Friday, November 18, 2011

ESTRANGHERONG TiNEDYER



May isang tinedyer in da haws--- ang aking bunsong kapatid. Na parang kaylan lang, e todo eport pa ako sa pagke-keri-keri boom boom (pagkarga) sa kanya. Parang kaylan lang mey-si-popo pa siya sa kanyang panti. Ay mali, madalas pala siyang di nagpapanti. At nakabuyayang si Aling Pechay.. (juk onli!)

Nong nag-tartin na, tumangkad ang bruha. Nagkaroon ng hubog ang katawan na mala Venus Raj (loko lang.), tinubuan ng iilang tagihawat sa fez na pinapaputok namin tuwing Tsaynis Nyu Yir, at may lumabas na kaunting kabastusan sa pag-uugali (like any ordinary teenagers going through--- nag-uuminglis lang po ng pakonte-konte. Hayaan niyo na.)

Madalas nagdidiklara ako ng giyera. Oo, giyera, sa pagitan naming dalawa. Katakot ano? At madalas ako ang panalo. Yipe! Dahil inpernis, di na man siya lumalaban. Bat aymsyur gustong gusto ng hitad na makibaka.

Pero pagkatapos ng medyo mahaba-mahabang sermon ko (na inaabot ng porti eyt yirs) :

..sa kung bakit niya kailangan laging iligpit ang higaan pagkagising (baka nga naman pamahayan ng anakonda!)

..kung bakit ayaw na ayaw ko siyang mag-selpon (Diyos ko, gawin niya muna ang asayment sa kemistri.)

..kung bakit niya kailangan ng todo eport sa iskul (nakakataas ng presyon ang puro palakol na greyds.)

..kung bakit pinagbabawalan ko siyang mag-boypren at pinalilimitahan ko sa kanya ang pagbabarkada. (trip ko lang! Juk onli, syempre para to sa pyutyur!)

..kung bakit kailangan lagi niyang buksan ang kanyang aklat (at basahin din siyempre.)

..kung bakit bawal niyang iwan na nakabuyangyang ang kanyang panti sa bathroom (bathroom para pang-mayaman!)

---ay nagkakaroon din naman ng peace talk sa pagitan namin. Hindi lang sa pagitan ni Abnoy Noy at ng MILF nagaganap ang peace talk (sa pagitan din naming magkapateeed.)

Hindi siya ganun kagaling magsinungaling (may raym?) Noong isang linggo lang mey-ay-babala pa ako na dapat ala-singko (pi em) nasa bahay na siya. Nat por pipti nayn pi em.. Nat payb o wan pi em bat payb pi em eksak! (Strik?) Kundi makakatikim siya ng sarswela de kamao. At dahil nga masunurin ang batang ito, umuwi ng payb tarti pi em. At siyempre pa, may rason ang gaga. Kliners daw. E nung isang araw kliners din to ah. Araw-araw kliners? Ganun? Kalokohan! Makalipas lang ang labing limang minuto umamin na siya ng katotohanan. At pawang katotohanan--- rumampa pa daw sila ng barkada sa kung saan sa dako pa roon. Ayun, nakatikim nga ng sarswela de kamao!

Maybe I am not always right about her but I am pretty sure that I am right about the things I want for her (in tagalog, kinapi-pes ko lang ang ingles layn na ito! Hahaha..)

Alam kong sa ngayon di pa niya maiintindihan ang mga pangaral ko. Pero sigurado akong pagdating ng panahon, masasabi ng "ESTRANGHERONG TiNEDYER" na ito na..

"Tama pala si kuya.."


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------