Monday, March 15, 2010

Platonic Relationship


Naniniwala ka ba na nag-eexist talaga ang PLATONIC RELATIONSHIP??? I mean pwedeng maging matalik na magkaibigan ang opposite sex without any HIDDEN AGENDA??? I repeat "matalik na kaibigan", hindi katalik na kaibigan. Kinaklaro ko lang po..

Yung tipong kahit konte your not attracted to your friend? Like ni minsan hindi ka nag-isip na, "wow she's/he's so cute today" or something like that?

Let me share with you kung ano ba talaga ang ang kahulugan ng PLATONIC RELATIONSHIP.. Ayon nga sa aking pagreresearch...

PLATONIC RELATIONSHIP is something to do with.. (something to do with??? Melissa Cantiveros tone)

.Walang malisya, no hanky-panky, no intimacy, no romantic intentions
Yung tipong lahat ng bagay pwede niyong pag-usapan without limit. Lahat ng bagay.. Politics, showbiz, kaek-ekan o KALIBUGAN but take note.. walang malisya and no hanky-panky, intimacy and any romantic intentions. In short, no sexual activity. Nag-uusap lang kayo kase wala lang..


.Sobrang comfy na kayo with each other
Sweetness is nothing but natural. Natural lang na magtawanan kayo hanggang sa magkakabag. Natural na magsubuan. Natural na magholding-hands o mag-akbayan in public. Natural na magkiss sa cheek pag kinakailangan. For example birthday nung isa or goodbye kiss or whatever! Sa cheek huh, hindi sa lips.

.More than friends, but less than lovers
There should be a borderline within that relationship and that is sex. So if your not intimate, how can you be lovers? Kumbaga, hindi lang kayo basta magkaibigan lang. Malalim na yung friendship ninyo pero hanggang doon lang yun. Hanggang sa malalim na pagkakaibigan lang.

.You trust each other 100%
Sobrang nagtitiwala si babae sa lalake.. Yung papayag siyang makipag-inuman ng walang paghihinala na may mangyayaring di inaasahan between them, kahit na lasing na lasing pa ang isa sa kanila, or silang dalawa.. Or papayag siyang matulog sa isang kama na walang pag-aalinlangan na mananantsing si lalake. Pwede ring vice-versa.. Si lalake yung hindi mag-aalinlangan na baka manantsing si babae.

In my case, lagi akong nagkakaroon ng bestfriend na girl.. And I admit, minsan na-fo-fall ako.. Mayron din naman na alam kong hanggang dun lang yung pwede. Yung hanggang friends lang talaga.

Sa ngayon, I have a bestfriend.. I am comfortable with her.. We are very close and yet we are very open. Yeah, open kami sa lahat ng bagay. I share my lovelife with her, I even share my sexlife without any malisya. Promise! Sinishare niya rin yung lovelife niya with me. Hindi pa nga lang ang sexlife. Malamang, dahil wala pa yung sexlife.

Naranasan naming matulog ng magkatabi. Bumili ako ng condom kasama siya and guess what??? Lahat ng madlang people sa pharmacy store, na binilhan namin ng condom, napatingin. Deadma! Lagi siyang sumasama sa akin sa bahay. At di siyang nahihiyang magtanong sa akin about sex. Etchetera, etchetera, etchetera... Basta nagkakaintindihan kami in almost everything.

We love each other.. as friends.. I dont know kung hanggang dun lang. No one knows.. Haha =)

Magkakaroon kaya ng linyang.. "sinyota mo ang bestfriend mo.. sinyota mo!"? Again no one knows.. Only time can tell!