Wednesday, September 5, 2012

Naranasan mo na bang magupitan ng isang Barberong-Guro sa kalagitnaan ng inyong exam?

Sariwang-sariwa pa sa aking alaala, second year High School ako nun. Napakauso pa ang buhok ng nawawalang sina Wowie de Guzman at Spencer Reyes. Iyong buhok na hating-hati sa gitna na nagmukhang daanan na ng eroplano. Mas bagsak, mas cool. At required na dapat maisusubo mo ang bangs pag wala kang ginagawa sa buhay o habang nakatambay ka sa kanto at nagbibilang ng nagkakantutang aso. Ibig sabihin, dapat mahaba ang hair mo para hindi ka mapag-iwanan sa uso.

Isa ako sa milyon-milyong nakiuso sa Hair Style Fever na iyon. Kaya lang bigla akong nalugmok nung putulan ito ng aming Guidance Councilor. Ayaw ko sanang ipagupit pero sapilitan niya akong kinaladkad at iginapos sa puno ng aratilis nang walang kalaban-laban at saka ginupitan. Masamang-masama ang loob ko. Kaya taimtim akong nanalangin na sana ay kumidlat at tamaan ang tanginang Guidance Councilor na ito. Kaso ay El Niño noong mga panahong iyon. Patuloy pa rin siya sa paggupit sa pang-artista kong buhok.

“Pakyu ka Sir! Anong kasalanan ng buhok ko sayo? Hindi ito makatarungan!” 

“Tumigil ka, kung ayaw mong manghiram ng tenga sa baboy!”

“Sir, willing akong manghiram ng tenga sa baboy, maging sa daga man. Pero utang na loob, itigil niyo ang paggupit sa buhok ko. Ipinaglihi ako kay Samson. Mawawala ang lakas at kapangyarihan ko pag pinagpatuloy niyo pa ang paggupit dito. Bakit ba kase may ganitong kasyetang policy?”

“Tanga, for grooming purposes ito! Wag kang makulit.”

“For grooming purposes? So was Jesus Christ unkempt then? Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Sir! Hinahamak mo ang anak ng Diyos. Kilabutan ka!”

At natigilan ang uto-utong Guidance Councilor.

Hay naku! Ang mga tao nga naman, wagas kung makahusga. Bakit kaya hindi na lang nila ipagkibit-balikat ang mga bagay na nakikita nila na hindi naman nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay? Nasan ang hustisya? Ilabas ang hustisya. Katarungan para kay Ka Dencio! Katarungan!

Grumadwet ako ng High School. Wala na rin akong naging issue sa buhok nung tumuntong na ako ng college. Kaya kung anu-ano ang pinaggagagawa ko dito. Hinati sa left side. Tapos hinati sa right side. Tapos sa left uli, two times at sa right naman, two times din (may blocking?) Kinulayan ng ginto.. Ng itim. Kinulayan uli ng ginto. Kahit anong ma-trip kung ayos nito, nagagawa ko nang walang nangingialam. Hanggang sa isang araw, naging matunog ang bulung-bulungan na may Hair Cut Policy na rin sa College. Bawal ang longhair. Bawal ang may kulay. Tanga sila? Anong gusto nila? Na gawin naming transparent ang mga buhok namin? Anong akala nila sa black? Hindi kulay? Ang unang-unang nagreklamo sa isyung ito ay yung mga ubanin. Dinidiscriminate daw sila. Oo nga naman.

Kung sa High School, medyo ok lang (ok na lang!) na iimpliment yun. Na pwede pang sabihing “it’s all about discipline.” Pero kung pati sa college ii-implement pa yan. Aba e PUTANGINA! Nakakagago naman ata yan. Makakapal na po ang mga buhok namin sa betlog. Hindi na kami bata, sa katunayan ay pwede na kaming gumawa ng bata. Matatanda na kami para diktahan sa kung ano ang tama o hindi tamang buhok para sa amin. Tangina. Ang sarap magprotesta pero ayaw kung mag-eport. Tinatamad me.

So ayun nga. Sa ayaw at sa gusto namin. Naimplement na nga ang policy na iyon. Wala akong nagawa kundi gupitan ang napakamahal kong hairstyle na pinasadya ko pa sa David Salon. Paksyet, mas mahal pa to sa buhay nila. Chos!

Masunurin ako. Ano nga naman ang karapatan kong hindi sumunod. Kaya sa kasalukuyan ay maiksi na ang buhok ko. Wala na rin itog kulay subalit naiwan pa rin ang ilang mga katanungan sa aking isipan:
  • Sa buhok ba nasusukat ang pagkatao ng isang tao?
  • Ano ang kinalaman ng buhok ko, sa pag-aaral ko?
  • Bababa ba ang bill namin sa kuryente ngayong kulay itim na itong buhok ko?
  • Gaganda ba ang sirkulasyon ng dugo ko ngayong maiksi na itong buhok ko?
  • Ngayon na nakapagpagupit na ako at hindi na kulay ginto itong buhok ko, magbabalik na ba ang tambalang KIMERALD? Masosolve ba ang problema ng bansa? Mababayadan ba ang utang ng Pilipinas? Tataas ba ang piso kontra dolyar? Bababa ba ang presyo ng gasolina?
  • ..Mahahanap ba ang nawawalang sina WOWIE DE GUZMAN AT SPENCER REYES?