nasagutan mo pero naisama sa set B ang papel mo. Maaari ding kinabahan ka lamang at na-mental blocked.
6. Huwag mawalan ng pag-asa.
Ang karera ay may dalawang hangganan, ang "start" at ang "finish line". Ang higit na mahalaga ay ang "finish line". Kapag ikaw ay huminto sa pagtakbo, iyon ang oras na ikaw ay ganap ng talo. Kung gusto mong manalo sa laban, wag kang hihinto at magpatuloy sa karera. Magsisilbi iyang pundasyon ng iyong tagumpay. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag mong hayaan na-- ang isa, dalawa, tatlo o higit pang paglagpak sa board exam --na diktahan ang iyong buhay. The golden rule here is "take lang ng take."
7. Mas maraming bumabagsak kesa pumapasa.
Hindi ka nag-iisa. Lalong hindi katapusan ng mundo kapag ikaw ay hindi pumasa. Normal lang yan. Ang mahalaga ay kung paano mo malalagpasan ang bawat hamon.
8. Weder weder lang yan!
Naniniwala akong swertehan lang ang pagpasa sa board. May inaasahang papasa pero bumagsak. May pumasa na hindi naman inaasahan. Para sa akin, 60% luck, 30% prayer at 10% brain ang kailangan mo para pumasa. May mga kilala akong grumadwet na summa cum laude, pero pagdating ng unang sabak sa board exam, bumagsak. Kung hindi mo pa panahon, ipagpilitan mo man, hindi mo maipipilit.
9. Huwag maging bitter!
Failure is such a humbling experience. Kung hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo, walang dahilan para ikaw ay manalo. Iwasang isipin o sabihin na mas magaling ka sa mga kasabayan mong pumasa sa board. Sa inyo din ang balik ng ganung pag-aasta. Wag maging bitter. Move on!
10. Patuloy lang sa pagdarasal.
Ito ang pinakaimportante sa lahat. Sa panginoon, walang imposible. Huwag Siyang kwestiyunin sa iyong pagbagsak. Ang lahat ay may dahilan. Maaaring hindi mo maintindihan sa ngayon pero darating ang araw na lilinaw din ang lahat.
May panahon ng tagumpay. Sa kabilang banda, may panahon din ng kabiguan, gustuhin man natin o hindi. Magkagayunman, kailangan harapin ang bukas na may tapang at buo ang kalooban.
Para sa mga bigo, huwag sayangin ang panahon sa pagluha sa natamong kabiguan. Sa mga pumasa naman, huwag sanang magpalunod sa tagumpay at katuwaan.
Magandang araw sa mga bigo at tagumpay!

Tuesday, April 23, 2013
Guhit
May kanya-kanyang pangarap ang bawat isa sa atin. Tulad ko ay karapatan mo rin ang mangarap. Libre ito. Subalit may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pangarap. Nakalulungkot mang isipin, minsan may mga pangarap na kailangang maging pangarap na lang. Hindi patas ang mundo. Gustuhin mo man ang isang bagay kung hindi ka ilalayag ng panahon sa iyong minimithi, balewala.
Lahat ay may minimithi, subalit hindi lahat ay abot-tanaw. Sabi ko nga, libre ang mangarap. Pero hindi dahil libre ay makakamit mo na ito ng ganon kadali. Sa dami ng mga reyalidad sa mundong ibabaw na kailangan angkupan, may mga pangarap na naisasantabi. Tulad ko na nangarap maging mang-aawit, sintunado naman. Nangarap magka-kotse, pulubi naman. Nangarap pumangit, imposible naman.
Tandang-tanda ko pa, bata pa lang ako’y nakahiligan ko na ang humawak ng papel at lapis para gumuhit. Naaalala kong stick pa lang ang mga tao ko non. Hirap na hirap pa akong iguhit ang iba’t ibang klase ng hayop. Pati halaman at puno di pa maintindihan. Ang paglalagay ko ng kulay, lagpas-lagpas. Ang mga tao, kulay brown. Ang araw, dilaw. Kulay bughaw naman ang dagat at kalangitan.
Hanggang sa natuto na ako ng iba’t-ibang teknik sa pagguhit pati pagkulay. Ang paglalagay ng pattern na pari-parisukat. Ang tamang paghawak ng lapis. Ang tamang kurba. Napansin ni tatay ang kakayahan ko sa pagguhit. Bakit daw hindi ako mag-Fine Arts? Pag-iisipan ko, ang sagot ko.
Nung ako’y magkolehiyo, gusto ko sanang mag-Fine Arts. Kaso naisip ko na baka isang araw, matagpuan ko na lang ang aking sarili kasama ang mahal na pamilya na pinupulot sa kangkungan.
