Saturday, December 25, 2010

Regalo sa Pasko


A conversation with my friend..

FRIEND : Tol, ano'ng magandang regalo ngayong pasko sa girlfriend ko?

RAM : Photo Album.

FRIEND : Putangina! Hindi naman yan masyadong common ano???

RAM : Photo Frame.

FRIEND : Naknangtinapa! Seryoso ako tol!

RAM : Seryoso din ako. Mukha ba akong nagjojoke? Hayop!

FRIEND : Weeeh.. Di nga??? Ano na nga???

RAM : Isang dosenang pinggan.

FRIEND : Tol, regalo sa pasko, hindi sa kasal..

RAM : Snowman!

FRIEND : Peste! Yung something sweet tol.

RAM : Eh di chocolates. Bobo mo naman. Pinapahirapan mo pa sarili mo.

FRIEND : Corney naman nun.

RAM : Flowers with cards.

FRIEND : Mas corney. Tol yung maaapreciate niya. yung tipong maluha-luha siya pagkatanggap niya. ganun.

RAM : Ganun? Pink Car. Remember naluha si Kim Chiu nung makatanggap ng Pink Car from Gerald Anderson. I know right?

FRIEND : Can't afford naman tayo diyan. Yung medyo practical naman..

RAM : Pink Cellphone?

FRIEND : Mas practical pa.

RAM : Isang sakong bigas.

FRIEND : Niloloko mo yata ako eh.

RAM : Ikaw ba eh humihingi ng suggestion o ano? Umalis ka na nga dito. Etong piso, bumili ka ng kausap mong hinayupak ka. Hina-highblood mo ako eh. Diyos ko!

FRIEND : Joke, masyado kang pikon? Full moon? Full moon?

RAM : Nang-aano ka eh..

FRIEND : E ano na nga? Something practical but sweet.

RAM : Isang kilong asukal.

FRIEND : Wala ka ba talagang matinong suggestion?

RAM : Pink na kabaong gusto niya? (nag-isip..) Ahmmm.. teka natanong mo na ba kung anong gusto matanggap ngayong Pasko? It will help..

FRIEND : Oo, natanong ko na rin..

RAM : E ano daw???

FRIEND : Kahit ano daw.. Tapos sabi pa, di naman daw mahalaga yung materyal na regalo eh..

RAM : Ayun naman pala e. Ayaw pala ng materyal. Hala sige't regaluhan mo ng Pag-asa. O di kaya Kapayaan, O di naman kaya ay Pagkakaisa.. Ano pang hinihintay mo? Go, bumili ka na ng pambalot mo. Now na!

FRIEND : ???


Well, that's scripted. Bunga lamang ng malikot kong imahinasyon! Wala lang akong matinong entry this Christmas! Sa relihiyon kase namin, walang Pasko-Paskohan! Pero nirerespeto ko naman yung paniniwala ng ibang relihiyon sa Pasko. The fact is umaattend naman ako ng mga Christmas Party na yan. Chibugan e.. At sumasali ako sa exchange gift syempre. Naman! Actually tatlong beses kaming nagparty-party ngayong Pasko sa pinapasukan ko. Oo, tatlo! Ganun kasosyal. Kailangang tatluhin ang party. Not once, not twice.. But TRAYZZZZ.. (pa-safe lang sa spelling..)


Jollibee Meets & Beats Chowking & Greenwich @ Southseas Complex - Dec. 07, 2010

Jollibee Cotabato Xmas Party - Dec. 15, 2010



Dining, SMART, Kitchen & Stockman Join Force Xmas Party - Dec. 21, 2010