Sa kalagitnaan ng pagkakahimbing, napabalikwas ang buong miyembro ng family tree ko sa lakas ng katok ni madir. Weyt, katok ba ang nasabi ko? Pukpok pala. Pukpok sabay tili.. Si madir na dinaig ang mga tili ni Kris Aquino..
"Hey guys, wake up! Wake up! OMG! The baha is make pasok pasok na to our house! As in OMG talaga! Huhuhu!" (kolehiyala lang ang madir?)
At tumili pa ng tumili. Dinampot ang bato. Sabay tili ulet ng--- "DARNAAAAAA!!!" Juk onli.
Laking gulat ko. Kitang kita ko kung paano pinasok ng baha ang mansiyon. Nataranta ang kagwapuhan. Sabay may-i-run tu da sala..
Binuhat ang tv!Binuhat ang dvd player!
Binuhat ang soundbox!Binuhat ang mga album!
Binuhat ang mga aklat!
Binuhat ang sala set!
Binuhat ang buong sala!
Binuhat ang refrigerator. Ay wala pala kami nun.
At kanya kanyang buhat na ng iba pang kayamanan..
Kung inaakala niyong si madir lang ang uber kung makasigaw.. Mali! Kung si madir ang nagwagi sa "Best in Tili of The Year Award in a Binaha Kami Category", e first runner-up naman ang inyong lingkod na si ako---
"Dobul taym! Dobul taym! Aabutan na tayo ng baha! Naku dobul taym naman plis! Kung pwedi gawin nating tripol taym o kwadrupol taym!---
Dobul taym! Dobul taym sa pagpiktyur sa akin. Iklik na kase agad ang digi-cam. Aabutan na tayo ng baha niyan e.Magpaplankingako sa ibabaw ng lamesa habang may baha. Pangfacebook ito! Piktyur na! Now na!" ang banat ko.
Haaay.. Sa awa ng Diyos, wala namang malaking pinsala sa amin si Ramon--- pangalan ng bagyo.
Inanod lang naman niya ang mga pananim ni madir.
Giniba lang naman niya ang gate namin dahil sa gabundok na basura.
Binasa lang naman niya ang mga damit at beddings namin. At kinabukasan, laba-marathon ang drama ng pamilya. Ang ending, nagkasugat-sugat ang pangmayaman kong kamey.
Pinuno lang naman niya ng sampung pulgadang putik ang mansiyon.

Pero ganun pa man. Nagpapasalamat pa rin ako, dahil ligtas ang buong miyembro ng family tree ko! (konteng drama sa ending!)