Alam kong, hindi biro ang kursong iyon. Nakakapamulubi. Hindi magiging sapat ang tatlong kalabaw at ilang hektaryang palayan ni tatay kaya ibang kurso ang napili ko. Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayang nakakalimutan ko na pala ang pangarap kong pagguhit.
Hanggang sa kahapon, sa aking summer class sa subject na Humanity ay inilapit akong muli ng panahon sa mundo ng pagguhit. Muli ay nasubok ang kakaiba kong galing sa larangang ito. Nagkaroon kase kami ng seatwork. Iguguhit namin ang mukha ng aming katabi.
Bilang isang nilalang na may malawak na kakayahan sa pagguhit, alam kong ang mukha ang pinakamahirap iguhit. Pero parang sisiw lang sa akin ito. Magaling nga ako diba? Ito oh:
Okey fine, lahat ng pinagsasasabi ko sa itaas ay pawang kasinungalingan. Ang inilahad ko patungkol sa kagalingan ko sa pagguhit ay kayabangan lamang at malayo sa katotohanan. Frustration ko lang talaga itey. Iyon ang katotohanan. HAHA!
Nang matapos kong i-drowing ang pagmumukha ng aking seatmate, laking gulat ko na lang dahil walang sabi-sabi, sinaksak niya ako ng hawak niyang lapis. Nong tingnan kong muli ang naiguhit ko, deserve ko naman pala ang masaksak. Nakaka-offend nga naman yung drowing ko na mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo.
Sabi ng professor ko, hindi naman daw mukhang matandang anemic na intsik na nalulong sa droga dahil nalugi sa negosyo ang itsura ng drowing ko. Ang judgement niya, mukhang missing link daw ito sa evolution. Fuck you ka Sir!
Siyanga pala, ito ang model ko:
Di ba, medyo kahawig naman? Sige na nga, mukhang missing link na sa evolution ang drawing ko.. Pati model ko.
Marami akong natutunan matapos ang seatwork namin na to. Na masaya kapag yung kakayahan ay magamit natin sa mga bagay na gusto natin. At mas masaya pala kapag itinigil ko na itong ambisyon ko sa pagguhit. Wala akong magiging future dito.
Monday, April 22, 2013
Ang Aking Hindi-Masyadong-Pakialamerang-Ina
Gaya nga ng naunang naikwento ko, matagal na kaming naghihintay ng anak ni Misis. Mga dalawang taon din. Kaya ganoon na lamang ang aking kaligayahan nang malaman kong siya’y nagdadalantao. Naglilihi pa lang siya’y pareho na naming hindi maitago ang excitement na nararamdaman kung ang sanggol ba na nasa kanyang sinapupunan ay babae o lalaki. Ang gusto ni misis, babae para daw mas close sa akin at masarap bihisan. Sabi ko naman, kahit ano, basta normal at healthy. Hindi na ako choosy.
Pinlano naming magpa-ultrasound. Pero hindi iyon ganun kadali.
Kasabay ng mainit na isyung panunutol sa pag-iibigan ng mga magulang ng dating naging parte ng sexlife ko na Heart Evangelista at ng kanyang batang-batang boyfriend na si Chiz Escudero ay naging mainit din sa bahay ang isyung panunutol ng aking “hindi-masyadong-pakealamerang-ina” sa plano namin.
Na-immune na ako sa favorite past time ni madir na pangengealam. Ang hindi ko lang talaga lubos na maintindihan ay kung ano ang dahilan sa pag-aalburoto ng kanyang tinggil nang malaman niya ang aming plano. Hindi maarok ng malawak kong pang-unawa kung bakit tutol na tutol siya sa ideya ng pagpapa-ultrasound. Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang logic sa konseptong bad vibes daw iyon.
Hay naku! Muntik na talagang sumabog ang lahat ng ugat sa tarugo ko sa bawat rebelasyon ni inay patungkol sa mga bagay na ito— na kesyo daw nabuhay naman daw kaming mag-asawa sa kanilang sinapupunan ng walang nagaganap na ultrasound. Ang sarap lang sagutin na nung panahon talaga ni lapulapu, hindi pa iyon nauuso. Sabi pa, bakit daw hindi na lang kami maghintay? Na kung babae, e di okey, kung lalaki, e di okey!
Ginamit ko na ang pinakatinatago kong galing sa pag-i-explain. In-apply ko na rin ang natutunan kong “Strategies of Teaching” mula sa kinukuha kong kurso. Pinilit kong ipaintindi sa kanya ang konsepto ng tinatawag na ultrasound. Na hindi lang naman yung kasarian ng sanggol sa sinapupunan ni Misis ang gusto naming malaman. Na gusto lang naming makasigurado kung okey ba yung kinalalagyan ng sanggol. Normal ba? Hindi ba namin kailangang maalarma kung suhi ba o kung ano.
