Monday, September 10, 2012

Guest Speaker

Nais ko lang pong ipaalam na hindi po totoo ang kumakalat na balitang nilamon ako ng lupa sa kararaan lang na lindol dito sa Mindanao. Buhay pa po ako at wala namang may isang nasaktan kahit na may kalakasan iyong lindol dito sa amin. 

Hindi ko lang maiwasang isipin sa sandaling iyon na baka nga yun na ang moment of time ko ng pag-he-hello San Pedro. Kaso nang mapag-isip-isip kong pangit pala ang suot kong brief e puta tumakbo ako sa pinaka-safe na lugar noong maganap ang lindol. Itinulak ko ang mga dapat itulak. Sabi ko, “utang na loob, paraanin nyo ako, hindi pa ako pwedeng mamatay right there and there.” Nakakahiya naman kase kapag halimbawang narecover na yung mukha kong wasak tapos pati brief ko e wasak din. Ayoko. Pagtatawanan lang ako.

Anyway, inihaw.. noong nakaraang Linggo ay naimbitahan ang inyong lingkod na maging isang panauhing pandangal sa Buwan ng Wika Culmination ng Tran National High School. (Paaralan na napakalayo sa kabihasnan.) Ang taray lang di ba? Panauhing Pandangal. At mas tataray kung i-translate natin sa english— Guest Speaker. Bigla na naman akong napatanong sa hangin kung bakit ako? E tanggap na tanggap ko naman na kagwapuhan lang talaga ang maipagmamalaki ko sa buhay. Hindi ako matalino para sa mga ganyan. Ano naman kaya ang sasabihin ko dun sa entablado. Sa kabilang banda, naitanong ko rin— “ito na kaya ang simula ng kasikatan ko?” habang nakatingin sa kawalan with the background music of Bituing Walang Ningning.

Dahil nga sa wala naman talaga ako inaatrasang kainan (libre meryenda daw kase) e di tinanggap ko ang offer na maging isang guest speaker. Naghanda ng napakahabang speech, syempre dafat lang na habaan ko ang exposure sa entablado. Kung ano-ano yung mga nasabi ko. Hindi ko nga rin naintindihan yung iba. Bangag lang? Pero wag ka! Napapalakpak ko yung principal. Hindi ko alam kung dahil ba mensahe ng speech ko o dahil sa pagpakyaw ko sa paninda niyang yema?

Kakaiba iyong pakiramdam na sa tuwing may magsasalita sa entablado, ang laging intro e— “sa ating kagalang-galang na panauhing pandangal, Rajan Ram M. Mamadra..” Bukod sa nabastos ako dun sa kagalang-galang e sobra pala nakakataba ng puso. Ansarap lang. Tapos yung kaliwa’t kanan e nginingitian sabay kinakamayan ka.. Very priceless!

At nung i-pin-in sa dibdib ko itong ribbon na to mas malaki pa ata sa akin.. Kahit dumugo yung nipple ko kase natusok ng pin e abot-tenga pa rin ang ngiti ko. Ansarap pala kase yung feeling na importante ka.
Double purpose ang pag-imbenta nila sa akin. Kaya may-ay-insist aketch ng dobleng meryenda. Kapal much? Bukod kase sa ako na ang Panauhing Pandangal, e naging hurado din ako sa mga inihanda nilang patimpalak— speech choir, song solo, ethnic dance at beauty pageant. Nanuyo lang ang utak ko sa pag-ja-judge ng iba’t ibang contest.. Awang-awa ako sa kakapiranggot kung utak Ate Charo.



Sila yung mga kasama kung naging hurado. Lakas maka X-Factor. Feeling ko tuloy, ako si Pilita. Gary V. Nakakapanliit lang sa mga kahilera ko. Yung isang lalaki jan na di hamak na mas gwapo ako at nagkunwaring hindi alam na pinipiktyuran siya na halata namang naghanda e nagtapos ng BS Chemistry at Leiutenant II siya sa kasalukuyan. Yang isang hitad naman, teacher. Pero anong say nila na ako ang naimbitahang maging Guest Speaker? Bwahahaha. Insert kulog at kidlat sound effect here.