..sa tagalog, grabeh ang init-init na. I can really feel da bagsik of global warming. My Gosh!!! My skin will get sira sira na because of da direct contact of da sun. Ayan kase eh, da people are sobrang hard headed. They make tapon-tapon basura anywhere and always sunog-sunog basura den it happen na da ozone layer was butas-butas na kaya it so init na tuloy! It seems that I can take da init na talaga.
Napilipit ang dila ko dun ah.. Ang hirap palang magsalita ng ganun.. Pero infairness, tunog sosyal talaga ang taglish ko. Ayun nga, bonggang temperature ngayong araw na to ang nararanasan ko!
At dahil nga sa sobrang init.. May tatlong bagay akong pinaggagawa just to survive.. (Charr.. just to survive???)
Una :

Ginawa kung pamaypay ang pera ko! (ang yaman.. Pera pa ang ginawang pamaypay.)
Pangalawa :

Napaorder ako ng halo-halo ng wala sa oras.. Kahit andami ko pang dapat tapusin na requirements, niyaya ko si Tita Ken na mag-halo-halo and thanks God dahil hindi siya nagpa-KJ this time!
Pangatlo :

Kahit hindi ko gusto ang shade na to ay binili ko na lang, Mura lang naman kaya go na! Proteksyon lang sa sikat ng araw. Naiwan ko kase yung shade ko sa bahay.