Monday, January 3, 2011

Bahala Na.. =)


Ako si Ram..
Ako ay gutom sa kalayaan..
Ayaw ko ng may nagdedesisyon para sa akin. Sa madaling salita, ayaw na ayaw ko ng pinakikialaman ako!
Madalas akong nagdedesisyon para sa sarili ko. Kung ano ang gugustuhin ko, ginagawa ko agad..
Kaya naman, madalas din akong sumemplang..
Minsan sumasablay,
Paminsan-minsan nagkakamali..
Nagkukulang!


Pero ngayong 2011, siguro babaguhin ko na ang sistemang gusto ko! Tatanggapin ko na ang reyalidad na di lahat ng gugustuhin mo, makakamtan mo.


Napaisip kase ako, baka hindi ang mga desisyon ko ang palpak??? Baka ako mismo yung palpak?


Marami na atang mali sa sistema ko..


Kaya naman nung minsang tinanong nila ako..


"Ano sure ka na ba diyan??? itutuloy mo na ba? Hindi yan parang kanin na pag napaso ka, pwede mong isubo!" Pwede kang umayaw kung hindi ka naman talaga handa.."


Ang totoo, hindi pa ako handa.. Pero ayaw ko ng magdesisyon para sa sarili ko.. Bahala na nga siguro si Batman. Kung ano ang desisyon ng dalawang panig, ipinauubaya ko na sa kanila.


Kung ano ang desisyon ng pamilya ko.. Yun at yun na rin ang susundin ko.. Bahala na si Ama.. At bahala na si Ina! Moms knows best kaya kung ano ang plano niya..


BAHALA NA..


Pero sana.. sana..


Haaaayyyy..


God, help me!!!