Wednesday, December 22, 2010

Ex-Boyfriend's Burden

Ilang araw na akong walang maisulat.. Hindi ko alam pero sadyang wala lang akong maisip na topic. Unang-una, walang napaghuhugutan. Pangalawa, sobrang naging busy.

Tapos kanina, sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko ang ex ko.. di niya ako nakita, ako lang ang nakakita sa kanya. And to my amazement.. di gaya ng inaasahan ko, di ako nanabik. ganun pala yun??? Parang wala lang???

(Katahimikan...)

Minsan dumating sa buhay ko na "nagmahal ako.."


Minahal kita ng sobra. Halos ibigay ko nga ang lahat ng sa akin, para sayo di bah? --- Oras, atensiyon, pati katawan! lol. Ni hindi na nga ako nagtira para sa sarili ko eh.. Para bukas. alam mo yung feeling na ultimo isusubo mo na lang, ipamimigay mo pa? Ganun yung nagawa ko para sa'yo. Nagpakatanga ako na parang balewala. Nagpakagago!


Siguro nga, ganun lang talaga ang reyalidad1. Ang masaklap na reyalidad sa mundong ibabaw. Pag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka. Lagi kang aasa!

At buti na lang ipinanganak akong hindi ganun kabobo! Bago mo pa ako maunahan, iniwan kita dahil ayokong patuloy mo pa akong sasaktan. Hindi din ganun kadali, Oo! Pero pinilit ko. Nagawa ko.

Tinalikuran kita dahil galit ako sa'yo. (Putang-ina mo, ipabugbog mo ba naman ako sa barkada mo???) Kampon ka ni Hudas! Satanas! di mo pa sinasauli ang mga hiniram mong gamit sa akin. Pero wag kang mag-alala, ipinagtirik na kita ng kandila, at sinukatan na kita ng kabaong mo. Kulay Pink, paborito mo iyon di bah?

Honestly, lumayo ako dahil ayoko na.. Sawang-sawa na rin kase akong umasa. Nakakasawa rin pala.

Ayaw ko ng paikutin pa ng mga kasinungalingan mo. Hayop ka!

Ang daya-daya mo rin ano??? Noong tayo pa di ba, itinuring kitang prinsesa? Pag malungkot ka, pinapatawa kita. Pag feel mo magdrama, nakikinig ako! Pag gusto mong magpasundo, kahit sang dako ka pa roon, sinusundo kita. Lagi kong sinasabi na ang ganda ng kutis mo, kahit ang totoo eh, negra ka naman talaga.. at Diyos ko, kahit ilang dosena pa ng whitening lotion ang ipahid mo diyan sa katawan mo, wala na yang pag-asa! Pinaramdam ko sa'yo na special ka.. (in a mentally retarded sort of way!) Minahal kita ng walang hininging ni ano mang kapalit. Minahal kita kahit 1 week kang di nagpapalit ng pantalon. Ni hindi ko na nga hiniling na minsan isipin mo rin naman ako. Na minsan magpalit ka naman ng pantalon. Isa lang naman ang hiniling ko di bah? --- Wag mo akong gaguhin!

Pero ang selfish selfish mo..

Hay, bakit kaya ganun? Unfair di bah? Ikaw na nga itong nagsakripisyo, ikaw pa itong ginago! Binalewala! Binalewala mo ako! Sayang! Sakit ah.. Ouch! Pero kunsabagay, bat naman ako masasaktan? Unang-una, never mo namang pinaramdam sa akin na akin na akin ka nga talaga! Wala naman talaga akong naging lugar diyan sa puso mo. I'm just your 'boy'.. It's so unfair tlaga. Wala kang inagrabyado. Di ka nakialam sa buhay ng may buhay. Hindi ka pumatay. Naging mabuti kang anak ng Diyos.. Ganun pala yun--- Di rin pala garantiya iyon na sa pag-ibig, di ka maloloko. Kase, ito ako, bilang katibayan. Ako na mabait, niloko ng isang tulad mo!

(Hinga ng malalim..)

Marahil ito na siguro ang pinakahihintay kong araw. After 7 months.. Haysssttt.. Atleast bago pa man mag-New Year, mabibitawan ko na ang mga linyang ito---

Masasabi ko na yung mga bagay na gusto kong mangyari! Noon pa sana eh. Ilang buwan din akong naghintay! Hindi ganun kadali, sabi ko nga.. Pero kinaya ko. Haaaayyy.. Sa wakas..
..HINDI NA RIN KITA MAHAL!!!


Dahil masaya na ako..
..sa piling ng iba.. =)