Friday, November 18, 2011

Ang Mahinang Memorya ni Nana


Kadalasan, kapag tumatama sa akin ang anino ng kadiliman na nagmumula sa kalangitan, inihiheli ko ito ng mga masasayang gunita ni Nana Mila, ang aking namayapang lola. (isang nakakalunod na introdaksiyon! Makata tayo ngayon. Waynat kokonat?

Si Nana Mila, na asawa ng lolo kong si Hadji Musa, (na nasa langit na ngayon, resinpis!) na tatay ni Daud, na malamang ay aking fafa.

(Hingal.. Sino pa ba ang pwede kong i neym-drap?)

Hindi siya katangkaran, ngunit di rin naman kaliitan. Sakto lang. Yung tipong "muntik lang tumangkad!" Medyo may kahabaan ang kanyang baba. Ay hindi--- may kahabaan nga talaga. Ai-ai de Las Alas. Parang Ganun! Tapos laging may nakapatong yan na belo sa kanyang ulo. Teyk not, nakapatong at hindi nakasuot. Mahina na ang kanyang memorya. At hindi lang yung memorya ang mahina sa kanya. Pati rin pala yung kanyang pandinig.

(REPLEY..)

ME : Nana, pakiabot nga po yung MARTILYO at yur sayd plis. Now na!

NANA : (Deadma.. Walang narinig.)

ME : Hey nana, ang MARTILYO kako, pakiabot.

NANA : (Deadma pa rin ang lola mo.)

ME : Nana, ang MARTILYO, pakiabot.. (wid da empasis ob MARTILYO. Pasigaw, baka sakaling marinig na.)

NANA : WAG MO NGA AKONG SIGAWAN! WAT DO YU TINK OF ME? BINGI??? ITONG KUTSILYO OH.. (at ang inabot ay kutsilyo)

Maraming habis (hobbies) sa buhay si Nana :

Una sa listahan niya ang pag-mama. Pagha-halu-haluin niya yung mga di ko na maintindihan na mga sangkap! Sabay mey-si-sheyk-sheyk niya sa kanyang ngangabu tapos idudura rin naman. Nguya, dura, nguya, dura..

Parang adik lang!

May talent din siya sa paglalala ng banig. Nalibot niya na ang apat na sulok ng bahay sa paglalala lang. Palipat lipat kase ng pwesto. Lala doon. Lala dito. Lalalalala.. (kinanta?)

Bukod sa paglalala. Habi niya pang maglinis ng bakuran. Masipag ito! Dahil ultimo bakuran ng ibang tao ay wawalisin.
O di kaya ay dadamuhan. Yan si Nana.

Habi niya pang magtago ng kutsilyo, martilyo, sinulid, karayom, plato, kutsara, repridyeretor, sopa, kama, sala set, haws en lat (at kung anek-anek pa..) At kung hanapin sa kanya yung mga tinago niya? Naku patay tayo diyan! Nakalimutan ni Nana. Mahina nga pala ang kanyang memorya di ba?

At ang panghuli sa listahan ni Nana ng kanyang mga habi, ay ang paglaklak ng kape. Maya't maya yan nagkakape. Kapeng nitib (native.) At sing laki ng dram ang baso! Diyos ko po!

Kwento ng mga tita ko, at ng mga tito ko, at ng mga pinsan ko, at ng mga iba pa naming kamag-anak, ako daw yung paboritong apo ni Nana.. Dahil nang minsan daw e nasaksihan nilang naghahati siya ng hamborger. Tapos binalot, sabay sabing---

"Ito.. para sa paborito kong apo, si Ram.."

Juk onli!

Ito yung totoo---

Nang minsang nasa hapag-kainan kami. (Malamang kumakain kami, sa hapag-kainan nga di ba?) Sabay kaming naubusan ng pinsan ko ng ulam. E wala ng pandagdag. Ubos na. Pero si Nana may ulam pa. Sekretong ipinasa sa akin yung ulam niya. Sa ilalim ng lamesa iniabot. Pero biglang may umagaw na pusa. Lintik! Wala ng ulam. Pasekrito din akong aabutan niyan ng isang piso. Sabay bulong na..

"Wag mong sabihin sa mga pinsan mo na binigyan kita ha.. Sabi ko kase,wala akong pera e.."

Marahil ay hindi naniniwala tong matandang to sa kasabihang "layars go tu hel!" Hahaha.

Mga yir 2006 na siguro nung huli kaming nakapag-usap ni Nana. Ilang taon din kaming di nagkita dahil nag-aral ako sa ibang lugar, malayo sa piling niya. Sa muli naming pagkikita, di na niya ako nakilala. Sinubukan kong magpakilala. Ilang ulit. Na kesyo anak ako ni ganito. Pero wa epek sa lola mo. Blangko lang siya. Walang emosyon. Walang bakas ng pananabik. Nalungkot ako. May kirot iyon sa aking puso. Gusto kung sumigaw ng--

"may gudnis Nana, ako yung paborito mong apo di ba! Bakit di mo ako maalala? O kamon!"


Sa isip ko na lang.. Paano nangyaring ang paborito niyang apo ay tuluyan ng nawala sa kanyang mahinang memorya? Nangilid ang luha sa magkabila kung mata, tumulo yung luha una sa left eye ko, tapos sa right, tapos sa left ulet, tapos sa right na naman. Tapos sabay sa left en right eyes na (may blocking???)

Sinabayan ko na lang siyang lumaklak ng kapeng nitib. Nagkwento tungkol sa mga alagang daynasor nong bagets pa siya at nakinig na nga lang ako sa iba pang kwento niyang panahon pa ni kupong-kupong.

At yun ang huli naming banding..

Dahil isang araw.. Nabalitaan ko na lang, patay na si Nana.. =(




(This BLOG was post last September 24, 2011 at my FACEBOOK'S note)