Tuesday, November 15, 2011

Si Ram.. (Ang Pagbabalik!)

Medyo Bastos. Nakakatawa, na tiyak mapapa-split ka sa kanyang mga havey na banat (minsan waley din.) Nakakagulat, sabay ta-tambling ka sa kanyang berdeng kalokohan. At siyempre nakakahanga na syurnes na kakandirit ka tu da maks (sa paghanga.)

Intro pa lang yan ha! En watdoyuekspek? Blogs ko nga to di ba? Malamang todo karga ako sa sarili kong upuan. Naman! Gawa ka din kase ng sa iyo.

Bat weyt ders mor!

Si Ram na bukod sa pagiging HAMBOL ay kyut din. Isang perpektong larawan ni Juan de La Cruz na kadalasa'y tamad subalit may busilak na putcho. Isang mapagmahal na ama at asawa (tanungin niyo si kumander!) Minsan dinidemonyo. Paminsan-minsan ay inaanghel din naman.. Ano daw?

Teka, ano nga ba ang pinaghuhugatan ng BLOG na ito?

Gusto ko lang ipaalam na magbabalik na ang inyong lingkod. (Nagbabalik saan?) Sa kanyang ataul este sa pagsusulat. Sa pagsusulat ng mga walang kwentang bagay. BWAHAHAHA! (halakhak lang ni Hudas)

At ilang buwan na ba akong di nakapagsulat? Humigit-kumulang isang taon? Oo, humigit-kumulang isang taon ko ng di nadadalaw ang aking blogsite.. Naknamputcha naman oh, hanggang ngayon e wala pa ring bisitors. Watdahel.. Malamang wala lang nakakaalala. Sino ba naman si ako? (Hikbi.) Aym dyas nating! (At nagdrama lang..)

Heto na naman si ako. Pipiliting magsulat, pipiliting magkwento. At pipilitin ko kayong basahin ang mga kwentong ito. Plisss.. Rid it na oh. Ang magbasa may libreng wan yir suplay ng isang sakong bigas. Na may karagdagan pang wan yir suplay din ng sardinas, (yung red na hat plibor, su aden barko nin) kung magtangka kang mag-koment. O ano pang hinihintay niyo? Tsaynis Nyu Yir? Basa na.. At koment na. Naw na! As in naw na! Plisss..

Siryusli, hindi ko layunin na maintindihan niyo ang bawat blog na isinulat ko o isusulat ko. Nais ko lang na ipakilala ang isang nilalang na madalas nangangarap ng gising; isang nilalang na madalas mang-gudtaym sa mga taong baduy; isang nilalang na paminsan-minsan ay naeebak pa rin sa kanyang salawal; isang nilalang na minsa'y dinanas na mabugbog ng kanyang mentali retarded na titser nung greyd por; isang nilalang na minsa'y naging biktima na kanyang mahaderang ante nung bagets bagetsan pa siya; isang nilalang na dating di napapatumba ng isang longnik na tanduay; isang nilalang na mapagmahal sa pamilya (kuno!); isang nilalang na--- ano na nga ba yun? (sabay hingal.)

Etong muli ang pagpapatuloy ng aking kwento. And I just want you to know (naks nowsblid!)

At nais kong sabihin na ang gwapo-gwapo ko. (Hayaan niyo na, patapos na din naman e..)







At gusto ko lang ipaalam na ang yaman-yaman ko!