Friday, September 7, 2012

Sa Pusod ng Karagatan

 Mahal ko ang dagat. Dahil ako si Marimar at may lahi akong syokoy. Talagang mahal ko lang ang dagat.


Yung amoy kase nito, parang laging hini-hypnotize yung katawang lupa ko. Ang mga buhangin, para lang koneksyon ng aking kaluluwa. At ang bawat hampas ng alon, parang karugtong naman ng puso ko. Oo! Ganyan kasimple mag-inarte.



Noong nakaraang Linggo ay Eidl Fitr naming mga Muslim. Iyon ay ang pagtatapos ng aming pag-aayuno. Pinaghahandaan ito nang bonggang-bongga ng mga royal blood na Muslim. At dahil nga sa isa kami sa angkan ng dugong maharlika ay nagplano kaming mag-beach party.



So ayun, nagsplit with kandirit kami papuntang beach. Medyo nakaka-sad lang dahil, di nakasama si Misis, may appointment lang ang gaga. Tapos nakalimutan ko pa yung mamahalin kong trunks na balita ko e dalawa lang ang ganung trunks sa buong mundo. Ang isa e nabili ni Justine Bieber. Chika lang! Dahil sa naiwang trunks ay di na ako naligo. Oo, nag-inarte ako. Ang ginawa ko lang sa dagat nang maghapon e kumanta-kanta nang naglalakad habang hinahangin-hangin yung buhok ko at yung polo ko na naka-unbotton. At paminsan-minsan ay nagtatapon ng bato sa may dagat. Music Video lang ang peg?



Bukod dun e siyempre, hindi kompleto ang kaartehan pag walang picture-picture kaya inilabas ang mamahaling DSLR camera Joke lang, cellphone lang daw! Narito ang ilan sa mga kuha ko:


Ayan ang dagat. Sugod, Maguindanao Resort. Oh di ba? Taray. Pangalan pa lang, susugurin mo na. Nevermind na kung hindi white sand at walang chix na naka two-piece at kita yung pisngi ng wetpu. Ang importante, malinis ang dagat at presko ang simoy ng hangin.
Hiyang-hiya naman si Direk Ramsey sa pose na ito. Stolen shot yan. Pinaghandaan nga lang. Haha. Nag-sa-sunbathing. Kakaibang sunbathing dahil sa may lilim ng isang puno. E sensitive ang skin ko sa araw e. Chos!
Ok na sana. Kaso um-epal pa ang nanay kong panira ng moment. Makalipat na nga ng ibang pwesto.. Yung walang nanay na bigla-biglang sumisingit.
Sabi ng pinsan ko, magpose daw ako na parang Survivor. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa suggestion niya o maiinsulto. Kase para nga naman talaga akong Survivor dito— Survivor ng lung cancer. Payat na payat. Ayan o, angat na ang balikat. Long legged naman. Hmp.
At ang anghel sa buhay namin, ang makulit kong baby boy na kasing payat din ni daddy. May future pa atang maging syokoy.. (wag lang maging sirena, baka tuluyan ngang magka-cancer si daddy) Tuwang-tuwa sa tubig e. Ayaw ng umahon. Sayang nga lang at wala ang kanyang mommy.

Ayan ang masayang bakasyon ko sa Maguindanao. Ang ending, isa na akong ganap na Negrito de Baluga sa kasalukuyan. Malay ko bang di pala pwedeng gawing sunblock ang mantika? Di ako na-inform. At di ba nga, sensitive ang skin ko?