Thursday, February 18, 2010

ALCOHOL IS MY ESCAPE AGAINST DRUGS

Ilang minutes na akong nakatanga sa computer screen na ito pero putchaaaa.. wala akong mahagilap na topic sa kung anong ipopost kong blogs.. waaaaaahhhh.. Ang bigat ng pakiramdam ko

Sasabog na ata ang ulo ko! Sobrang hilo! Oooopsss.. mga utol, hindi ako nasisiraan ng bait hah! Napasabak na naman kasi sa matinding inuman kagabi.Kaya heto, hang-over again
.

(gulat mode)Wow! Speaking of hang-over.. Nakakuha na ako ng topic at tiyak makakarelate ang mga tropang “ALCOHOLIC”!
Kailan ka ba unang nakatikim ng napakapait na lasang hindi mo maintindihan kung anong klaseng pinaghalo-halong sangkap? Kailan unang nadampian ang iyong labi ng basong ang laman ay serbesa o alak?

1st-year high school ako nung makilala ko si Redhorse. Sa una patikim-tikim pa lang! Hanggang sa nasanay. Sunod kong nakilala sina San Mig Light, San Miguel Beer, Beer na Beer, Colt45, Gold Eagle Beer..at sumunod ang mga astig na sina Tanduay, Emperador, Matador, Generoso, GSM, Gilbeys, Bar at kung sino-sino!

Dahil sa mga inuming ito, andami kong naexperience. Andami kong nakilalang mga astig na tropa. Nakasalo sa lamesa, sa basong pinapalibot, ka-50 sa yosi, kaagawan sa pulutan at chaser! Hayyy.. kakatwang isipin.

Hinding-hindi ko malilimutan, pumasok kami sa school na nakainom.. pinagtripan ang mga profesors.Pinuno namin ng vandal ang CR at pinagsisira ang lahat ng nakapost sa bulliten board, kaya 2weeks kaming suspended with disciplinary sunction.. Naglinis kami ng buong 4floors building!
Nabuntis ang isa kong tropang babae dahil sa sobrang kalasingan. Nagpakentot sa ulol naming tropang lalaki!

Napaaway sa videoke bar dahil kulang ang ibinayad namin sa aming bill.

Nadisgrasya pa kami at nagdive ang motor namin sa imbornal. Punyeta, umuwi kaming amoy putik.

Nahospital ako sa sobrang pagkalasing.. Imagine, dahil lang sa alak.. 3days ako sa hospital?

Andaming nakakatawang pangyayari. dahil sa sobrang dami, hindi ko na kayang isa-isahin..


Mga linyang.. “Tol, wag na tayong pumasok sa Math, inuman na lang tayo. Cheap-in, kahit 30-30 lang.”

“Puta, nagbeak na kami pare.. Tara inuman tayo!”

“Tol, may problema ako bah.. Tagay tah?”

“Wow, pasado ka sa Chemistry.. painom ka naman jan..”

“B-day ni pare.. Puntatayo sa kanila.. Magpapainom yun!”

Masarap uminom. Bakit? Kasi pag lasing ka, kahit sandali naiiwan mo ang mundo.. Ang tunay na mundo. Kaya mong magmellow-drama sa mga kainuman mo. Hindi ka nahihiyang umiyak. Sarap ding tumawa pag lasing. Parang wala ng bukas.

Ngayon, almost 2year ko ng di nakakinuman ang dating tropa ko! Kakalungkot isipin na may kanya-kanya na kaming buhay. Iba-iba na kami ng tinatahak na mundo. Miss na miss ko na sila! (ang drama!)

Pero syempre masaya pa rin ako. Hindi pa rin nagsasawang uminom. May mga new set of tropas na naman. Bagong adventures, bagong trip. Bagong kasalo sa lamesa, bagong kasalo sa tagay. Hoooohhh..

Para sa mga hindi nakakaintindi sa amin, at itinuturing kaming masasama.. wala lang.. Inuman tayo para matikman niyo kung gaano kasarap magwala. Jeje peace!!!

Oo, pag uminom ka ngayon.. Maaaring bukas wala na ang tama! (Hang-over na lang.) Maaaring pansamantala lang ang kasiyahang idinudulot ng alak pero kahit sa pansamantalang iyon atleast nasabi mong..

..”ANG SAYA KAHAPON!!!”

Sa mga dating tropa ko, bagsik niyo.. Sana balang araw magtagpo-tagpo ulit ang landas natin sa iisang lamesa.

At sa mga tropa ko ngayon, Lupit niyo.. Sana walang iwanan dahil marami pa tayong bubuksang bote.

Ingats mga utol kong tanggero.. LOL!