Wednesday, February 24, 2010

Laughtrip On Valentines Day

February 14..

Valentines Day..

Ang araw kung kaylan mabenta ang chocolates, flowers pati mga stuffed toys (tama!!!) . Ang araw kung kaylan uso ang mga nakakakilabot na chessy lines.. (korek!!!) Ang araw kung saan maraming tao sa plaza (a-huh..) And ofcorse eto rin ang araw kung san maraming customers sa hotel/motel.. Why not???

Pero para sa aming walang date on this day.. (huhuhu) Pwedeng pwede pa naman kaming pumunta sa plaza.. sabi nga ni Sir Dan, magpa-firing squad daw (bang!!!) Wow huh, ang saklap naman nun.. Ang sweet mo naman sir. Pero di pa rin namn ako nalulungkot. Well ayon nga ulet sa inspiring message ni Sir Dan, "Let's accept it positively!" OO NGA NAMAN.. Kase nga, pag may date, syempre gagasto ka pa naman di bah? Gasto sa regalo, tapos syempre pag may date.. pakakainin mo pa yung kadate mo. Maswerte ka kapag hindi s'ya patay gutom dibah? Ikaw pa ang mamamasahe sa kanya. Maswerte ka ulet pag trip niyang mag-ALAY LAKAD! oh dibah? Pag walang date, walang gasto.. Tama nga naman si Sir! So let's take it positively.. Sa mga may kadate kahapon..


"Oh ano ngayon? Eh di gumasto kayo? Bleeeehhh.."



Yesterday hindi ko naman naramdaman yung kalungkutan ng walang kadate on VALENTINES DAY kase nga ang super saya namin.. Nareunite kaming mga CSG and SAC officers. Nasa deepond beach kami kahapon para magsharing-sharing kunwari about on what we observed in one year naming term sa school.. di naman ganun kaseryoso yung sharing.. actually, tawa kami ng tawa sa mga activities namin. Kakaloko. Kinabagan ata ako.

5:30 ang usapan namin ng pagkikita-kita.. and as usual the LATE KING.. almost 9am ng sumunod sa venue. So obviously, di na ako nakasama sa fun walk na ginatawag! sorry Ma'am Joy And Ma'am Gemma, sabi ko nga "mas magtaka kayo kung ako yung EARLY BIRD!"

Kasalanan to ng Pinoy Big Brother dahil pinuyat ako ng BIG NIGHT.. Manisi bah???

Anyway, Umaga pa lang, grabei kakaloko kase usapang TAMILOK na agad huh.. Nauso tuloy ang TAMILOK na yun.

TAMILOK, yan yung finitured nung saturday sa Jessica Soho Reports ng GMA7 na pampagana daw sa sex at pampainit daw talaga.. Interesting right???

Asan na nga ba yang TAMILOK na yan.. I WANT TAMILOK! ahahaha..

Isa pang LAUGHTRIP, paumpisa na kami na tinatawag na reflection kunwari na pauso ni Ma'am Gemma. So may papikit-pikit na kami ng mata with matching an open palm sa toe namin.. Bakit ba di ko magawang magseryoso..? Kase bah naman habang nakapikit silang lahat, ako naman nakadilat lang, So alam na alam kung si Bench, dumidilat din tapos ang ibang highschool nagtatawanan pa.

Umieksina pa ang anak ni Ma'am Gemma.. Very laughtrip talaga. Ubeeer!

Hindi lang anak ni Ma'am Gemma ang umeksina.. biglang may matandang nagbebenta ng mani ang dumating while ginaganap yung first activity namin kunwari na reflection..

"Gaano kamu diri? wow, gahimo-himo sila sing heart.."(kase that time may high school na nagdodraw ng heart sa buhangin) sabay sabing.. "bakal na kamu mani oh" Ang taray ni lola..

Another laughtrip, pagtripan ba naman ni Bench si Juno? in fairness, nice tandem.. figure sa figure.. ahahaha.. SAC president meets the CSG treasurer. Astig! Bench, i think you need TAMILOK.. Mapapasabak ka ata kay Juno.

Ro-Ro-Row your boat.. Gently down the stream ! (to the tune of Bad Romance by Lady-Gaga..) Isa pa tong nakakatawa na inuulit-ulit kantahin ni Janna..

Grabeh ang trampauline ni Paul Jake.. worth 2million.. Imagine??? Ano daw??? TRAMPAULINE??? Ano yun? It's TARPAULINE Ram.. Not TRAMPAULINE!!! Ewan ko sayo..

Super dami pang laughtrip kahapon kaso pagod na akong magtype.. Hahaha!




Anyways.. Wala pong kaugnayan ang picture na eto on this entry.. Aside from nakakatawa lang talaga eto.. (May Laughtrip ang title eh..) Laughtrip nga naman ang pangit na picture na eto.. para lang naman akong, kagagaling sa Muntinlupa.. Kalbo pa ako dito.. 2years na ang nakakalipas bago kunan ang larawan na ito! naaliw lang ako.. napakawacky and looks cool naman.. Isn't it???