Isang umaalingasaw na “Ah basta hindi! Hindi ako papayag. Walang magaganap na ultrasound. Subukan lang ninyong kontrahin ang kagustuhan ko at isusumpa ko kayo!”
Nanlumo ako sa mga binitawang kataga ni mader. Jusko! Utrasound lang, isusumpa na kaagad? Yan ang nanay ko. OA.
At dahil nga masunurin akong anak at takot na takot kami sa sumpa ay itinuloy namin ang aming plano. Ang alam ko para to sa kapakanan ng bata sa sinapupunan ni Misis. Hindi ito patungkol sa excitement naming mag-asawa. Hindi ito patungkol sa aking nag-kokontrabidang ina. Para to kay baby!
Salamat, dininig ng nasa itaas ang gabi-gabi kong ipinagdarasal na nawa’y normal ang sanggol. Tuwang-tuwa si Misis, babae ang nasa kanyang sinapupunan. At dalawang buwan na lang ay masisilayan na namin ang pinagpawisan naming finish product. Yun oh!
Sunday, April 21, 2013
Confirmed, Hindi Ako Baog!
“Noong binata pa ako, lagi kong ipinagdarasal sa mahabaging maykapal sa kalagitnaan ng pag-wi-withdrawal chenes na nawa’y wag muna akong makabuntis. Kako ay hindi pa ako handa. Noong ako’y magkaasawa, gabi-gabi ko namang pinagrorosaryo na sana’y makabuo na kami ni Misis kahit isa man lang.”
Halos dalawang taon din mula nang ikasal kami ng aking Misis ay hindi pa rin kami makabuo-buo. Dumating sa puntong nagkaroon na ako ng pagdududa sa kakayahan ng tamod ko na makabuo ng kasing kisig kong sanggol. Na-stressed ako. Sino ba naman ang hindi mai-stressed, Ate Charo? Sa gwapo kong ito, napakasayang naman kung hindi ko maikakalat ang naipamanang gandang lahi ng aking tatay di ba?
Dagdag pa riyan ang araw-araw na panunukso ng mga hinayupak kong barkada na ang weak weak ko raw. Isinusumpa ko sila. Malusaw sana ang mga betlog nila! Hindi ko na rin babanggitin ang ibayong pamemressure ng mga magulang ko na nangungulit sa paghingi ng apo. Kung makahingi naman ng apo, aporado.
Buwan-buwan kaming nag-aassume ni Misis nun na sa gabi-gabing (minsan araw-gabi pa nga!) pagniniig namin ay baka nakabuo rin kami. Subalit sa bawat buwan na dadatnan siya ng kanyang regla, katumbas nun ay pagkalagas ng aking bulbol dahil sa pagkalugmok.
Halos mawalan na kami ng pag-asa nun, hanggang sa dumating ang buwan ng kanyang pagdadalantao.
Laking gulat ko nang mag-positive si Misis sa pregnancy test. Na sa halos dalawang taong paghihintay, sa wakas ay nakatsamba rin kami. Muntik na akong mapa-split with kandirit na may kasamang tambling sa kagalakan. Kaya pala nang mga nagdaang Linggo ay laging iritable at tumayms tu ang pagkabungangera, buntis na pala ang gaga!
Gusto ko lang magpayo sa mga mag-asawang hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na makabuo, unang-una siguraduhing may matres si Misis. Pangalawa, pakainin ng maraming buko si dyowa, pamparami’t pampalagkit ng semilya. Juk onli. Konteng tiyaga at hintay lang na may kasamang pagdarasal. Sa paghihintay, siyempre wag kalimutan na mas pailabin pa ang sex life. Yun ang importante!
Ngayon, kung tulad ko e tsumamba rin kayo, dapat ay handa tayong mga lalaki sa mga pagbabagong nagaganap at magaganap sa ating partner lalo na sa panahon ng kanilang paglilihi both physical and mental. Narito ang ilan sa mga dapat nating paghandaan:
MORNING SICKNESS - o ang pagduduwal sa umaga. Dinanas ito ni Misis noong nasa unang tatlong buwan siya ng kanyang pagbubuntis. Tuwing umaga, matapos bumangon sa higaan, agad siyang tumatawag ng uwak! Uwaaak! Uwaaak! Suka siya ng suka. But take note, hindi porke’t morning sickness ang tawag e di na nangyayari to sa hapon o sa gabi. Maaari itong mangyari sa buong araw anumang oras at anumang lugar gaya ni Misis na walang patawad. Kahit nasa kasarapan ako ng kainan ay biglang magsusuka.
