Saturday, February 5, 2011

Inggetero


SILENCE is the best answere
I can give to an issue.
What's the use of
admiting or denying
when in the first place,
"I AM ALREADY JUDGED!"


Iba-BLOG ko na lang!

Maraming salamat na lang sa isang tao diyan na itinuring ko pa na man ding isang matalik na kaibigan. Ay hindi pala --- isang kapatid. Kinuha-kuha pa man din kitang isa sa kokompleto sa casting ng kasal ko. Hindi ka pa pala grumadwet sa pangba-backstab sa akin..

Ipagdadasal na lang kita. Hindi kita ipapakulam, wag kang mag-alala. Sayang ang makokonsume kong enerhiya. Hindi rin kita isusumpa. Ayaw kong mag-eport-eportan. Dahil kahit di naman kita isumpa, malamang mamatay ka rin. Uuurin ka rin!

Di ko kailangang patunayan ang sarili ko sa'yo. Unang-una marami na akong napatunayan. Pangalawa, kilalang-kilala ko ang sarili ko, kung sino ako. Kilala ako ng mga mga totoong tao na tunay na nagmamahal sa akin. Hindi yung nagbabalat-kayo lang.

Iisipin ko na lang na siguro nga naiinggit ka lang sa akin. Kunsabagay nga naman, malayo ang nararating ng inggit.

Bakit bah?

Dahil bongga ang kasal ko? Eh di ba nga, personal naman kitang inimbita at isa ka pa sa mga cast?

Dahil ba mas kutis-mayaman ako? Dahil ba mas may katangkaran ako? Mas mabango ako?

Dahil ba mas branded ang pangporma ko?

Dahil ba tinapos ko ang kurso ko? At ikaw hanggang ngayon eh tambay pa rin?

Dahil ba ako may trabaho na at nakakaipon na ng sariling pera at ikaw tambay pa rin? Oo required na ulit-ulitin yung tambay para maemphasize.

O baka naman dahil may keyk ako nung birthday ko?

Bakit ka ba kase ganun? Kailangan mo pa akong itsismis? Pag magkaharap naman tayo, parang hindi ka makabasag-pinggan. Hanggang ngayon ba naman? Hindi na tayo bati.. Bad ka kase.