Monday, February 20, 2012

MASIKIP KA MAN SA UMPISA, LULUWANG KA RIN PAG INARAW-ARAW KITA!


“Miss, wala na ba talagang size eight nito?” Tanong ko sa saleslady na may limang pulgadang na ng kolorete sa mukha. Ang totoo, iyon na ang pangatlong ulit ko sa tanong na iyon. Halos mag-init na sa kamay ko ang kanina ko pang hawak na sapatos. Size seven ito. Nasa size seven and a half ang sukat ng paa ko. Dahil nga minsan ay wala naman talagang half-size sa ilang brand ng sapatos, malamang size eight ang bibilhin ko.
Nabakas ko sa mukha ni saleslady ang pagkayamot. Sigurado, nakukulitan na ito sa akin. Parang gusto na nga akong sagutin ng— “Paulit-ulit? Unlimited? Wala nga di ba?” Pero dahil nga sa saleslady lang siya ay wala siyang karapatang magtaray, lalo na kapag pogi ang customer na kaharap nito. Sa halip, isinihuwestiyon ang iba pang mga sapatos.
“Sir, marami pa naman kaming ibang disenyong sapatos na may size eight na available. O kung gusto niyo, bumalik na lang kayo next week at dadating ang stocks namin ng ganyang klaseng sapatos.”
“Pero ito ang gusto ko Miss. At mababaliw ako pag hindi ko to nabili now na! As in now na!!!” Eksaherado kong sagot.
Maraming magagandang sapatos na nakadisplay sa shoe section ng mall na iyon. Pero bukod tangi itong hawak-hawak ko. Ang simple lang ng disenyo pero pangmayaman. Bagay sa akin. Simple pero mayaman (chos!) Paborito ko pang kulay, puti. Ang natitiyak ko, mas popogi ako pag suot-suot ko na ito. Malalaos si Vhong Navarro at kakabahan si Coco Martin.
“Isukat mo kaya muna? Baka magksya rin Sir.” Si saleslady.
At isinukat ko nga. Niluwagan ang tali ng sapatos. Ibinuka. Iniangat ng bahagya ang kanang paa. Saka isinuot sa sapatos ang kanang paa. (Tinangggal ko pala muna yung dating suot-suot na sapatos. Hihi!) Tapos PAK!!! Naisuot ko na nga. Inilakad-lakad.
“Kasya naman pala Sir eh!” si saleslady ulit.
“Di naman pala ganun kasikip. Pero wala ng allowance sa paa. Yung tipong kamuntik ng sumikip. Yung di mo na masusuutan ng medyas dahil talagang sisikip na. May konteng kirot sa paa. Pero di bale na.. Baka sa umpisa lang ito. Luluwang din to pag inaraw-araw ko.” Sa isip-isip ko pa.
MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW.. (may ganun?)
Dumating ang unang araw na ginamit ko ang sapatos. Kaiinggitan na naman ako sa school nito.
Sa unang isang oras na suot-suot ko ang sapatos, okey pa!
Sa pangalawang oras, medyo hindi na. Pero natitiis ko pa, para sa porma. TIIS-PORMA ito.
Sa pangatlong oras, ibayong tiis-porma na. pero sabi ko, “magkamatayan at magkaputulan na ng paa pero titiisin ko ito.” Mangiyak-ngiyak na ako nun. Bawat hakbang, napapangiwi ako sa kirot na dala nito sa aking kawawang paa.
Kaya sa pang-apat na oras, napagdesisyunan kong umuwi at magpalit ng suot na sapatos. Hindi ko n kinaya. Masikip. Masakit. Makirot.
Tinanggal ko yung sapatos. Taena! Nabalatan ang bandang likod ng aking paa.Aray! Tapos naisip ko..
Ang sapatos pala ay para ding pag-ibig. Na kahit anumang pagmamahal ang ipakita mo sa taong minmahal mo kung di ka talaga niya gusto, wala rin. O kung gusto ka man niya pero di talaga kayo ang para sa isa’t-isa, hindi talaga! Pilitin mo man. Pilitin niyo man. Ikaw din, kayo din ang magdurusa’t masasaktan. Dahil ang pag-ibig ay dapat ialay sa tamang tao. Gaya nang nangyari sa paa ko. Kung tamang sapatos sana ang binili ko, hindi sana ito masasaktan.
Sabihin na nating mahal niyo nga isa’t-isa pero hindi kayo makapaghintay. O may isa lang sa inyo ang hindi makapaghintay ng tamang panahon. Wala pa ring mangyayari. Dahil ang pag-ibig, dapat may right timing. Nasa tamang panahon. Hindi sana masasaktan yung paa ko kung nakapaghintay lang ako ng parating na stock, di ba?
Pero paano kung malakas talaga yung fighting spirit mo? Lalaban ka pa ba? Kaya mo pa bang magmahal? Kaya mo pa bang magbakasakali na may tamang panahon nga? Na baka sa huli ay matututunan ka rin niyang mahalin? Na baka nga kayo talaga ang para sa isa’t-isa?
E ako, kakayanin ko pa bang suutin tong masikip kong sapatos? Tama bang magbakasali pa akong luluwang din ito pag inaraw-araw ko na ang paggamit nito?