Thursday, January 12, 2012

PAHABOL PARA SA BAGONG TAON..




“Huli man daw at magaling, nakakahabol din.”


Ganun talaga ng intro, required yung pagmamagaling!


50 Golden Taon na naman ang lumipas bago ako nakapagkwentong muli. Busy-busyhan lang kase yung drama. Unang-una kailangan kong careerin ang pag-aaral. Para sa future kuno! At para sa pangarap kong maging lehitimong poging titser sa mga darating na dalawa o tatlong taon o apat na taon o apatnapu’t walong taon. (Di pa kase syur kong maipapasa ko ba ang mortal enemy namber wan kong Kontemporari Matematiks! Tsk!!!)Tulungan niyo na lang akong magdasal. At kung hindi kayo busy, ipagnovena ninyo ng kahit isang Linggo lang naman sa inyong mga tahanan na maipasa ko nga ang letseng Kontemporary Matematiks na ito. Baka makuha natin sa pinakabonggang dasal.
  
Enewey, inihaw.. tungkol talaga sa ‘Bagong Taon’ ang paksa natin ngayon.


(Late Rizal Bagong Salsal na ang blog na ito. Ano pa nga ba? Pabalentayms na at Bagong Taon pa rin yung paksa. Pero sabi nga sa nagmamagaling kong intro, “Huli man daw at magaling, huli pa rin.” At “ Better Late Than Never.” At pakialam ko ba sa litanya ng titser ko sa Ert Sayans na “Never Late is Better.”


Saan ka ba nag-Bagong Taon?


Nakailang putok ka noong Bagong Taon?
  
Naputulan ka ba ng dalawang kamey noong bagong Taon? (Dalawang kamay talaga? Patay tayo diyan, paano na ang extra-curricular activity mong pagtitikol? Ipit na lang sa unan?)


Ano-ano bang mahahaba, mabibilog, malalagkit at mapuputi ang inihanda ninyo noong Bagong Taon? 


Hulaan ko, nagpolka-dots ka noong Bagong taon noh?
  
Bago niyo sagutin ang mga makabagbag-damdaming katanungan na nasa itaas, hayaan ninyo munang ibahagi ko ito---
  
Noong Bagong Taon, andami kong karitwalang pinaggagagawa sa buhay. Pagsusuot ng polka-dots??? CHECK! Sabi kase nila, swerte ang dala non. Porke bilog, sumisimbolo na ng barya. Waynat??? Naku! Lagot, baka sa taong ito, puro barya na lang ang pumasok sa akin. Bigat kaya non. Kung sana’y nakahanap lang ako ng damit na may disenyong hugis parihaba bago sumapit itong Bagong Taon! Di sin sana’y iyon ang naisuot ko. Parihaba, korteng perang papel. Pwede ring tseke. Pero naisip ko lang ha, (naisip lang naman..) Pag nagsuot ka ng damit na may disenyong parihaba, e di, di ka na pwedeng tumalon-talon nun pagsapit ng alas-dose? Tseke nga diba? Baka tumalbog. Toinks!
  
Nagpaputok ba ako noong Bagong Taon? CHECK! Pero binawalan ako ni Misis na magpaputok sa loob. Baka daw madisgrasya--- madisgrasya ang loob ng bahay! (Hmmm.. may iniisip???)


Naalala ko pa, noong nakaraan at nakaraan pang New Year. Nagpayo ang boss ko na bago pumatak ang alas-dose, kailangang maligo ng  asin. Dahil may dalang malas daw ang Year of the Rabbit. At para maitaboy yung malas. Ang asin ang magtataboy nito. “Daw!” Dahil nga sa hindi ako uto-uto, naligo nga ako ng asin. At presto, para lang akong pinaksiw na hindi man lang nag-isip kong saan bang website nabasa ng boss ko na nagtataboy ng kamalasan ang asin. Aswang lang ang itinataboy non, pero ang malas? Ewan ko. Hindi man lang ako nag-isip kung nagtitrip lang ba itong boss na ito o ano. Umalat tuloy ang buong taon ko.
  
Kaya naman, itong katatapos lang na bagong Taon, never na ako naligo ng asin. Katas na lang ng sili! Para lumevel-up naman. From asin to katas ng sili. Juk only!


Naging makulay ang taong 2011 para sa akin Ate Charo. Nagkafirst job ako sa Jollibee. Ikinasal kami ng aking labobmaylayp. Nagka-first baby kami. Magkakasama pa rin ang family tree (except kay fadir na bagong bayani agbayani pa rin sa abroad.) Nagkapassport pero hindi natuloy ang world tour ko Medyo nagkaproblema ng aking manager. Pero okey lang, marami pa namang taon. Nag-aral ulit ako sa ikalawa kong kurso. At higit sa lahat, noong 2011, tinuli na ako. Yeheeeey!!! Sana naman, mas maging makulay pa ang Year of the Water Dragon por me! At sana rin, marami pa akong maikukwento. Magkwentuhan ulit tayo hah? Samahan ninyo parin sana akong muli, sa pagbabasa ng mga walang kwenta kong blogs. Utang na loob!!! PLISSSSSSSSS…