PANANAKIT NG ULO AT BALAKANG - madalas niya itong inirereklamo. Noong hindi pa namin alam na buntis siya, bwiset na bwiset ako dahil akala ko e nag-iinarte lang siya at gusto lang ng libreng masahe ko.
MADALING MAPAGOD - mas madalas at mabilis siyang mapagod kesa noong wala pa siyang dinadala. Ihinakbang lang ng tatlong hakbang ang mga paa, hapo na agad-agad.
MOODY - ito ang dapat na pinakapaghahandaan natin mga lalaki. Dobleng pasensya ang kailangang ilaan. Dahil sa hormones, karaniwan sa buntis ang maging moody. Minsan masaya, mamaya magagalit. Papunta na sila sa pagkabaliw so pang-unawa ang higit nilang kailangan sa mga panahong ito. Ready tayo na tayo ang laging aawayin ni Misis sa ayaw at sa gusto natin. Tayo kase ang pinaka-convenient nilang kaaway dahil alam nilang tayo ang higit na pinakanakakaunawa sa kalagayan nila. One time nga, binato ako ni Misis ng charger, dahil hindi niya maisuot ang kanyang bra. Sumikip kase dahil lumaki siya. Sa malas ko, ako ang napagdiskitahan.
SENSITIBO SA PAGKAIN - dati rati paboritong paborito ni Misis ang penakbet, itlog at fried chicken. Noong najuntis ang hitad hay naku, kahit amoy nito, isinusumpa.
SENSITIBO SA AMOY - nakakahurt na katotohanan pero ang pinakaayaw ni Misis ay amoy ko noong “lihi stage” niya pa. Minsan nga di ko mapagilang ma-offend dahil sa gabi, ayaw niya akong makaharap o makadikit man lang sa pagtulog. Nakakasuka daw yung amoy ako. Ang totoo siya ang nakakasuka ang amoy dahil halos hindi na siya naliligo. Ayaw na ayaw kaseng makaamoy ng sabon, shampoo, toothpaste o anumang bagay na may kaugnayan sa pagligo. Ayaw niya rin ng cologne at alcohol. Kung noon, wala siyang pakialam kung magka-lung cancer man ako sa paninigarilyo ko, ngayong buntis siya, tangena, para siyang ginagahasa ng limang dyablo sa oras na makaamoy ng sigarilyo.
NAMAMAGANG SUSO - maliit ang suso noon ni Misis, sa katunayan kakailangan ko pa ng magnefying glass bago ko matunton ang kinalalagyan ng boobs niya pero nung mabuntis siya, Jusko mahihiyang lumapit sa kanya si Keanna Reeves.
PANGINGITIM NG PALIGID NG UTONG - self explainatory ito at di na kailangang i-explain. Ang pangit namang idetalye ang pag-itim ng paligid ng utong ng Misis ko.
PAGDEDEMAND NG TILA IMPOSIBLENG BAGAY - ito marahil ang pinakachallenging role bilang asawa ng isang buntis. Kung ano-anong pagkain ang pinabibili. Gusto ng manggang hilaw. Pag nabilhan ng manggang hilaw, nagbago daw ang isip.. Manggang hinog na naman daw n walang buto. Pinya na matamis na matamis. Kailangan yung wala ni konteng asim siyang malasahan. Pati durian na walang tinik, hinahanap din. Kung hindi ka ba naman mabaliw sa paghahanap. Tapos si Misis ang gusto niyan after my class, umuwi daw ako agad-agad sa bahay. Pag-uwi ko naman galing eskwela, jusko ang pambungad na palatuntunan sa akin e bat pa ako umuwi e naaalibadbaran lang daw siya sa amoy ko. Kung hindi lang ayaw kong lumaki ang baby naming walang tatay e magpasagasa na ako sa trak.
Iilan lamang ito sa mga pangkaraniwang pagbabago sa mga nagdadalangtao. Para sa tulad kong first time maging daddy, sa panahong ito, ang pinakamabisa nating sandata ay ang suporta at malawak na pang-unawa para sa ating asawa. Dapat ding mahusay ang pagdedesisyon natin sa lahat ng oras lalo pa’t madaragdagan na ng isang miyembro ang binuong pamilya.
Sa mga dalagang nagnanais maging ina, be ready! Sa mga binata namang may ganyang napapansin sa girlfriend.. Dali magtago ka na. Alam mo na at wag ng magugulat. Ihanda na an lampin. Tatay ka na dre. Apir! Goodluck sa’yo. Goodluck sa akin. Goodluck sa lahat ng magiging tatay!
Subscribe to:
Posts (Atom)