Tuesday, February 14, 2012

ARAW NG MGA PUTCHO



FEBRUARY 14.

Hindi man nakatatak sa kalendaryo, knowsline parin nating ARAW NG MGA PUSO ito. Kung kailan mabenta ang rosas. Pinag-aagawan ang tsokolate. Bidang-bida si teddy bear. Nagkakandarapa ang karamihan sa pagpili ng magandang kard. I-tsi-tsik ang kondom sa pitaka na matagal ng nakatago dahil hindi pa magamit-gamit. Hindi pa ba expired? Baka kase dis taym arawnd, magagamit na. Pero kung expired na--- tatambling sa botika. Bibili. Ano kayang flavor? Strawberry? Banana? O Chocolate dahil balentayms naman. O Hot and Spicy flavor kaya?

Tatlong klase lang naman ng tao ang super-apektado ng araw na ito:

UNA. Yong may mga ka-fuck-ners. Este ka-partner. (Kami yun.)
Apektado talaga, dahil kami lang naman iyong gagastos ng bunggang-bungga. Hay naku! Bat pa kase 29 ang huling araw ng Pebrero. Pwede namang 13 na lang. At kung hindi naman kami magreregalo tiyak gigiyerahin kami ng aming mga ka-partner.

"Hindi man makakain sa Mang-Inasal,
O maging kasing talino ni Rizal
Ang mahalaga, natupad ang aking dasal,
ikaw sa aki'y nasakal este nakasal!"


Yan ang banat ko kay Misis, paggising na paggising ko pa lang kanina. Kasabay nun ay ang pagbati ko ng HAPPY VALENTINES DAY! At ang mala-imburnal na hininga.


PANGALAWA. (klase ng taong apektado ng katorse ng Pebrero) Si single-singgolan. walang kayakap. Walang kakiss. Walang kakisskisan. Malungkot. Naiinggit doon sa meron. Kaya ihahanda ang lubid. Isasabit. Itatali ang leeg. Bigti mode on. Diyoskopo! Wag naman! Malay mo neksbalentayms meron na. Asa ka pa ng wan yir ulet. Oh com'on, look at the positive side (uminglis?)--- na wala kang gasto ngayong araw.

"Kung maghihintay ka nang lalandi sa'yo
Walang mangyayari sa buhay mo.
Dapat lumandi ka din!"

PANGATLO. Yung may mga partners nga. Pero parang wala lang. (walang mahabang eksplinasyon. Parang wala lang nga di ba?)

Teka, matanong ko lang ha.. Sino ba ang naalala mo ngayong balentayms? Por syur si girl/boypren? O si misis/mister. Si kaibigan tiyak nabati mo na. Si titser nabigyan mo na rin ng kard ano? Sino pa ba?

Hmmmm.. Kawawa naman si magulang. Nakalimutan mo na naman. Napakawalanghiya mo din ano? Ang kapal ng kupal mo. Ilang taon kang pinapalamon tapos kahit papel na rosas o tig-pisong choknut man lang e hindi mo naibili? Pero di pa naman huli ang lahat. Yayain mo kaya siyang kumain sa labas?

Alam niyo ba na ang mga magulang ang pinakamagandang i-date sa balentayms? (kuya kim???) Madalas kase, sila ang libre!

API BALENTAYMS DEY. Sa asawa ko. sa nanay at tatay ko. Sa inyong lahat!!!