Monday, January 30, 2012

NASAAN KA REGALO?

Nakatatak na sa mentalidad ng bawat isa sa atin na ang magandang regalo ay yaong mamahalin, o sabihin ko sa ganitong paraan-- ang mamahalin ay magandang iregalo.

Pero teka lang kaibigan, naiisip ba natin yung salitang "PRAKTIKALIDAD?" At yung higit na pinakamahalaga sa lahat, ang "SENSERIDAD?"

Isaisip natin na ang pagbibigay regalo ay hindi kinakailangang binububuo ng materyal na bagay. (Chos!)

Pero kaya ba ng powers mo na i-gift wrap ang kapayapaan? E ang kaunlaran kaya? O ang katarungan? (Hindi yun materyal di ba? Nagets niyo yung joke? Oo, joke yun siya. Ready 1 2 3.. Tawa! Ang hindi tumawa, badbreath!)

Kung hindi mo kaya.. Pwet! Este Pwes! Materyal na bagay na lang ang iregalo mo (sa akin), para sa katatapos lang na bertdey ko.

Tapos na nga yung bertdey ko (kahapon lang.) Kakastress nga e. Nadagdagan na naman kase yung edad ko. Ibig lang sabihin nito, tumatanda na ako. Bente dos na. Pero atleast, yung kagwapuhan, nasa dise-sais pa rin.

Nanawagan ako na..
Tumatanggap pa rin naman ako ng regalo kahit tapos na yung bertdey ko. (I-bold at i-italic at lagyan natin ng underline para bungga yung emphasis.) Amsyur, pamilyar naman kayo sa kasabihang "Better Late Than Nevah" kaya ihabol na yang birthday gift na yan. Now na! Baydawey, tumatanggap din ako ng cash. Pwedeng-pwede na yun. Hindi ako choosy. Ngayon kung medyo nasa malayong lugar naman kayo, madali lang yan, may ATM account ang inyong lingkod. Bago ko makalimutan, acceptable din pala yung load. Kahit pasaload na lang. Chokz na!

Anyway, I just want to extend my sincere gratitude and appreciation for those who greeted me.. Through FB, through emails, through phone. And specially for those who greeted me personally. A million thanks. (Umingles? Nagbertdey lang, inglisan na ang show!) Di ko na kayo maisa-isa at baka abutin ako ng another bertdey ko pa, e di pa rin ako natatapos sa kakatype ng hinayupak ninyong mga pangalan. Salamat. Pero mas wagas sana yung pasasalamat ko kung ang pagbating iyon ay may kasabay na regalo.

Bat weyt ders mor, makokompleto ba naman ang bertdey kung walang magaganap na pag-wi-wish? Siyempre, hindi! So heto na.. Simple lang. Sana magkaroon ako ng sports car, yung red! Sana magkaroon ako ng condo unit sa Greenhills. Sana makapagguest ako sa Oprah. Sana maisali ako sa cast Glee. Sana makapag-worldtour, kahit sa 25 countries lang naman. Sana maging cover ako ng Time Magazine. Kahit anong issue, choks na! Mapa-Kalag-Kalag o Semanta-Santa issue pa yan. Juk onli.

Eto talaga yung wish ko, dalawang bagay lang naman--KALIGAYAN AT KAKONTENTUHAN para sa aking buong pamilya, mga kaibigan at sa lahat ng mga anak ng Diyos sa pananampalataya.

Amen!